Chapter 20- The Feelings

6.6K 167 2
                                    

WARNING: SPG AHEAD..( bawal po sa mga bata) Please be open-minded...

Two days na kaming nandito sa beach at maganda ang gising ko. I don't know why..Its just so different..

"Good morning Nanay.." bati sa akin ng anak ko. Hinalikan ko siya. Kagigising lang niya samantalang ako ay kanina pa nagising at nakapag-prepare na ako..plano ko kasing mag- jet skiing kami.

"Good morning, Superman. Get up na para mag-prepare because we're gonna go jet skiing.." masayang wika ko. Namilog ang mga mata nito at saka ngumiti na halatang excited.

"Wow! lily Nanay?.." hindi makapaniwalang wika nito. Tumango ako at saka ngumiti.

"Yeah Superman." wika ko and winked at him.

"Kasama po si Tatay?" excited na wika nito. Napawi ang ngiti ko at saka napaayos. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa and he's just waiting for my answer.

"I don't know..Nak, naiintindihan mo naman na hindi tayo nandito para sa ibang tao diba?..we're here para mag-enjoy..at saka maraming ginagawa si Tatay." wika ko. Bahagyang lumungkot ang mukha nito nang may biglang kumatok. Huminga muna ako bago binuksan ang pinto.

"Ano--" natigil ako nang makilala ko kung sino ang nasa labas.

"Hi!..g-good morning.." bati nito at saka bahagyang ngumiti. Napangiti na rin ako. Naisip ko kung anong oras na kaya niya kaming iniwan kagabi. Nakaramdam na naman ako ng damdamin para kay Alonzo. Ang bait niya para bigyan niya kami ng halaga ng anak ko. Niluwagan ko ang pinto.

"Good morning Alonzo..halika, pasok ka muna.." Bati ko rin dito at saka pinapasok siya. Alanganin pa siyang pumasok na para bang nahihiya.

"Tatay!..are you going with us?mag-jet skiing kami.." namilog ang mga mata ni Thaddeus at saka nagmamadaling umahon mula sa kama at saka nagpakarga kay Alonzo. Kinarga naman siya ng huli. They looked good together talaga at ayokong sirain ang araw ko. Hayaan ko sila na ma-enjoy ang isa't-isa tutal wala rin naman akong magagawa kung gugustuhin nila ang isa't-isa at saka masaya ako na makita ang anak ko na masaya rin.

"Sure sasama ako..kung papayag si Nanay.." wika ni Alonzo at saka tiningnan ako. Ngumiti ako at saka tumango.

"May magagawa ba ako eh talo ako sa inyong dalawa..Ayokong sirain ang araw na to." wika ko. Natuwa ang dalawa. Tinitigan ako ni Alonzo at pakiramdam ko ay natutunaw yung puso ko sa paraan ng pagtitig niya.

"Thank you Carmi.." wika nito. Gumaan ang loob ko at saka ngumiti.

"Walang anuman Alonzo..oh pa'no..let's get ready.." wika ko.

Ilang sandali pa ay nagprepare na kami at saka tinawag ni Alonzo ang mga tauhan niya para ihanda ang jet na gagamitin namin. Ayoko sana pero nagpupumilit si Alonzo dahil maliit lang daw na bagay iyon.

Pagdating sa mga jet ay agad na kaming nag-umpisa. Isang jet lang ang gagamitin namin dahil ayaw ng anak ko na hindi niya kasama si Alonzo sa jet at ayoko rin namang mag-isa dahil takot akong malunod tapos hindi pa naman ako marunong lumangoy.
Si Thaddeus iyong harap ni Alonzo at ako naman ay nasa likuran niya. Nang magsimula na kami ay bigla akong napasigaw at napakapit sa baywang ni Alonzo. Medyo nailang pa ako nang maramdaman ko ang abs niya at ang bango pa niya. Para akong nahipnotismo sa kanya. Naisip ko bigla na ang swerte ng babaeng mamahalin at magiging asawa niya dahil nasa kanya na ang lahat ng katangian ng isang lalaki pero nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pumasok sa isip nito na mag-asawa at itinaboy niya pa si Yvette..parang may pinagdaanan si Alonzo na nag-udyok dito na gawin ang lahat ng ginagawa niya ngayon..gusto niya ba na magiging matandang binata?..naku! sayang pa naman siya..kinastigo ko ang aking sarili sa pinag-iisip.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon