"Be mine.." nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung kanino at saan nanggaling abg boses na iyon but then I only can see darkness..wala akong makita..Nanginginig ang buong kalamnan ko at pawis na pawis na ako.
"Who are you?!Magpakita ka sa akin hayup ka!" malakas na sigaw ko..Aaminin kong natatakot ako.. Kumakabog lalo ang dibdib ko dahil alam ko at alam ng puso ko na ang boses na yun ang yun yung boses ng taong nagsamantala sa akin three years ago..Gusto ko ng maiyak..
"Wag kang magtago! magpakita ka!..magtutuos tayo!" Sigaw ko ulit dito..
Mas lalo akong kinabahan nang may biglang liwanag sa unahan at anino ng tao ang lumabas. Napasinghap ako at saka napaatras lalo na nang lumapit ito sa akin. He's wearing that mask! siya iyon! hinding-hindi ko siya makakalimutan!"Be mine.." sambit nito. Tumayo lahat ng balahibo ko. Dahil sa takot ay tumakbo ako...I don't know kung saan ako pupunta pero kailangan kong makalayo sa demonyong taong to..baka ulitin niya ang ginawa niya sa akin at baka patayin na niya ako ngayon.. Dahil sa naisip kong iyon ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapaiyak. Noo!! hindi niya ako pwedeng patayin dahil kailangan ako ni Thaddeus--ang anak ko. Nakita kong sinundan niya ako. Oh God! wag mo akong pababayaan.. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko kahit na puro dilim ang nakikita ko. Saan na ba ako? Mas lalo kong hindi nakikita ang daan dahil sa mga luhang umaagos sa mga mata ko.
"Ahhhhh!!" napasigaw ako nang madapa ako. Nasaktan ako..sobrang sakit ng paa ko. Lalo akong naiyak habang hawak-hawak ang paa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humawak sa paa ko..pagtingala ko ay lalo akong nanginig sa takot nang makilala ko ang nasa harap ko..naabutan niya ako. Naabutan ako ng demonyong lalaking iyon.
"N-noo..p-please m-maawa ka..wag mo akong saktan..m-may anak pa ako..kailangan ako ng anak ko." pagmamakaawa ko dito habang umiiyak at saka pawis na pawis. Narinig ko ang malakas na paghinga nito.
"Our son.." kinilabutan ako sa lumabas sa bibig nito. Alam niyang nagbunga ang ginawa niya sa akin? Humagolhol ako. Noo! hindi! Sasaktan rin ba niya ang anak namin?!
"Maawa ka please..anong kailangan mo?!" wika ko dito.
"To have you and our son in my arms.." malamyos ang boses nito. Hindi naman mukhang nanakit ang boses niya bagkus ay parang nagi-guilty ang boses nito..alone and sadness..
"W-who are y-you?.." halos bulong na lang iyon na lumabas sa bibig ko. Narinig ko na naman ang malalim nitong paghinga at nagulat ako nang biglang lumiwanag ang paligid at tinanggal nito ang mask..dahan-dahan kaya tutok na tutok ako sa mukha niya hanggang sa tuluyan na niyang natanggal ang mask.
"It's me.." sambit nito. Nanginginig na napatakip ang kamay ko sa aking bibig. Bumibilis ang naging paghinga ko at tumulo lalo ang mga luha ko.
"A-Alonzo?..." naisambit ko habang nanginginig ang buong katawan ko..
"Sorry.." sambit nito at akma akong hahawakan.
"Nnnnnooooooooooo!!!!!" malakas na sigaw ko.
Napabalikwas ako ng bangon at saka basang-basa ako ng pawis..Kumakabog ng husto ang dibdib ko. Bigla akong naluha. Napanaginipan ko ang lalaking gumahasa sa akin. Nagkita raw kami ulit..he's wearing that mask at saka nilapitan raw niya ako..tumakbo ako ngunit hinabol niya ako..Umiiyak na nagmamakaawa ako sa kanya ngunit nagulat ako nang bigla niyang tanggalin ang mask..nanginginig ang buong katawan ko nang makilala ko kung sino siya...It was Alonzo.
"No..it was just a dream..hindi totoo yun..at mas lalong hindi magagawa ni Alonzo yun lalo na sa akin dahil ang sabi niya ay mahal niya ako..sapat na ang dahilang iyon para mapatunayan kong hindi iyon magagawa ni Alonzo sa akin." sambit ko at saka nagmamadaling pinahid ang aking mga luha at bumaling sa aking tabi..wala si Alonzo pero naalala kong may nangyari sa amin kanina. Nakaramdam ako ng kakaibang kasiyahan sa aking puso. Bumangon ako. Napangiti ako nang mapansin kong may damit na ako..It was Alonzo's shirt..Inamoy ko yun at saka napayakap ako sa aking sarili. Dumako ang mga mata ko sa nakasabit na orasan..It's two in the morning na pala! Bigla kong naalala si Thaddeus. Mabilis akong lumabas at saka pumasok ako sa kwarto namin ng anak ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko itong himbing na himbing pa rin sa pagtulog. Nilapitan ko ito at saka hinalikan..
Mahal ko ang anak ko at laking pasalamat ko na mahal siya ni Alonzo kahit na hindi niya ito kaanu-ano. Pero hindi ko alam kong kaya ko ba siyang papasukin sa buhay ko. Unfair kasi sa side ni Alonzo..may anak na ako samantalang pwede naman siyang mamili sa mga babae niya na mas karapat-dapat sa kanya. Napabuntong-hininga ako at saka muling tumayo at lumapit sa cabinet kung saan ang mga gamit namin ni Thaddeus. Napakunot-noo ako nang hindi ko makita ang bagay na hinahanap ko.
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceAlonzo Angelo-panglima o bunsong kapatid ng mga del Rio. Isa itong negosyante at nagsisikap sa sarili na hindi umaasa sa yaman ng angkan nila. Pagdating sa mga babae ay masyado siyang pihikan dahil gusto niya na ang babaeng dadalhin niya sa altar ay...