Chapter 15-It Gets Worst

5.5K 168 1
                                    

Lumipas ang mga araw, buwan at taon..tatlong taon na ang nakalipas simula nung malaman ng mga magulang ko ang nangyari sa akin at three years old na ang anak kong si Thaddeus Nixon. Dahil sa pag-intindi ng mga magulang ko sa akin ay natutuhan kong tanggapin lahat ng bagay na nangyari sa akin lalong-lalo na ang anak ko. Nagiging ina na ako. At the age of twenty-three ay nanganak na ako. Kahit na meron akong naririnig na mga tsismis ay pinapalipas ko na iyon. Ayokong patulan ang tsismis na disgrasyada raw ako..na kaya raw iniwan ko ang pagmamadre ay dahil sa lalaki. Oo, aaminin kong nasasaktan ako sa panghuhusga ng mga tao pero walang akong pakialam sa kanila. Hindi ko naman kailangan na intindihin nila ako dahil andiyan naman ang pamilya ko. Hindi naman ang lipunan ang nagpapakain at bumubuhay sa akin kaya bakit ko sila papansinin?..Sa lahat ng nangyari sa akin ay tinatagan ko ang sarili ko at pinaninindigan ko ang lahat dahil sa huli ay buhay ko pa rin naman to. Ako na rin ang nagma-manage sa maliit na business ng pamilya namin habang nag-aaral ako online. Malapit na nga akong makapagtapos. Masaya na ako dahil nagiging inspirasyon ko si Thaddeus--ang anak ko. Nakakatuwa na kasi ito at saka sobrang bibong bata at sa tuwing titingin ako sa mga mata ng anak ko ay meron akong naaalala sa nakaraan--si Alonzo at ang dati kong manliligaw na si Gio. Hindi ko alam kung bakit pero baka naman pinaglihi-an ko yata ang dalawang lalaking iyon nung ipinagbubuntis ko si Thaddeus kaya nakuha nito ang mga mata. Napailing na lang ako.

Si Enrico naman ay gumawa na rin ng sariling pinagkakaabalahan. Nagtayo siya ng sariling painting gallery dahil iyon ang nakahiligan niya. Simula nung mga bata pa kami ay mahilig na talaga siyang magpainting. Natutuwa naman ako dahil natuto itong tumayo sa sariling sikap.

"Slyvia, what's my appointment today?" tanong ko sa aking secretary. Agad namang tiningnan ni Sylvia ang mga schedules ko.

"Ah Ma'am meron po kayong meeting ngayon sa isang malaki at kilalang kompanya for advertising. Iyon lang naman po Ma'am tapos bukas na po yung ibang schedules." wika nito. Tumango ako. Isa kasing advertising business ang kompanya ng pamilya ko.

"Saang kompanya ba yan Slyvia?" tanong ko. Tiningnan nito ang kanyang papel.

"Ah isa sa mga company na pagmamay-ari ng mga del Rio Ma'am. Actually, bagong client po natin sila." wika nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang apelyidong iyon. Naalala ko si Alonzo. Tatlong taon ko na rin siyang hindi nakikita. Kumusta na kaya siya?..I mean, kilala pa kaya niya ako? The last time I saw him is noong umalis ako ng Orphanage at pagkatapos nun ay wala na. Siguro nagkaroon na yun ng sariling pamilya at si Yvette ang nakatuluyan niya.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" pukaw sa akin ni Slyvia. Naipilig ko ang aking ulo at saka tumango.

"Yeah..by the way kailan mag-start yung meeting ko together with the del Rio?" tanong ko.

"Ah ngayon na po Ma'am." wika nito. Tumango ako.

"Okay..." wika ko at saka tinalikuran ko ito at saka sumakay na ako sa kotse ko patungo sa isa sa kompanya ng mga del Rio. Kinakabahan man ay inayos ko ang sarili ko. Pagkaraan ng ilang sandali ay narating ko na ang twenty five storey na building na nakasulat sa folder ko. Napatingala ako sa building. Actually, this is the smallest company building of del Rio. Nakita ko na kasi ang ibang kompanya nila at ang laki ng mga iyon--signed of a very progressive company. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago tumuloy sa loob. Sino kaya sa limang magkakapatid--aw anim na magkapatid pala sila including their only princess na si Ceres Hestia. Sino kaya?

"Hi Ma'am good morning, may I help you?" tanong sa akin ng isang babae sa information desk. Nginitian ko ito.

"I have an appointment with your boss.." wika ko at saka ibinigay dito ang folder. Agad naman iyong tiningnan ng babae.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon