CHAPTER 20

26 0 1
                                    

CHAPTER 20

P.S. Hindi na po flashback :)

Yuan POV

At dahil doon napapayag ko siya dahil sa isang halik ewan ko ba sa tuwing nagtatagpo ang aming mga labi ay tila parang ayoko nang huminto sapag halik.
Parang magnet ang labi nito. Pero sa ngayon ang gusto ko lang ay makuha ulit siya at maibalik bilang Knight ko. Kung hindi lang siguro nangyari ang mga alitan noon paniguradong magkasama parin kami.

Nandito ako ngayon nakaupo sa classroom namin kung saan kasama ko ang ibang Legendary Vamps. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang ginagawa.

" Yuan Hoy! " tawag sa akin ni Pin

" Oh bakit ? sagot ko kay Pin Isa rin samga Legendary Vampires nakasama ko.Siya ang pinaka makulit sa amin at pilyo pero seryoso pagdating sa mga labanan at tungkol sa pag-aaral.

" Kanina kapa tulala diyan. Ano bang problema? " tanong niya sa akin.

" Wala huwag mo akong intindihin " sabi ko sabay tayo at naglalakad na palabas sa room at nagtungo samay terrace at sumandal.

Nasaan kaya siya ngayon? kasi naman kanina may oras na sana akong kausapin siya pero walang ibang lumabas sa bibig ko kung hindi puro Gabe. Sobra talaga ang epekto niya sa akin. Pangalan pa lang niya nagwawala na ang puso ko.

Napatingala nalang ako sa langit puno ng bituing kumikislap. Napakaganda. pinikit ko ang mga mata ko. Isang napakagandang imahe ang nakikita ko. Si Gabe.

" Yuan! Pssst! " sigaw ng isang boses di kalayuan.

Mula sa isang dingding kung saaan siya nakatago ay lumabas siya. Nakita kong may isang babaeng papalapit sa akin. Mukhang pamilyar ito at pagkalapit niya. Si Vian. Isa ring Legendary Vampires. Kasama ko sila pati yung tatlong ugok na nagpakita kina Gabe, Si Larrence, Glen, Yves, Neo, Pin at Vian.

Pero mayroon pang isang Legendary Vampire ang kulang sa amin si Aya. At mayroon pang apat na Nakakatandang Legendary Vampires.

Teka anong ginagawa niya rito sa labas. Isa pa tong makulit na to parehong pareho sila ni Pin.

" Anong ginagawa mo dito Vian? pumasok kana doon " pagpapaalis ko sa kanya.

" Nakakabored doon dito na lang ako " maktol niya at tumabi sa akin. Nakapulupot ang dalawa niyang braso sa isa't isa at nakalagay sa dibdib niya.

" Hmmm nagkausap ba kayo ni Gabe kaina ? " mga babae talaga

" Hindi " sagot ko naparang wala lang.

" Bakit naman ? " makulit siya

" Wala " sabi ko at akmang aalis ng bigla siyang nagdabog

" Ang hirap mong kausap! Tsss. " hindi nalang pala dapat ako pumunta dito.

" Sinagot ko lang ang tanong mo "

" Ewan ko sayo "

" Pero Yuan " dagdag niya..

" Oh "

" Mahal mo pa ba siya ? " seryosong tanong niya sa akin

Hindi ako sumagot alam naman niyang mahal ko pa si Gabe at halatang-halata ito.

" Kung ganoon pala, siya pa rin "

" Oo " tangi ko lang sagot.

Isang katahimikan ang dumaan at napagdesisyonan kung bumalik na sa silid. Magpapa alam na sana ako ng bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakapalag. Anong bang nangyayari sa kanya?

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon