Chapter 2- Tumakas

6.4K 132 1
                                    

"May I ask you a question Sister Carmi?" Mother Superior ask me pagkaupo na pagkaupo ko pa lang sa upuan ng office niya. She looked so serious yet calmed. I bit my lip.

"Sure po Mother.." wika ko.

"Did I ask you, why you chose this vocation Sister Carmi?" seryosong saad nito. Umiling ako.

"Ang pagmamadre ay hindi pampalipas oras kung may tinatakasan ka sa buhay mo sa labas. You are train to become a good follower of God..our lives is devoted in serving Jesus Christ and it's a part of your training to wake up early and discipline yourself in a good way." wika nito.

"Alam ko po yun Mother..sinabi na po sa akin ni Sister Victoria." pag-aamin ko dito.

"Then?what did you do?" wika nito. Kahit na mother superior siya at alam ko namang mabait siya pero natatakot pa rin ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi every word that came out from her mouth ay parang may pinaghuhugutan.

"Kaso lang po kasi ay nag-aadjust pa po ako." wika ko. Tumango ito.

"Okay, but you have to discipline yourself so that next time you're not going to be late..prayers are sacred for us Sister Carmi and I want you to understand that." mahinahong wika ko. Tumango lang ako. Marami pa siyang mga paalala sa akin at tumatango lang ako. As if naman kaya kong gawin ang lahat ng iyon. Mag-iisang linggo pa lang ako dito sa monasteryo pero pakiramdam ko ay konti na lang ay susuko na ako. Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na ako sa mga kasamahan ko. Alas 9 na ng umaga at tapos na ang prayers and reflection namin kaya it's time for us to begin our daily work. Ginagawa namin iyong ordinaryong bagay na ginagawa sa mga bahay like cooking, cleaning or handling routine monastery repairs. Wala namang masyadong ginagawa sa monasteryo sa ngayon dahil mabilis na natapos namin ang mga gawain at meron pa kaming natitirang oras kaya ang iba ay nagbabasa ng bible o di kaya'y nagbabasa ng mga do's and don't's ng isang madre samantalang ako ay naglalakad ako sa hallway ng ikalawang palapag ng monasteryo. Tumitingin ako sa baba. Tanaw na tanaw ko ang mga tao sa labas ng monasteryo at ang mga batang naglalaro at ang mga katulad ko at ka-edad ko lang na merong mga kadate at kausap. Masaya habang nagtatawanan ng mga kausap nila. Suddenly, I missed being me in outside world--iyong ako na nagagawa ko ang lahat ng gusto at luho ko. Iyong ako na easy go lucky person. Namimissed ko yung buhay ko sa labas..namimissed ko yung mga gimik namin nina Tanya at Janna. Napabuntong-hininga na lang ako. Nalulungkot ako at namimissed ko na ang pamilya ko.

"Namimissed mo na ba ang buhay mo sa labas Sister Carmi?" napapitlag ako nang may tumapik sa balikat ko--Si Sister Johana. Pareho lang din kaming baguhan sa bukasyong ito. Tumango ako.

"Oo nga eh..akala ko madali lang magmadre..Bakit?ikaw ba ay hindi mo namimissed ang buhay sa labas ng monasteryo?" wika ko. Nagniningning ang mga mata nito.

"Ano ka ba! namissed noh!..noong hindi pa ako pumasok sa pagmamadre ay nagkaroon nga ako ng boyfriends, gumigimik rin ako, lahat nagagawa ko but then the calling reminds me. Simula kasi nung bata pa ako ay ito na iyong gusto ko. Sinubukan ko lang naman na gumimik, magkaboyfriend ng marami para makalimutan ko ang calling ko but then ito ako ngayon, tinutupad ko ang laman ng puso ko." wika nito. Napaawang ang bibig ko. Wow! nadaig pa yata ako ng babaeng to ah!

"Ahh! so ito talaga ang gusto mo?..so tell me Sister Johana, ni minsan ba ay hindi mo naisip na subukang lumabas dito para masilayan kahit sandali ang buhay mo sa labas?" I dared her at saka napataas ang kilay ko. Wala lang, I just want to know her feelings. Matagal ito bago nagsalita na tila ba nag-iisip ng tamang isasagot. Tumingin ito sa ibabang bahagi kung saan may mga taong masayang nagkukwentuhan. Bumuntong-hininga ito at saka tumingin ito sa akin.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon