Chapter 4- Nagkita

5.9K 138 6
                                    

Five Years Later..

"Sister Carmina..pwede ba kitang maka-usap?" biglang lumapit si Mother Superior sa akin. Katatapos ko lang magdasal. Ngumiti ako.

"Sige po Mother.." wika ko at saka umupo ng maayos.

"Humihingi ng pabor sa akin si Sister Felly at Sister Dhalia ng One Way Orphanage..gusto nila ng isa pang madre doon para magiging katuwang nila sa mga batang ulila na at may mga sakit..matatanda na ang dalawang madre and they need a nun na may pagkahilig sa mga bata. Wala akong ibang naisip na pwede doon kundi ikaw..iyon ay kung okay lang sayo?" sabi sa akin ni Mother Superior. Kasalukuyan kaming nasa altar ng simbahan. Limang taon na ang nakaraan at trainee pa rin ako sa pagiging madre pero sineryoso ko na talaga. Medyo nagbabago na ang ugali ko. Simula nung tumakas kami ni Johana sa monasteryo limang taon na ang nakaraan ay hindi ko na inulit ang tumakas pa. Pinarusahan kami ni Mother Superior noon. Pinaglinis niya kami sa buong monasteryo at sa CR ng monasteryo. Grabe nahirapan kami ni Johana nun at pagkatapos ng pangyayaring iyon ay umuwi si Johana sa kanila at hindi na bumalik dito sa monasteryo.

"Sure po Mother..diba po sa Sto.Domingo matatagpuan ang One Way Orphanage?" wika ko. Tumango ito.

"Oo sa Sto.Domingo matatagpuan iyon. Bukas ka na pupunta roon kaya maghanda ka na." wika nito. Ngumiti ako at saka tumango. First time kong makalabas ng monasteryo at makasalamuha ang mga bata. Well, mahilig naman talaga ako sa mga bata noon pa man and I want to serve those kids who needs to be care lalong-lalo na ang mga batang may sakit. Mas ma-swerte pa rin kasi ako. Ngayon ko lang na-realized na ang daming bagay na nandiyan para sa akin. Ang swerte-swerte ko dahil kumpleto ang pamilya ko at may kinakain ang pamilya ko. Nagagawa at nakukuha namin ang gusto namin sa buhay kaya gusto kong mai-share iyon sa ibang tao. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin talaga ni Papang na magmadre ako kahit na limang taon na ako dito sa monasteryo. Hindi naman ako nawalan ng pag-asa na darating din yung araw na matatanggap rin ni Papang ang bukasyon ko.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mother ay naghanda na ako ng mga gamit ko. Hindi pa raw kasi alam ni Mother kung hanggang kailan ako doon. Basta ang sabi niya ay parte pa rin iyon ng training ko at pagkatapos nito ay saka na raw malaman if deserving ba akong maging isang madre. Pinapanalangin ko naman na sana ay magiging ganap na madre na ako. Kinabukasan ay inihatid ako ng One Way Orphanage sa Sto.Domingo. Pagdating ko doon ay ipinakilala ako sa dalawang madre na sina Sister Dhalia at Sister Felly. Malugod at mainit nila akong tinanggap.

"Children!..may ipapakilala kami ni Sister Felly sa inyo. Siya si Sister Carmina delos Reyes. Siya ang bagong magtuturo sa inyo dito sa Orphanage." pagpapakilala sa akin ni Sister Dhalia.

"Hi mga bata!..ikinagagalak ko kayong makilalang lahat. Inaasahan ko na magiging maganda ang pag-stay ko dito kasama kayo." wika ko and then I winked at them. Binati ako ng mga kabataan. Natutuwa ako sa kanila. Ang sabi ng dalawang madre na sina Sister Dhalia at Sister Felly na halos lahat ng kabataan na narito ay may sakit o di kaya'y naulila na ng lubos. Ang ilan raw sa kanila ay inampon na ng mga nagpupunta ritong mga mayayamang tao na walang mga anak.

Pagkatapos ng araw na iyon ay nag-eenjoy na ako kasama ang mga bata. Actually, merong isang batang lalaki na may lung cancer na sobrang napalapit sa akin. Siya si Isaac. Ulila na ito ng lubos at may taning na ang buhay nito.

"Sister Carmi, ang ganda niyo po..bakit po kayo nagmamadre?" tanong niya sa akin isang araw habang nagbreak muna ang mga kabataan. Kagagaling ko lang magturo sa kanila. Tinuturuan ko silang magsulat at magbasa. Nginitian ko ito.

"Salamat Isaac..basta iyon na ang gusto ng puso ko. Sinusunod ko lang kung ano ang nilalaman nito. Bakit mo natanong?" sabay turo puso ko. His eyes were glimmering.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon