CHAPTER 24

15 0 0
                                    

•••

GABE POV


" Tsss... "

Ang e-epal talaga nila. 
Mga walang magawa ...

Nagulat ako dahil sa ingay kaya nabitawan ko biggla yung plato. Mabuti na lang at yung mga pinggan lang. Ayun basag.

Tsk'.

" Sorry Gabe hehe. Peaceeee~ " sabi ni Pin atsaka dahan dahang umalis. Kahit kailan talaga napakapilyo niya pa rin. 

Sa lahat ng mga Legendary Vampire siya ang napakapilyo at makulit. Isip bata ika nga nila pero bawi naman siya dahil isa siya sa napakagaling gumamit ng mahika sa akademya.

Binaling ko ang tingin sa mga nabasag at akmang kukunin ko na yung mga nabasag na piraso nang may kamay na naunang kumuha.

(O____O)

" ako na" mahina niyang usal at napatingin sa akin. Nailang naman ako dahil sa paglapit niya nakayuko siya at sobrang lapit!

(>_____<)

B-bakit ang lapit niya sa akin? Ilang centimetro nalang kasi ang pagitan namin. Aish.'

Hindi ako komportable!..

Siya → (^_____^)

Ako → (O_________O)

Agad ko namang iniwas ang tingin ko. Ano bang ginagawa mo? Tsss.. 

inalis ko ang tingin sa kanya at winaksi ang kamay niya.

"Hindi na. Ako na po Master. "

wika ko at madaling  kinuha ang mga bubog.

" Ahck-"

Dugo.

Tumutulong dugo mula sa aking daliri.

Napatingin ako sa kamay ko dahil sa sugat na nandoon. Tch. May sugat.

" Tsk. Hindi kasi nag- iingat akin na nga. "

Tabig niya sa kamay ko at hindi ako nakagalaw dahil sa sumunod niyang ginawa.

Kinuha niya Ito at tinitigan mas lalong nanlaki ang mata ko sa sumunod niyang ginawa.

Sh*t

Sinipsip niya ang dugo sa aking daliri habang nakatitig sa akin. Damang dama ko ang bibig niya sa aking daliri nilalasahan ang dugong naroroon.

Ahhhhhhhh! tinulak ko siya at madaling tumayo at iniwan siya doon. 

Sheeeet talaga!

Bakit niya ginawa iyon!


Kung sabagay sino nga bang hindi bampira ang matutuksung tumikim ng dugo. 

Atska Master mo siya Gabe alahanin mo.


P-pero kasi!

Ginugulo niya na naman ang isip ko. Tsh'..

Umalis na ko doon at Nakasalubong ko naman si Pin sa sa sala nakaprenteng nakaupo habang kumakain ng chips.

Psh. Kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari iyon. Kasalanan niya talaga lahat. T.T

→_→

" oh bakit? Chips gusto mo? "

Tsh. Chips niya mukha niya. Loko talaga toh. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Makaalis na nga lang dito.

Bakit ba nangyayari ang ito sa akin?



Yuan POV

" Sorry Gabe hehe. Peaceeee~ "

Nakangiting sabi ni Pin tapos ay kumaripas siya ng alis. mabuti at umalis na iyon. tsk pahamak talaga.

Nabaling ko naman ang tingin ko kay Gabe na naktingin sa sahig kung saan nagkalat ang mga nabasag. Akmang kukunin niya sana ng agawin ko ito.

" ako na" at kinuha ang mga bubog at napatingin sa kanya. Magkalapit ang mukha namin at kita ko sa kanya na naiilang ito. Hmmm. Napangiti naman ako sa isip ko. Hindi parin siya komportable sa presensya ko lalo na ganito kami ka lapit.

Agad naman niyang iniwas ang tingin at kinuha ang mga bubog para siyang hindi mapakali at siya namang pagkasugat niya.

"Ahck- " daing niya at agad nagkalat ang dugo sa daliri niya.

Tch. kahit kailan talaga hindi siya nag iingat. Napatingin ako sa kamay niya at tuloy parin ito sapag daloy. Hmmmm. 


Dugo.

*tugdug*

*tugdug*

*tugdug*


Hindi Ko mapigilan mapatitig doon at naging sabik sa dugo. Napakasarap sa pang-amoy tila nauhaw ako bigla.

Hmmm.'

Kinuha ko agad ang kamay niya ay pinakatitigan ito at walang pasabing tinikman iyon habang natingin sa kanyang mga mata.

Ahhhh. Napakasarap ng lasa ng dugo niya. Hindi ko mapigilang sipsipin iyon at mas madiin na tinikman.

Ilang beses ko na rin natikman ang dugo niya ngunit walang kupas pa rin ito napakasarap at napakabango. Sa lahat ng dugo na aking natikman ay sa kanya ang nakakabaliw , nakakaadik.

Hmmmm. Kung maari lang sana huwag ko ng bitawan pa at huwag itigil.

Titig na titig ako sa kanyahabang nalalasahan ko ang dugo niya. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat na hindi inaasahan ang aking ginawa. Kaya bigla niya tinulak at mabilis na umalis.

(O_____O)

Nawala na naman ako sa kontrol. Tangina. Aaaagggghhhh!

Ang tanga mo Yuan'.!

Paniguradong galit na naman ito sa akin dahil sa ginawa ko.

Bakit ko iyon ginawa?

Bakit hindi ko pinigilan ang sarili ko?


Isang pagkakamali na naman.


Ano ba ang gagawin ko sayo Gabe? Kapag ikaw na ang nasaharapan ko parang nawawala ako sa sarili ko at nakakalimutan ang bagay na nakapaligid sa akin.

Ganun ba talaga ang epekto mo sa akin?

Gabe

"  Ikaw pa rin talaga hanggang ngyon."

Wika ko sa kawalan at niligpit ang mga nakakalat na mga nabasag.

•••

A/N: EDITED

 Updated!  Kamusta po ang chapter na ito? Pasensya na po sa sobrang bagal ng UD. (≡^∇^≡)

Keep reading and voting!
xoxo❤

-CRAYISTEN


VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon