Chapter 10- Hurt?

5.5K 134 0
                                    

"Mga bata! bukas ay pupunta tayo sa Villa del Rio. Inimbitahan tayo nina Don Franko at Donya Luisa sa gaganaping pagtitipon. Dadating na kasi ang pinakabunsong anak ng mga del Rio galing London kaya mga bata mag-behave kayo doon. Bawal ang pasaway doon ha?.." Pag-aanunsiyo ng dalawang madre. Dalawang linggo na ang nakalipas nang makabalik ako dito sa Orphanage galing sa pagbabakasyon ko sa bahay. Sa loob ng dalawang linggo na yan ay hindi na nagpakita pa si Alonzo sa akin at hindi ko maintindihan ang sarili ko na umasa na babalik siya rito sa orphanage at mangungulit sa akin. Namissed ko ang pamimikon niya sa akin. Siguro ay dahil nasanay na ako sa presensiya niya. Mas mabuti na rin siguro yung hindi siya nagpapakita sa akin para hindi ako maguguluhan.

"Sister Carmi are you okay?..mukhang malalim ang iniisip mo ah..simula nung bumalik ka galing sa pagbabakasyon ay parang palagi na lang malalim ang iniisip mo. May problema ba sa bahay niyo?" nag-alalang puna sa akin ni Sister Felly. Agad akong umiling. Ngumiti ako.

"W-wala po Sister..siguro namissed ko lang ng husto ang pamilya ko lalong-lalo na si Papang. Hindi pa rin niya kasi tanggap ang propesyong pinasukan ko." wika ko dito. Alam kong isa akong napakasinungaling na tao at lalo ko lang nararamdaman na hindi na ako karapat-dapat na maging isang madre dahil sa mga simpling pagsisinungaling ko lalo na nung magtagpo ulit ang landas namin ni Alonzo. Maraming mga bagay na ginawa ko na hindi naman dapat na mangyari pero nangyari pa rin. Ang dami ko ng kasalanan.

"At nagdadalawang isip ka na ba ngayon sa pinili mo?" tanong ni Sister. Hindi ako nakaimik. Iniisip ko pa ang tamang sasabihin ko. Napabuntong hininga ako.

"Ganito pala kahirap maging isang madre Sister Ano?..ang sabi ni Papang pinalaki niya ako ng maayos at may pangarap sa buhay at hindi raw niya akalain na dito lang pala ako sa simbahan hahantong..natatakot raw siyang maiwan akong mag-isa sa pagtanda ko..Ayaw raw niyang matulad ako ni Lola na nababaliw dahil naiwang mag-isa." wika ko dito. Mataman lang siyang nakikinig sa akin.

"Anak, sinasabi lang ng Papang mo ang reyalidad ng buhay na meron tayo..doon naman tayo hahantong lalo na sa ating mga madre--ang tumanda ng walang kasama. Siguro hindi naman lahat ng madre ay mag-isa sa pagtanda natin pero kahit hindi natin gustuhin ay napakalaki ng posibilidad na dun tayo hahantong. Pinapakita lang ng ama mo ang mga bagay na maaaring mawawala sayo kapag magmadre ka. Tanungin mo ang sarili mo kung kaya mo bang mawala ang lahat alang-alang sa propesyon mo...Ikaw rin ang makakasagot sa mga tanong mo Carmi..Follow your heart. Sundin mo kung ano ang nilalaman ng puso mo. Hindi ko sinasabing piliin mo ang buhay sa labas at hindi ko rin sinasabing piliin mo ang nasimulan mong propesyon. It's up to you.." Wika nito. Matagal akong nakatitig kay Sister. Bawat salitang lumabas sa kanyang bibig ay isinasapuso ko at iniintindi na para bang nakasalalay doon ang magiging desisyon ko. Tinapik niya ako sa balikat at saka tinalikuran niya ako at para i-orient ang mga bata sa mga dapat at hindi dapat gawin sa Villa.

Bumilis ang tibok ng dibdib ko sa kaalamang pupunta kami bukas sa pagtitipon sa Villa del Rio dahil alam kong makikita ko si Alonzo. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag magkita kami ulit?..ano na ang nangyayari sa akin?bakit ba ako hanap ng hanap sa lalaking yun na kung tutuusin ay hindi naman dapat!?

Pumasok ako sa mini-chapel ng Orphanage at saka nagdasal. Ipinagdasal ko ang mga bagay na gumugulo sa akin ngayon. Ipinapanalangin ko na sana ay hindi ito makakaapekto sa pagmamadre ko.

Kinabukasan ay abala na ang lahat sa pag-aayos. Alas sais raw ng gabi uumpisahan ang piging sa Villa pero maaga pa lang ay naghahanda na ang mga bata sa Orphanage at halatang excited na dumalo sa selebrasyon ng mga del Rio. Ang sabi sa akin ni Isaac ay palagi naman raw kasi silang iniimbita ng mga del Rio sa tuwing may gagawing piging ang Villa ng mga ito. Susunduin raw kasi kami ng sasakyan galing sa Villa dahil iyon raw ang utos ng Don at Donya. Naka-abito pa rin ako. Kinakabahan ako ng sobra na hindi ko maintindihan.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon