Chapter 17- Anak?

6.2K 163 7
                                    

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa--kay Alonzo at kay Thaddeus. Kanina pa sila enjoy na enjoy sa dagat. Nariyan iyong, lumalangoy sila at tinuturuan niyang lumangoy si Thaddeus..nariyan rin iyong hinahabol niya ang anak ko..nariyan rin iyong sinasakyan siya ni Thaddeus at pareho silang tuwang-tuwa at ini-enjoy ang bawat isa..I've never seen Thaddeus as happy as what I am seeing now. Ganun rin si Alonzo..makikita mo sa dalawa na hindi matatawaran ang kanilang sayang nararamdaman and I am so touch!..hindi ko alam..para bang naiiyak ako dahil sa nakikita ko. Alam ko naman kasi na kahit bata pa si Thaddeus ay hinahanap na niya ang ama niya..he wants his father but how can I give that to him gayong hindi ko nga alam kung sino ang gumahasa sa akin?..

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakikita ko silang ganito..hindi ko rin alam kung bakit ang bilis-bilis naman nilang naging malapit sa isa't-isa..na para bang ang tagal na nilang magkasamang dalawa. Kung titingnan mo silang dalawa na naglalaro ay para silang tunay na mag-ama? Naipilig ko ang ulo ko nang ma-realized ko na iba na ang naiisip ko. Napabuntong-hininga ako.

"Nanay!!come here!!" napatayo ako nang tumawag sa akin si Thaddeus. Kumakaway-kaway ito at saka tumakbo sa akin..

"Oh dahan-dahan Nak baka madapa ka!" sigaw ko pa sa kanya hanggang sa makalapit na ito sa akin. Maaliwalas ang mukha nito at saka may ngiti ang mga labi. Hinawakan niya ang kamay ko at saka walang pasabing hinila niya ako papunta kay Alonzo.

"Nak, ano ba!.ano ba yang ginagawa mo?" wika ko dito. Nakita ko si Alonzo na nakangising nakapamaywang sa unahan. He's just wearing a boxer shorts kaya hantad na hantad ang mala-adonis niyang katawan at idagdag pa ang eight pack abs niya na ang sarap-sarap tingnan. Para siyang model ng dagat.

"Nanay, I just want you to join us ni Tatay..para po happy." wika ng mumunting tinig nito.

"Ano?!..nak, kayo na lang. Manonood lang ako sa inyo." wika ko. Hindi ako mapakali dahil sa gusto ng anak ko. Nakakahiya na nga kung tutuusin dahil hindi naman kailangan na samahan pa ni Alonzo si Thaddeus.

Ilang sandali pa ay nasa harapan na kami ni Alonzo.

"Hey..ang kulit ni Thaddeus,noh?" wika pa ni Alonzo. Alanganin akong napangiti.

"P-pasensiya ka na sa anak ko Alonzo..ganyan talaga yan. Ewan ko kung saan nagmamana yan." wika ko pa. He looked at my son na nakatingin lang din sa kanya na nakangiti.

"Hindi maipagkailang nagmana siya sa ama niya." wika nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Ano raw?tama ba ang naririnig ko o nabibingi lang ako?

"A-anong sabi mo?" kunot noong tanong ko dito. Napaawang rin ang bibig nito at saka pagkaraan ng ilang sandali ay mahina itong tumawa.

"What I mean is..baka nagmana siya sa ama niya dahil hindi mo alam kung saan siya nagmana." wika nito. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay may nalalaman siya tungkol sa nangyari sa akin tatlong taon na ang nakalipas.

"S-siguro.." sambit ko na lang at saka tumingin sa anak ko. Hawak nito ang kamay ko at saka kinuha nito ang kamay ni Alonzo.

"Nanay, Tatay, c'mon let's swim!" masayang wika nito at saka hinila na niya kaming dalawa ni Alonzo. Napatingin ako sa binata..sa tingin ko naman ay wala naman siyang kahit na kaunting pagtutol. Lalo akong nahiya..pwede namang hindi na niya kami samahan ng anak ko dahil meron pa siyang mas mahalagang bagay na aasikasuhin.

Ilang sandali pa ay nasa dagat na kami..Wala kasing masyadong tao sa beach..

"Wow! can I take a picture with your family Seniorito?" napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaki na may hawak na camera ang nasa tapat namin..mukhang kilala niya si Alonzo. Napangiti naman ang huli.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon