Prologue

11.4K 175 4
                                    

"Ito na ba ang inaanak kong si Carmina kumare, kumpadre?" tanong ni Tita Helga kay Papang habang kumakain kami ng hapunan. Tita Helga is my God mother at saka malayong relative ni Papang at ngayon lang ulit kami nagkita sa loob ng pitong taong nagkalayo kami. Naka-base kasi sila sa New Zealand ng asawa niyang foreigner at dun na naninirahan and she's here for a vacation at naisipan niyang dalawin kami dito sa bahay. Nagkangitian kaming dalawa.

"Oo kumare..dalaga na ang inaanak mo." wika ni Mamang dito. Nagkatawanan sila.

"Oo nga eh..parang kailan lang ay ang dungis-dungis nitong batang to at saka pasaway noon pa man but look at her now..she's a lady na..maganda pa..anong year ka na hija?" Tita Helga asked me. Ngumuya-nguya pa ako nang magtaas ng tingin sa kaniya at saka ngumisi.

"Fourth year na po ako Tita.." wika ko at saka ngumisi.

"Gagraduate na yan ng high school this coming March kumare at umaasa kami ni Lani na business ad ang kukunin niyang kurso para naman makatulong siya pagkagraduate niya sa maliit naming negosyo..masyado pa kasing bata ang bunso naming si Enrico kaya wala na kaming ibang maasahan kundi si Carmina na lang." wika ni Papang. Napaubo ako.

"Oh anong nangyari sayo anak?..okay ka lang?" tanong agad ni Mamang. Napainom ako ng tubig at saka napahinga ng malalim.

"Pang, Mang..hindi ko pala nasabi sa inyo na ayoko pong kumuha ng business Ad?..b-because I want to become a Nun..gusto ko pong pumasok sa kumbento." hindi ko na napigilang sabihin sa kanila ang gusto ko. Nanlalaki ang mga mata ng mga magulang ko including Tita Helga.

"W-what?!nahihibang ka na ba Carmina?!..are you out of your mind?..what the hell came out to your mind kung bakit sa lahat ng pwede mong maging ay pagmamadre pa?!..for God's sake hindi ka nababagay sa gusto mo!..look at yourself, napakasaway mong bata!" tumaas ang boses ni Papang. Nilagay ni Mamang ang palad niya sa noo ko. Muntik na tuloy akong matawa sa mga pinagagawa niya. Anong akala nila sa akin?Nagdedeliryo at hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko?

"Pang, Mang..why don't you just support me?..eh ito iyong gusto kong maging and I'm happy with it." mahinahong wika ko.

"Wala kang sapat na rason kung bakit iyan ang pipiliin mong bukasyon Carmina..and I'm sure with it na masasayang lang ang oras at panahon mo doon dahil alam ko kung paano ka mag-iiba ng desisyon..ano ba ang alam mo tungkol sa simbahan eh kung sa sarili mo nga ay hindi mo naaayos?..masyado kang pasaway, palaaway, pakialamera sa ibang tao at mahilig sumabad sa usapang pangmatanda..now tell me, sinong matinong tao na magmamadre na ganyan ang ugali?" may galit sa tono ng pananalita ni Papang. I just shrugged.

"Eh Papang, masyado ka namang harsh kung makapagsalita..hindi porke't pasaway na ako ay bawal na akong magmamadre eh sa pagkakaalam ko ay wala namang sinabi sa kumbento na bawal pumasok bilang madre ang mga pasaway..malay mo magbabago ako dun, diba?..ito ang gusto ng puso ko Pang eh." wika ko at saka patuloy na ngumunguya ng pagkain. Bakit ba big deal iyon kay Papang na maging madre ako?wala namang masama sa pagiging madre ah?..nagagalit siya sa akin dahil lahat ng nakikita niyang ginawa ko ay puro mali tapos ngayon na gusto kong magmadre ay magagalit na naman siya. Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Tingnan mo yang bibig mo, wala kang preno kung magsalita na akala mo ay kaedad mo lang ang kinakausap mo!..hindi ka pwedeng magmadre Carmina at hindi ikaw ang masusunod kundi ako dahil ako ang ama mo!" pinal na wika ni Papang. Napakamot ako ng ulo. Binelatan ako ng kapatid kong si Enrico kaya sa inis ko ay tinampal ko ang bibig nito dahilan para pumalayahaw ito ng iyak.

"Carmina!! Ano ka ba naman!..pati ba naman tong kapatid mo?..iyan ba ang ugali ng gustong magmadre?! Diyos ko po!" wika ni Mamang. Napahinga ako ng malalim. Naiinis na tumayo ako.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon