CHAPTER 18

83 1 0
                                    



A/N: UPDATED!

___________________________________________


Yuan POV



Hindi ako mapakali ngayon. Ewan ko ba kung bakit pero kinakabahan ako ngayon . Hindi dahil sa kung anong gaganapin sa pagpupulong kundi dahil sa makikita ko siya doon.

Alam kung galit ito sa akin dahil sa walang pasabi kung kilos kanina.

Dapat hindi ko na lang talaga ginawa iyon kung ito lang pala ang magiging dahilan ng pagkasira ng pagtingin niya sa akin.

" Yuan kamusta ? " tapik sa akin ng isa sa mga legendary vampires na kasama ko.


Si Louie siya ang ang isa sa mga malapit kung kaibigan dito dahil na rin sa matalik na magkaibigan ang aming mga magulang ay naging magkaibigan kami.


Umiling lang ako bilang sagot sa kanya. Alam niya ang tungkol Kay Gabe at sa labis kung pagkagusto ko sa dalaga. Hay!


" Bakit anong problema ? "tanong niya muli sa akin


Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa depresyong aking dama ngayon.


" Mamaya ko na lang ipaliliwanag " batid kong sagot sa kanya

Tumango lamang ito bilang pag unawa sa akin.


Sigh'


Nandito na kami sa silid ng pagpupulong kung saan nandito na rin ang lahat ng legendary vampires. Tumingin tingin ako sa paligid ko at nahagip ng mga mata ko so Larrence na nakatingin din sa akin.

Hindi pa kami tapos nito kanina sapag uusap at mukhang may binabalak nga ito Kay Gabe. At hinding hindi ko ito mapapayagan. Ni hawak sa daliri ni Gabe ay hindi ko hahayaang mahawakan niya.


Naiinis ako sa sinabi niya kanina para bang hinahamon ako nito at gusto pang makihati kay Gabe! Tsk!


Napa iwas ako ng tingin ng nakita kung bumukas ang pinto ng silid at pumasok doon ang mga Vampire Knights. Ang unang pumasok ay ang unang pangkat ng mga Knights. Yumuko sila sa harapan ng mga nakatataas na bampira at ministron tapos ay humarap sa amin at yumuko run bilang pagkilala at paggalang sa amin. Tapos ay nagsitungo na sila sa kanilang upuan.


Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil ang sumunod na pumasok ay ang ikalawang pangkat. Nagsipasukan ang mga ito at gaya rin ng na unang pangkat ay yumuko din sila. At doon ay nahagilap ko si Gabe na nasa hulihan. Walang bakas na anumang emosyon ang meron ito sa mukha. Kundi purong wala.


Umupo na rin sila na kabilang natitirang upuan ng mga na unang pangkat ng mga Vampire Knights.


" Simulan na ang pagpupulong " wika ng isang matandang konseho


Ang lahat naman ay tahimik.


" Alam niyo na ba ang puno't dulot ng nangyari kanina kamakailan lang ? " tanong ng isa sa mga konseho.


Isang katahimikan lang ang bumalot sa silid matapos ang tanong nito.


Lahat kami ay napipi dahil sa tanong. Wala naman kasi kaming nalalaman mga legendary vampires tungkol dito ang mga vampire knights ang lumaban kanina kaya marahil ay may alam ang mga ito.


" Wala ba sa inyo ang makakapagsabi kung ano ang nangyari? " muling wika ng konseho


Isang katahimikan lang naisagot namin.

" Kung gayon nais sana namin na mas pag igihan niyo ang inyong pag e-ensayo dahil na rin sa nangangambang pagdating ng mga insane. Maliwanag ba ? "


Ang lahat naman ay tumango bilang sagot na lamang.


Nagawi ng aking mata kung saan si Gabe nakaupo. Doon ay wala akong nakita kaya napalinga ako kung saan. Saan kaya siya ? naman oh



Kailangan ko yata siyang kausapin ng masinsinan para wala nang tensiyon o anumang ilang pa sa aming dalawa. Sigh'



-CJzkie ( Maiden )

___________________________________________

~Cijeeeyah

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon