Chapter 22-I am a del Rio

6.5K 159 6
                                    

"Pa'no mo nagawa sa akin to Pang?..all this time, you knew that Alonzo did that to me?!..pinagmukha mo akong tanga?..pinagmukha niyo akong tanga?!..Bakit niyo nagawa sa akin yun Pang?!!..dahil ba sa ayaw mong maging madre ako kaya pinagkaisahan niyo ako?!..Pang, anak mo ako pero bakit mo to nagawa sa akin?" Magkahalong galit at pagtatampong wika ko. Sarili kong ama ay pinagmukha akong tanga?! sino bang matinong ama ang papayag na gahasain ang anak niya?!..Ang sakit-sakit ng dibdib ko dahil pinagkaisahan ako ng dalawang taong akala ko ay poprotekta sa akin. Hindi ko lubos akalain na nagawa ito ni Papang sa akin. Nadudurog iyong puso ko sa katotohanan. Paano ako magtitiwala sa kanila?Paano ko matatanggap lahat?..Buti na lang ipinasok na ni Mamang si Thaddeus sa kwarto para patahanin. Ayokong marinig ng anak ko ang kawalang-hiyaang ginawa ng ama ko at ng lalaking may puwang na sana sa puso ko. Ang tanga-tanga ko..

"I-I'm sorry Carmi.." panimula nito.

"Sorry?..ang sakit-sakit ng ginawa niyo ay sorry lang ang kaya niyong sabihin Pang?! bullshit!! sana ganun lang kadali eh..kita-kita mo kung gaano ako nahirapan nung mga panahong yun! at natiis mo akong nakikitang nagkaganun?! anong klase kang ama?!" sigaw ko dito. Pakiramdam ko ay sasabog na iyong puso ko.

"I know I've done a big mistake pero wala na akong magawa dahil hindi ko na maibabalik ang lahat Nak..at ayoko ring gumapang tayo sa hirap. Kilala ko si Alonzo and I saw him in your room nung minsang itinago mo siya sa amin..Humingi ako ng tulong sa kanya dahil na-bankrupt iyong negosyo natin. Sino pa ba ang mahihingan ko ng tulong?sino ang tutulong sa akin gayong ang anak ko na inaasahan ko ay magmamadre?..Alam kong kasalanan ang ginawa ko pero ayokong pagdating ng araw ay magbabalat kayo ng buto dahil wala na ang kompanyang pinaghirapan ko." Wika nito. Napaawang ang bibig ko.

"So ipinagpalit niyo ako dahil sa kompanya Pang?..ayaw niyo lang ba talaga kaming maghirap o ayaw mo lang na maging madre ako?!..Pang, hindi kita maintindihan!..Basta ang alam ko ay masakit na masakit iyong puso ko. Yung pinakamasakit ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa mga pinagsasabi mo!" umiiyak pa ring wika ko. He looked so sad. Akmang hahawakan niya ako pero umatras ako.

"A-alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko Anak pero gusto ko lang malaman mo na nagawa lang ni Alonzo yun dahil sa sobra ka niyang mahal..lahat ng suporta niya ay ginawa niya..Sa loob ng tatlong taon ay hindi niya tayo iniwan..ibinangon niya ang kompanya na kahit na anong gawin kong pagbangon ay hindi ko nagawa..lahat ng meron tayo ay sa kanya lahat nanggaling yun." wika nito. Napasinghap ako. So lahat ng nakikita ko ay hindi namin pag-aari?..hiram lang ang lahat?...Bumibilis ang naging paghinga ko. Hindi ako makapaniwala. So ibig sabihin ay wala na kaming pag-aari kahit isa?..

Nanghihinang napaupo ako sa sofa and I cried hard. Ang sakit naman ng rebelasyong narinig ko. Nabubuhay na lang pala kami sa utang..at dahil sa utang na yan ay ganito ang nangyari sa akin! it's so bullshit! Hindi ko lubos maisip na ganito ang magiging kahihinatnan namin. Kulang na lang ay pagmamay-ari na ni Alonzo pati kaluluwa namin. Narinig ko rin ang paghikbi ni Papang. Gulong-gulo ang isip ko. Andun yung galit, inis at pagkamuhi kay Papang lalong-lalo na kay Alonzo. Kasalanan ko..kung tinupad ko lang ang gusto ni Papang na sumunod sa mga yapak niya ay may posibilidad pang maibangon ko ang kompanya. Fuck!! I hate him.

"Anak, mabait namang tao si Alonzo..Kung..kung meron man siyang naging kasalanan sayo ay matagal na niyang pinagsisihan yun.." wika ni Papang. Tiim na napatayo ako. Yung galit ko ay nag-uumapaw na.

"Bakit?.. sinabi niya rin ba yan sayo na mabait siya?!..kinuntsaba ka rin ba niya para patawarin ko siya?!..at sa tingin mo Pang paniniwalaan ko ngayon ang lahat ng sasabihin mo?!..I'm fucking hurt and betrayed at wala akong ibang naiintindihan kundi niloko niyo ako at ginawang tanga!!" galit na sigaw ko dito at saka mabilis na tinalikuran siya. I go to my room and locked it. Umiiyak ako na nakadapa sa kama. Ang sakit-sakit ng puso ko. Bakit nangyayari lahat to sa akin? I kept on asking that question to myself..Ano bang nagawa ko? Ano ang naging kasalanan ko para mangyari sa akin ang lahat ng to?..nahihirapan yung kalooban ko..
Ibinuhos ko lang ang lahat ng sama ng loob ko sa pag-iyak nang tumunog ang phone ko. Agad kong sinagot iyon without knowing who's the caller.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon