Muntik akong mapatili nang hawakan niya bigla ang braso ko at saka hinila palayo sa garden kung saan maraming tao.
"Ano ba?! bitiwan mo nga ako!!" kinakabahang wika ko dito pero mukhang wala itong narinig hanggang sa marating namin ang visitor's lounge. Binitiwan niya ako.
"Bakit ka nandito?..are you really a nun?" napanting ang tainga ko sa narinig. Para na rin niyang sinasabi sa akin na mali ang napunta ako rito at pinagbibintangan niya ako na sinungaling. My mouth is little bit parted at saka maya-maya pa ay napabuga ako ng hangin at saka pinamaywangan siya.
"Hoy! anong akala mo sa akin?!sinungaling?!..dito ako ngayon naka-base sa orphanage na ito at kung ayaw mong maniwala sa akin then who am I para pilitin kang maniwala?! at saka sino ka para pagpaliwanagan ko?!" inis na wika ko. God! nawawala na naman ang manners ko dahil sa ipokritong lalaking to!.nawawala yung control ko sa aking sarili. Kasi naman kung makapagsalita sa akin 'tong lalaking to ay akala mo close kami at may pinagsamahan. In my twenty two years of existence ay ngayon lang ako naiinis sa isang lalaki. My god! I shouldn't talk to guys lalo na isang to dahil alam kong bastos to!..at ito lang yata ang lalaking kahit na mataas yung agwat namin ay mahilig mang-asar sa akin. Sa pagkakaalam ko ay thirty one na ang lalaking to pero kung makaasta akala mo ay kaedad ko lang!
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napataas ang kilay ko."Hindi ako naniniwala na madre ka dahil sa ugali mo..the way you talk and the way you make an action, parang hindi ka madre. Wag mo nga akong niloloko baby girl. I knew you five years ago and you told me that you're a nun pero sino ba naman ang sira-ulong madre na pumapasok sa isang bar and you let me kissed you." wika nito. Nalaglag ang panga ko. Uminit ang pisngi ko at pakiramdam ko ay pumula na yung buong mukha ko. Aaminin kong napahiya ako sa sinabi niya kaya napakuyom ako.
"Ang kapal ng mukha mo!.you stole a kiss from me tapos ngayon sasabihin mo sa akin na I let you kissed me?!..Oo aaminin kong hindi pa ako isang ganap na madre..Trainee pa lang ako that's why I'm staying here and this is a part of my training..at saka pwede ba Mr.del Rio, wag mo akong tawaging baby girl?!dahil hindi na ako bata!" tumaas ang boses ko at hindi lang yun, tumaas-baba pa ang dibdib ko dahil sa inis sa lalaking to. Ngumisi ito kaya lalo lang akong napipikon sa kanya.
"At anong nakakatawa sa sinabi ko Mr.del Rio?!" patuloy ko pa.
"You told me that you're not a child anymore but you act like one." mahinahong wika nito. Ano ba talaga ang gusto ng lalaking to sa akin?Bakit niya ba ako inaasar at palagi kaming pinagtatagpo ng panahon?! naiinis ako sa presensiya niya. Sa tuwing kausap at kaharap ko siya ay pakiramdam ko ay nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko and I even forgot that I'm a nun dahil sa inis ko sa kanya. Nalilimutan ko na ang mga taong katulad niya ay hindi dapat na pagtuunan ng pansin o kung pinapansin man ay dapat pagsabihan na mali ang ginawa niya pero kapag kaharap ko siya ay nawawala lahat ng dapat kong gawin. Nakakalimutan ko ang dapat na ugaling madre.
"Ano ba talaga ang gusto mo?!" wika ko trying to be calm. Tumaas ang gilid ng labi nito. He's so handsome at aaminin ko iyon. Para siyang artista at model na hinugot sa magazine. Matipuno ang katawan at ang mga mata niyang kulay brown na mapupungay na tila ba hinihigop ang kaibuturan ng pagkatao mo ay sobrang nakakalunod. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pagpupuri sa kanya kahit na inis na inis ako sa kanya. Hindi ko dapat pinapansin ang mga katulad niya dahil binabakuran ko na ang sarili ko. Wala dapat akong ibang lalaking papasukin sa buhay ko maliban kay Papang at kay Enrinco at higit sa lahat sa Diyos. Sa Diyos ko lang iaalay ang buong buhay at pagkatao ko at wala ng iba pa.
"Ikaw.." sambit nito.
"W-what?!" nanlaki ang mga mata ko. Para akong nabibingi sa apat na letrang binitawan niya.
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceAlonzo Angelo-panglima o bunsong kapatid ng mga del Rio. Isa itong negosyante at nagsisikap sa sarili na hindi umaasa sa yaman ng angkan nila. Pagdating sa mga babae ay masyado siyang pihikan dahil gusto niya na ang babaeng dadalhin niya sa altar ay...