CHAPTER 22

25 0 0
                                    



Bakit kasi walang ka preno-preno itong bibig ko iyan tuloy mapapasubo ako nito sapag iisip ng eh dadahilan sa kanya dapat kasi sa isip ko lang sasabihin yun. Wala rinig na niya! 

Pahamak na bibig toh. Hays! Naku naman talaga oh. 

Siya nga pala kasama namin si Pin sa pag uwi. Kailangan daw kasi may pinapagawa din sa kanya ang mga nakatatandang bampira kaya lang maiilang araw lang siya doon at babalik na rin dito sa VA.


" Gabe "

tawag niya ulit sa akin.


.......


Ayokong magsalita baka magkamali na naman ako.

" Gabe ano yung sinasabi mo kanina? "

Pag uulit niya. Pero ako wala paring kibo. EH SA AYAW KONG MAGSALITA!

" Gabrielle " tawag niya

Mukhang seryoso at naiinis na ata siya kasi iyon na ang tawag niya sa akin. Bahala siya! Hindi ko siya diyan iimikin. Wala akong paki sa kanya.

Makipagyakapan ba naman dun sa- ! heto na naman naiisp ko naman yong eksenang yun.

Ka badtrip naman oh. Ba't ba kasi ako naiinis pag na alala ko yun. Pero HINDI talaga HINDI AKO NAGSESLOS! Asa siya! 

Bahala siya kung ilang babae pa ang yakapin niya o halikan sa harap ko promise hinding hindi ako magseselos. -_- 

Tss Wala naman kasing kami. 


" Gabe kinakausap kita " lumapit siya sa akin yung lapit na lapit talaga

Habang ako wala nakapoker face pa rin sa kanya. 

Please Gabe huwag magpahalata baka isipin niyang-



" Bakit ka agad umalis kanina? "

Ano daw ? Teka bakit niya alam.?

" sinabi ni Pin sa akin. "

Binabasa nanaman niya ang iniisip ko. Aish!

" Wala. Akala ko kasi walang tao tatambay sana ako doon "

sagot ko habang hindi tumitingin sa kanya. Ang lapit niya kasi sa akin eh pwede naman kaming mag usap nang hindi ganito kalapit.

Napaangat ako at ayun nakatitig lang siya sa akin na parang ini examine ang mukha ko. >_< 

at sa tingin niyang yun parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hindi rin naman ako nagpatalo at nakipatitigan din sa kanya. Ha! Ano ka ngayon kala mo! Psh.

" Tapos na akong mag impake. Tara na "

Mukhang nanalo ako Hahaha. 

Mabuti naman at makakaalis din kami makikita kuna ulit si Lolo Harold miss ko na siya eh.


Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay kakalabas lang namin sa portal na ginawa ni Pin para makatawid kami galing akademya papunta dito para daw mas madali kaming makarating. 

Habang sinasara ni Pin ang lagusan ay na una na akong pumasok sumunod naman si Yuan sa akin. Pagkapasok namin ay agad akong sinalubong ni Lolo.

" Apoooooooooooo! " sigaw niya parang bata lang Hahaha si lolo talaga

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon