Chapter 16- Tatay?

5.9K 164 3
                                    

"Nanay!" bungad sa akin ng anak kong si Thaddeus. Kararating ko lang galing sa trabaho at sumalubong kaagad ito sa akin. Napangiti ako ng malawak. Whenever I'm tired and stress because of work it all faded away when I see my son. Na para bang kahit pagod ako ay bigla na lang iyon maglaho na parang bula dahil sa anak ko. Marunong na siyang maglambing at umintindi sa akin kahit sa mura nitong edad. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at saka niyakap siya ng mahigpit.

"How's my baby boy?how's your day?" nakangiting tanong ko dito at saka pinugpog ito ng halik. Sumimangot ito habang nakalambitin sa leeg ko ang dalawa nitong kamay.

"Am not baby boy Nay..am big boy na and am your man na." wika nito. Napatawa ako ng malakas. Natutuwa talaga ako sa anak kong to. Sinabi nga niya sa akin na ayaw na ayaw niyang tawaging baby. He is man enough for me.

"Baby ka pa rin ni Nanay. You're just three years old pa and even if you become a man, you're always my baby boy. Always remember that baby." wika ko at saka piningot ang ilong niya. He smiled and kissed me.

"Lalab Nanay.." Wika niya. Hinaplos ang puso ko sa narinig.

"Lalab ka din ni Nanay..ikaw ang number one ni Nanay because you are my superman!" wika ko at saka kiniliti ito. Humahalakhak ito at natatawa na rin ako.

"Anak, tama na yan. Magbihis ka na at ng makakain na tayo." natigil kami ni Thaddeus at saka napatingin kay Mamang. Ngumiti ako at saka tumayo. Humalik ako dito.

"Hi Mang.." wika ko. Ngumiti naman ito.

"Mima, kain na tayo?" hinila ni Thaddeus ang dulo ng damit ni Mamang. Ngumiti si Mamang at saka tumango.

"Oo kakain na tayo at niluto ko ang favorite food niyo ni Dida mo." wika ni Mamang na ang tinutukoy na Dida ay si Papang. Hindi na kasi nagtatrabaho si Papang dahil ipinasa na nito sa akin ang kompanya. Silang dalawa na lang ni Mamang ang nag-aalaga sa anak ko. Lumundag ang anak ko na nakataas pa ang dalawang kamay at saka tuwang-tuwa sa narinig mula kay Mamang.

"Lily Mima?..yehey!" masayang wika nito kahit na paminsan-minsan ay nabubulol.

"Yes..and we're going to eat together dahil andito na si Tito Enrico mo.." Nakangiting bungad ni Papang na galing sa labas at kasama nito si Enrico. Nakangiting sinalubong ko ang mga ito at saka humalik dito. Tumakbo naman si Thaddeus at masayang nagpakarga sa Dida niya. Itinaas nito ang isang kamay.

"Yehey! we are happy family!!" wika pa nito. Napatawa na lang kaming apat sa anak ko.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha dahil baka importante. Unknown number ang naka-register kaya kunot noong sinagot ko ito. Sino kaya tong tumawag sa akin?

"Yes hello?" sagot ko. Walang sumagot sa kabilang linya. Napakunot noo ako.

"Hello!..sino to?anong kailangan niyo?" wika ko pero wala akong nakuhang sagot. Tiningnan ko ang phone ko. Hindi pa naman ibinaba sa kabilang linya. Bakit ayaw niyang magsalita?

"Hello?!..sino to?bakit ayaw mong magsalita?" nagsimula na akong mainis. Sino bang siraulong taong to na nanggu-good time sa akin?!
Lalo lang akong nainis nang hindi pa rin ito magsalita.

"Kung sino ka mang walang magawa sa buhay! wag kang mang-istorbo sa akin dahi--" natigil ako nang marinig kong nagbuntong-hininga ang sa kabilang linya. Bullshit!..nangtitrip lang talaga to! kainis! Ibaba na ko na sana ang phone ko nang biglang nanayo ang balahibo ko nang marinig ko ang sinabi nito.

"Be mine..." A deep voice...Kinilabutan ako.

"Ahhhh!!" napasigaw ako at saka naibato ko ang phone ko. Biglang nanginig ang buong katawan ko. Tumulo ang mga luha ko.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon