"Sister Carmi, merong naghahanap sayo." wika sa akin ni Sister Felly. Napakunot noo naman ako. Sino ang naghahanap sa akin?Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong naging kaibigan sa lugar na ito except sa mga bata at dalawang madre dito sa Orphanage.
"S-sino naman ang naghahanap sa akin Sister?sa pagkakaalam ko ay wala naman akong kakilala dito." Hindi ko napigilan ang magtanong dito.
"Nandito si Seniorito Alonzo and he wants to see you." wika nito. Muntik na akong mabulunan ng laway dahil sa sinabi nito.
"P-po?!" sambit ko. Ano namang kailangan niya sa akin?Sa pagkakaalam ko ay hindi kami close..Tumango si Sister.
"Ang sabi niya ay may pinag-usapan raw kayong dalawa kaya siya nandito. Ngayon ko lang alam na matagal na pala kayong magkakilala ni Seniorito..He said that you we're once a close friends at ngayon lang kayo nagkita ulit." Nakangiting wika ni Sister. Lalong nanlaki ang mga mata ko.
"W-what?!" nagulat ako sa pinagsasabi ni Sister. Anong pinag-usapan namin ni Alonzo?wala akong matandaan na may pinag-usapan kami ng hunghang na lalaking iyon at mas lalong hindi kami naging close at naging kaibigan. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon para magsinungaling kay Sister. Napakunot noo si Sister dahil sa naging reaksiyon ko.
"Teka nga lang muna Sister Carmi, bakit sa tuwing may sinasabi ako ay lage kang nagugulat?..may problema ka ba?..pwede mong sabihin sa akin.." takang wika nito. Napahiya ako. Hindi pwedeng malaman ni Sister na si Alonzo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Napakagat labi ako at saka nagyuko. Nagkasala na naman ako dahil hindi ko sinabi ang totoo.
"S-Sorry po sister kung pinag-alala kita..Magugulatin lang po siguro ako. Sige po, haharapin ko muna ang bisita ko. Pasensiya na po talaga." wika ko. Nginitian ako ni Sister at saka tinanguan.
"Sige Sister Carmi." wika nito. Tinalikuran ko ito at saka nagpunta na ako sa visitor's lounge kung saan naghihintay ang kunwari'y kaibigan ko. Lalo lang akong naiinis kay Alonzo dahil gumagawa pa talaga ito ng story about us na hindi naman talaga nangyari dahil hindi totoo. Habang papalapit ako ay kumakabog ng husto ang dibdib ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Pagdating ko sa lounge ay nakita ko siyang nakatalikod. Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib para mag-ipon ng lakas para harapin ito. Itinago ko ang nga kamay ko sa ilalim ng aking scapular at saka dahan-dahang lumapit dito.
"Anong masamang hangin ang nagdala sayo rito Seniorito?" Mataray na tanong ko. Hindi ako nagpapakita ng anumang emosyon habang kaharap ko siya. Agad itong humarap sa akin at muntikan pa akong mapasinghap nang makita ang gwapo niyang mukha. Ganun ba talaga ang epekto ng lalaking to sa mga babae?Nakaka-intimidate? I rolled my eyes para pagtakpan ang epektong dala niya sa akin.
"Is that how a nun greet her friend?" Nanunuya niyang tanong at talagang lumapit siya sa akin. I look straight to his eyes at ganun pa rin..parang hinihigop ng mga matang iyon ang buong pagkatao ko. I look away dahil hindi ko kinaya ang mga tingin niya. Kakaiba talaga ang mga mata niya. Napalunok ako. Pinipilit kong kalabanin kung ano mang nararamdaman ko.
"At sinong may sabi na kaibigan kita?..let me remind you Mr.del Rio, kailanman ay hindi kita naging kaibigan..look, I want to become a real nun pero nang dahil sa panggugulo mo sa buhay ko ay marami na akong nagagawang mali! kaya pwede ba, layuan mo ako!" mariing wika ko. Napatiim ito.
"Bakit? kailan ka ba gumawa ng tama sa buhay mo baby girl?..Akala mo hindi ko alam kung ano ang pinagagawa mo noong hindi ka pa pumasok sa kumbento?..yung mga gimik mo with your friends..yung pagbabar niyo..yung pagiging pasaway mo..yung pagiging maldita mo at sinusuway mo ang pamilya mo dahil gusto mong nasusunod ka!..diba, lahat yun ay puro mali?" wika nito. Napasinghap ako at saka napapaawang ang bibig ko. Paano niya nalaman? Stalker ba ang lalaking to?!how dare him!
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceAlonzo Angelo-panglima o bunsong kapatid ng mga del Rio. Isa itong negosyante at nagsisikap sa sarili na hindi umaasa sa yaman ng angkan nila. Pagdating sa mga babae ay masyado siyang pihikan dahil gusto niya na ang babaeng dadalhin niya sa altar ay...