"Psshhh..wag kang maingay.." bulong ko kay Alonzo. Pinatuloy ko na siya sa bahay. Pinakonsensiya pa kasi ako ng mokong na to. Kung hindi raw dahil sa akin at malamang hindi raw siya mauulanan at malamigan. Gunggong talaga! at ako pa ang may kasalanan ngayon!. Hindi ko naman siya inutusang magpunta siya rito sa amin. Ang layo kaya ng Sto.Domingo dito sa lugar namin!..hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa utak nito at hindi ko makuha kung ano ang motibo niya sa pagpunta niya dito.
"Bilis! pumasok ka na baka makita ka pa nina Mamang at Papang." wika dito. Guess what?..pinatuloy ko siya sa kwarto ko. Wala na kasi akong ibang maisip na pagtataguan sa kanya na hindi siya nakikita ng pamilya ko kundi sa kwarto ko lang. Bahala na pero bukas na bukas rin ay palalayasin ko ang ungas na to bago pa ako mapahamak sa pamilya ko. Hindi lang kasi sa pamilya ako mapapahamak kundi pati bukasyon ko ay pwedeng maglaho dahil sa lalaking to. Pagkatapos naming makapasok sa kwarto ko ay agad ko iyong ni-locked. Baka kasi may biglang pumasok at makita na may lalaki akong dinala rito sa room ko. Nakahinga ako ng maluwag. Tiningnan ko siya. He's busy roaming around my room.
"Hoy! wag ka ngang lakad ng lakad sa kwarto ko!..ang basa-basa ng suot mo! hay naku! kainis talaga oh!" inis na wika ko dito. Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin. Muntik na naman akong mapalunok. Bakit ba sa tuwing titingin siya sa akin ay para nahihipnotismo ako?..ano bang meron sa mga mata niya.
"C'mon give me a towel..magsa-shower ako dahil nagiginaw na ako. Pahiramin mo rin ako ng damit dahil basa ang damit ko. Baka magkasakit ako nito." wika nito. Nanlaki ang mga mata ko. Aba!demanding ng mokong ah! ano niya ako?maid? Pinamaywangan ko siya.
"Ikaw ha! napaka-demanding mo..ikaw na nga ang tinulungan ay ikaw pa tong utos ng utos sa akin!" inis na wika ko. Pinaamo nito ang mukha at kahit ayoko ay naaawa ako dito.
"Hahayaan mo ba akong magkasakit Sister?" mababa ang tonong wika nito at saka binigyang diin pa ang salitang 'Sister'. Napaawang ang bibig ko. Napahugot ako ng malalim na hininga at saka pikit matang napahilot sa aking sentido. Inirapan ko ito. Walang sabi-sabi kumuha ako ng towel sa cabinet at saka hinagis dito.
"Oh ayan mag-shower ka na!..kukuha lang ako ng damit doon sa likod..merong sinampay doon sa may laundry area na damit ni Papang. Iyon na lang muna ang susuotin mo basta ipangako mo na bago sisikat ang araw ay aalis ka na dito sa bahay dahil malalagot ka sa akin!" wika ko. Ngumisi ito. Itinaas nito ang towel.
"Thank you for this.." and then he winked at me at saka pumasok sa bathroom ko. As in laglag ang panga ko sa ginawa nito. Napabuga na lang ako ng hangin at saka lumabas na ako sa kwarto ko para kumuha ng maisusuot sa unggoy na lalaking yun. Napatingin ako sa malaking wall clock..mag-aalas diyes na pala ng gabi. Tamang-tama dahil madilim ang paligid kaya hindi ako makikita ng pamilya ko. Mabilis ang mga kilos na nagpunta ako sa may laundry area. Agad kong kinuha ang dried clothes ni Papang. Humanap rin ako ng brief but then hinalungkat ko na yata lahat ng damit doon pero wala akong makita. Boxer shorts lang ang meron at saka isang white sando. Napakagat-labi ako. Naku patay! paano ba to?..ano ang maisusuot ng lalaking yun?..Napakamot ako ng ulo. Alangan naman kukuha ako ng damit doon sa kwarto ng parents ko, siguradong magtataka ang mga iyon kung aanhin ko ang mga damit ni Papang. Arghh! ah bahala na atleast merong maisusuot ang mokong na yun para hindi magkasakit dahil kapag nagkataon naku! kargo de konsensiya ko na naman. Mabilis akong bumalik sa kwarto pero muntik pa akong mapasigaw nang biglang sumulpot sa harap ko si Enrico. Hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil sa kaba.
"Ano ka ba Enrico! tinatakot mo naman ako." sambit ko. Binuksan nito ang ilaw at saka kunot noong tiningnan ang dala ko.
"Ikaw ang nanggugulat Ate. Akala ko may magnanakaw na nakapasok dito sa bahay natin. Akala ko ba tulog ka na kanina pa?..at saka ano ba yang dala mo?" wika nito. Bigla kong naitago ang dala kong damit.
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceAlonzo Angelo-panglima o bunsong kapatid ng mga del Rio. Isa itong negosyante at nagsisikap sa sarili na hindi umaasa sa yaman ng angkan nila. Pagdating sa mga babae ay masyado siyang pihikan dahil gusto niya na ang babaeng dadalhin niya sa altar ay...