CHAPTER 12

134 5 0
                                    

A/N: Still a Flashback po :)

•••

" Ako si Yuan " tangi kung sagot sa kanya.

Nakatitig pa rin ako sa kanyang mata ibang iba ito sa mga ordinaryong bampira na nakita marahil ay dahil siya ang napakalakas na Vampire Knight.

Si Gabe ay kapatid ng aking Knight na si Gane. Matagal ko na itong nakikita sa paaralan sa VA ngunit hindi ko ito nakakausap. Sabi ni Gabe ay isa daw ito sa mga nagbabantay sa paaralan bilang isa na ring training sa pagiging Knight.

Matagal ko nang kilala siya at marami na rin akong naririnig sa kanya. Tulad ng pagiging tahimik nito at hindi nakikipag-usap sa ibang mga bampira kung kayat pili lamang niya ang mga bampirang kinakausap niya.

Napangiti na lamang ako. Hindi ko kasi lubos akalain na makakalapit ako sa kanya ng ganito. Ngayon ay lubusan ko ng nakita ang napakagandang mukha nito ngunit nasasaktan ako dahil sa kanyang mga mata. 

Gusto kong pawiin lahat ng hinanakit nito ngunit paano nga ba ?

Napadaing naman ako dahil sa mas nilapit pa nito ang sandata hanggang sa magdugo ang aking leeg. Talagang malakas nga ito.

Hindi na nagdalawang isip pa si Yuan at kinabig niya na ang leeg ni Gabe at hinalikan ang mga labi nito. Pero laking gulat naman niiya at hindi siya nito pinigilan .

Bakas sa mukha ni Gabe ang gulat pero hindi ito gumagalaw na parang na estatwa siya dahil sa halik ko. Niyakap ko ng mahigpit kaya naman nabitawan niya ang sandata niya at tuluyan na itong nahulog. 

Pagkatapo ng ilang segundo ay bumitaw na ako at nakita ko naman ang mata ni Gabe na nagiging normal na ang kulay at nawala na ang guhit na krus nito sa mata.

" Bakit mo ginawa iyon ? " walang emosyon tanong niya sa akin

Napabuntong hininga na lamang ako at imbes na sumagot ay tinitigan ko na lamang ito. Napakaganda niya talaga iyan nasa isip ko ngayon. Tila isang anghel ata ang bumaba dito dahil sa gandang taglay niya.

Hindi ako makapaniwala at nalasahan ko ang mga labi niya at nayakap pa ito ng mahigpit. Isang napakagandang tagpo ang nangyari sa akin ngayon at kailan man ay hindi ko ito malilimutan.

Iyon ang una kung halik sa babae dahil hindi ako nagkaroon ng interes sa mga babae noon ngunit  ng makikilala ko siya ay nagbago iyon.

" Sagutin mo ako! " sigaw niya sa akin

Nabigla naman ako dahil sa kanyang pagsigaw at alam kung galit ang nararamdaman niya ngayon ngunit anong magagawa ko kung iyon ang nais gawin ng aking puso't isipan. Ako man ay nagulat sa aking ginawa subalit hindi iyon pinagsisihan.

" Tssss " narinig kung sabi niya


Tumalikod na siya sa akin at naglakad na. Nang makailang hakbang pa lamang ito ay nagulat na lamang ako ng matumba ito. Dali dali naman akong lumapit sa kanya.


" Gabe! " alog ko sa kanya. 

Ano ba ang nangyari bakit siya nawalan ng malay ? Hindi ako mapakali sa aking gagawin. Takot iyon ang una kong nadama ng mawalan ito ng malay.Sa tingin ko ay kailangan ko siyang dalhin kina Gane. Siya lang ang makakatulong sa akin ngayon.

__________________________________________________________

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila buhat buhat ko si Gabe na walang malay. Biglang bumukas ang pintuan at nan doon si Gane nakatayo at gulat na lamang ito na makita ang kapatid niya na walang malay.

" A-anong nangyari Master ? " tanong nito at dali daling lumapit sa akin.

" Nawalan siya ng malay " tangi kung sagot sa kanya

Bakas sa mukha ni Gane na nag-aalala ito sa kapatid marahil sobrang mahal niya ito.


" Tara po at pumasok na tayo " sabi niya

Tinungo namin ang isang kwarto at doon inilapag si Gabe. Narinig ko namang napabuntong hininga si Gane  kaya napatingin ako sa kanya.


" Marahil ay inabuso na naman niya ang kanyang kapangyarihan. Matagal ko na siyang pinagbawalan na huwag sagarin ang kapangyarihan dahil ay baka makasama ito sa kanya. Ang tigas talaga ng ulo niya" wika nito at pinunasan ang mukha ni Gabe



Napaisip ako sa kanyang sinabi kung ganun pala ay hindi niya pwedeng abusuhin ang kapangyarihan. May limitasyon ito at dapat siyang mag-ingat sa paggamit nito.

Napatingin naman siya kay Gane na tinapik ang balikat nito at nagsalita


" Master, pasensya na po at naabala pa kayo sapag punta dito " paghingi nito ng pasensya sa akin

" Ayos lang naman. Huwag mo iyong alahahanin. " sabi ko sa kanya at ngumiti

" Maraming salamat po Master. " tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya



Napatingin naman ako kay Gabe na ngayon ay mahimbing na natutulog. Hanggang sa napadako ang aking mata sa kanyang labi. Ang labing iyon ay ang una kung halik.



" Master, pumayag na kami na maging isang Vampire Knight si Gabe "


Napalingon naman ako dahil sa sinabi niya at isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. 




•••

A/N: Solomot sa mga nagbabasa XD
xoxo❤

-Cejhy

VAMPIRE KNIGHT: The Blood MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon