Chapter 8- Man with That Jacket

5.6K 136 1
                                    

"Mang!.." tawag ko kay Mamang pagkauwi ko sa bahay. Pinayagan ako ng One Way Orphanage na bisitahin ang pamilya ko dahil alam ko na hindi sila makakabisita sa akin sa Orphanage dahil sa katigasan ni Papang.

Lumabas ang maganda kong ina at saka nagulat ito nang makita ako. Agad kong tinakbo ang pagitan naming dalawa at saka niyakap ito. Ilang buwan na rin naman akong hindi nakabisita dito sa bahay at sobrang namimissed ko na ang pamilya ko..Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Mamang!I missed you so much!" humihikbing wika ko dito. Ginantihan rin niya ako ng mainit na yakap. Tulad ko ay naluluha rin ito.

"Lintek kang bata ka! bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin?..alam mo bang sobrang nangungulila kami sayo?.." Wika ni Mamang na may dalang pagtatampo. Naiintindihan ko naman sila dahil magulang ko sila at normal lang na mag-alala sila sa akin dahil anak nila ako. Napatawa ako. Nagmumura pa ang mamang ko pero mahal niya ako. Sa'n ka ba nakakarinig ngayon na ang pamilya na kinalakihan ng gustong magiging madre ay nagmumura?sa amin lang..

"Mang! Papasok na ako sa scho--" napatigil sa pagsasalita ang kapatid kong si Enrico na kalalabas lang sa pinto at agad na napadako ang tingin nito sa amin. Napangiti ako at saka kumalas kay Mamang.

"Hi Enrico!..naks! ang laki-laki na ng kapatid ko..binata na!" nakangiting wika ko. Tumawa ito at saka niyakap ako.

" 'Tang na Ate! nagmumukha ka ng madre ah! pero...bakit ganun?nakikita ko pa rin ang Ate ko na palaaway at saka pasaway?" wika nito at saka humagikhik kaya sa inis ko ay sinapak ko ito sa balikat at saka pinamaywangan ito. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hoy! ikaw Enrico ha! napaka mo talaga! hindi ka pa rin nagbabago!" wika ko sa kanya.

"Ikaw rin naman Ate hindi nagbabago..inaaway mo pa rin ako." ganti naman nito.

"Mang Oh si Enrico nagiging asungot na naman!" Wika ko kay Mamang.

Tumawa si Mamang na nakatingin sa aming dalawa ng kapatid ko.

"Alam niyo kayong dalawa ay hindi pa rin nagbabago..Para pa rin kayong aso't pusa na palaging nag-aaway. Tama na nga yan!..minsan na nga lang tayo nagkita eh ganyan pa kayong dalawa..at saka ikaw Carmi dapat hindi ganyan ang pagtrato mo sa kapatid mo dahil magmamadre ka at ang isang madre ay hindi ganyan sa mga kapatid at ikaw naman Enrico tigilan mo na ang pamimikon diyan sa ate mo dahil ang laki mo na." wika nito. Nagkatinginan kami ni Enrico at saka maya-maya pa ay napangiti kaming pareho at saka niyakap si Mamang.

"I love you Mang!" sambit ko.

"Ang corny niyo talaga!" sambit naman ni Enrico.

"Hindi kaya!..mag-I love ka rin kay Mamang. Ikaw ha! dapat kang maging malambing sa mga magulang natin!" pinandilatan ko ang kapatid ko. Inirapan din ako ng kapatid ko. Lihim akong napangiti sa hitsura nito. Kahit ganyan ang kapatid ko ay mahal na mahal ko yun.

"I love you Mang." sambit nito. Natatawa si Mamang.

"Mahal na mahal ko rin kayo mga anak, tandaan niyo yan palagi..mahal na mahal namin kayo ng Papang niyo." wika nito. Biglang napawi ang ngiti ko nang marinig ang pangalan ni Papang. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kami in good terms ni Papang. Ayaw niya pa rin kasi sa bukasyon ko. Lagi ko namang ipinagdasal na sana ay matanggap rin niya ang naging propesyon ko.

" Hon! papasok na ako sa offi--" lumipad ang tingin namin sa pinto kung saan lumabas si Papang. Napalunok ako. Nakatingin lang siya sa akin ngunit hindi ko na kinaya kaya lumapit ako sa kanya at saka yumakap.

"Pang..I'm sorry po." wika ko dito. Naramdaman ko ang paghinga niya ng maluwag.

"Buti naman at pinayagan kang lumabas sa kumbento.." wika nito. Kumalas ako sa pagkakayakap dito at saka tumango.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon