Epilogue: Heart to Heart

10.7K 268 12
                                    

Dumaan ang limang buwan simula nang ikasal kami ni Alonzo. Sinusukat ko talaga siya kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa akin. Hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Inaalagaan niya kami ni Thaddeus. Kahit busy ito sa trabaho ay palagi siyang may nakalaang oras para sa amin lalo na sa anak namin. Kahit limang buwan na ang nakalipas ay wala pa ring nangyayari sa amin. Hindi naman niya ako pinipilit kaya lalo kong napatunayan na mahal niya talaga ako. Unti-unti kong nakikita ang other sides niya--yung pagiging maalalahanin, yung pagiging maintindihin, mapagmahal na ama sa anak namin at mapagmahal na asawa sa akin at dahil sa ugali niyang iyon ay unti-unti ng naghilom ang sugat ng kahapon.

"Mahal ko, aalis na ako..mag-ingat kayo dito. Maaga akong uuwi mamaya..I love you.." wika nito at saka humalik siya sa pisngi ko. Tumango ako. Bilib din naman ako kay Alonzo dahil nirerespeto niya talaga ako at araw-araw ay hindi niya talaga makaligtaan ang magsabi sa akin ng 'I love you' kahit na wala naman siyang makukuhang response sa akin. Hindi kami ang magkatabi sa pagtulog dahil doon ako tumatabi kay Thaddeus at kung hahalik siya sa akin ay hanggang sa pisngi lang. Lalo kong nakikita na mabait siya at yung ginawa niya sa akin three years ago ay pinagsisihan na talaga niya ng husto. Dahil sa mga nakikita ko sa kanya ay gusto ko siyang bigyan ng chance--chance na maging asawa ko at gusto kong maging isang tunay na asawa sa kanya. Iyong walang pag-alinlangan at yung may pagtanggap. Sa tingin ko ay malapit na..unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.

"Anak, bantayan mo si Nanay ha..I love you." wika nito sa anak ko. Yumakap naman ang anak ko dito at saka humalik.

"Promise po Tatay..babantayan ko si Nanay para sayo. Ako kasi si Superman." wika ng anak ko. Ngumiti naman si Alonzo at saka ginulo ang buhok ni Thaddeus.

"Very good." wika ni Alonzo at saka kinindatan ang anak. Everytime that I see them in this way, it felt so overwhelming at pakiramdam ko ay may natutunaw sa puso ko.

"Bye.." wika ulit ni Alonzo and then he waved goodbye at saka sasakay na sana siya ng kotse nang tawagin ko siya.

"Alonzo.." tawag ko dito. Huminto ito at saka humarap sa akin.

"Yes Mahal ko?..may nakalimutan ba ako?" nakangiting wika nito. Lumapit ako sa kanya at saka ibinigay rito ang niluto kong baon para sa kanya.

"W-wag kang magpapagutom..hihintayin ka namin ng anak mo..M-mag-ingat ka.." nauutal na wika ko. First time ko kasing sinabi sa kanya na mag-ingat siya at wag magpapagutom at first time ko rin siyang nilutuan ng baon niya. Napaawang ang mga labi nito at saka maya-maya pa ay napangiti ito ng malawak at hinawakan nito ang kamay ko.

"Thank you..hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya." wika nito. Bigla tuloy akong nakonsensiya sa pagpapahirap ko sa kanya. Tumango lang ako at saka marahang binawi ang mga kamay ko. Naiilang kasi ako. I felt the electric currents running through my whole being.

"Sige..b-baka ma-late ka pa." naisambit ko. Tumango ito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi bago umalis. Tinatanaw ko ang pag-alis niya and then I realized na mayroon na akong nararamdaman para kay Alonzo. Bigla akong napangiti nang may pumasok sa isipan ko. Maaga raw siyang uuwi mamaya. Ipagluluto ko siya ng paborito niya..tatanungin ko na lang kay Mama Luisa kung ano ang favorite ni Alonzo kasi hindi ko alam kung ano ang paborito niya. Kailangang may bago na sa pagsasama namin ni Alonzo mamaya. Bigla ay na-eexcite ako sa mga naiisip ko.

Pagdating ng six ng gabi ay sinimulan ko ng lutuin ang paborito ni Alonzo na sabi naman ni Mama Luisa. Paborito raw niya ang kare-kare na may maraming mani. Pakanta-kanta pa ako sa pagluluto.

"Nanay, what are you cooking?" tanong ng anak ko na pumasok sa kusina habang bitbit ang laruan nitong superman. Ngumiti ako ng malawak at saka hinarap ang anak ko.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon