Usok agad at sari-saring amoy ang nalalanghap namin pagkapasok namin sa bar. As usual. Hindi naman bago sa amin to ng mga kaibigan ko but to Sister Johana, it's obvious na hindi pa sa siya sanay sa ganitong lugar eventhough she told me na nagbabar din siya dati. Agad kaming umupo sa right side na table at nag-order ng maiinom.
"Magtatagal ba tayo dito Carmi?" bulong sa akin ni Sister Johana. Nginitian ko siya.
"Hindi naman..uuwi tayo sa monasteryo before 1 a.m." wika ko. Nanlaki ang mga mata nito.
"Are you sure?baka mamaya niyan ay umabot pa to kay Mother Superior ha. Natatakot ako Carmi." wika nito. I rolled my eyes.
"Takot ka na ngayon..sana sinabi mo kanina sa akin yan para hindi ka mapilitang sumama sa akin." Wika ko dito. Sumimangot siya. Nagtawanan ang dalawa kong kaibigan. Ilang sandali pa ay dumating na yung order namin. We chat, we drunk, we jammed and we dance on the dance floor. Sinulit namin yung pagkakataon na nakatakas kami sa monasteryo ni Sister Johana. I know I'm not a good influence to Sister Johana. Hindi ko naiisip yung malaki kong kasalanan sa pagiging Nun trainee ko basta nasusunod lang iyong gusto ko.
While on the dance floor ay pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ko. They chose their life which makes them happy at masaya ako para sa kanila. Ako kaya?Pagmamadre na ba talaga ang gusto ko habang buhay?..maraming mawawala sa mundong ginagalawan ko kapag magmamadre ako ng tuluyan. This life that I have..negosyo namin at mga luho ko ay posibling mawawala sa akin kapag nagpatuloy ako sa pagmamadre. Napabuntong-hininga ako at saka kinapa ang sariling damdamin. Masaya naman ako sa pagiging madre ah..siguro nagawa ko lang tong paglalayas ngayon para malaman ko talaga kung ano ang gusto kong tahaking daan nang hindi nagsisisi."Hooohhhh!! party! party!" nabibingi ako sa sigaw ni Johana habang enjoy na enjoy sa pagsasayaw. Napapailing na lang ako. Akala ko ba ay takot siya--takot siyang umabot kay Mother Superior ang ginawa namin paglalayas pero kung makasayaw naman parang hindi nanggaling sa monasteryo ah. Enjoy na enjoy naman sina Tanya at Janna sa pakikipagsayaw dun sa mga lalaking lumapit sa kanila.
"Diyan ka lang ha..I'm going to the comfort room!" sigaw ko kay Johana. Tumango naman ito habang baliw na baliw sa mga kalalakihan na nasa tabi niya. Iniwanan ko sila at saka nagpunta ako sa comfort room. Napatingin ako sa salamin. Nakikinita ko naman ang sarili ko na magiging isang ganap na madre balang araw. Nakikita ko yung sarili ko na may tinutulungang mga tao. Napangiti ako. I guessed, this is me..handa na akong iwan ang mundo ko ngayon. I want to become a nun dahil iyon ang gusto ng puso ko. Napahinga ako ng malalim at saka napa-sign of the cross bago lumabas ng CR. Napatili ako nang may biglang humila sa akin.
"H-Hey! w-what are you doing?" kinakabahang wika ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong isandal sa pader ng walang hiyang pontio pilatong humila sa akin at saka marubrob akong hinalikan. Sobrang kumakabog ng husto ang dibdib ko at bigla akong nakaramdam ng takot at konsensiya. Ang init ng labi niya at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay uminit ang buong katawan ko sa paraan ng paghagod ng mga labi niya sa mga labi ko. Noo! Oh no! This is wrong! madre ako!..dahil sa realisasyong iyon ay ubod lakas kong naitulak ang strangherong lalaki. Napahugot ako ng malalim na hininga dahil pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin dahil sa kagagawan ng walang hiyang lalaking iyon.
"Hey baby girl..remember me?Kanina pa kita tinitingnan. You had a very sweey lips.." he said in a very husky voice and winked at me. Pakiramdam ko ay nanayo lahat ng balahibo ko nang maalala ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. The nerve of this man para halikan ako!! ang kapal talaga ng mukha niya. Bigla umangat ang kamay ko at saka malakas na ipinadapo iyon sa pisngi niya.
"You! bastos!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Akala ko ay mapapansin kami ng mga tao sa paligid but people are busy dancing, drinking and chatting with each other and besides walang pakialaman ang mga tao sa paligid kahit na meron na ngang naghahalikan at nagmemake-out sa paligid at halos hubot'-hubod na. Bigla ay nakaramdam ako ng pagsisisi dahil tumakas kami sa monasteryo at pumunta sa lugar na ito. Ang daming mga bagay at temptations na hindi ko dapat na makita. Nanggigil talaga ako sa galit dahil sa lalaking ito. How dare him to kiss me!. Nagulat ako when he held my waist closer to him that I can even smell his manly scent. I gasped hard of what he did. Kumakabog ng husto ang dibdib ko. Medyo dumilim ang anyo ng lalaking nasa harapan ko. Nakaramdam ako ng takot.
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceAlonzo Angelo-panglima o bunsong kapatid ng mga del Rio. Isa itong negosyante at nagsisikap sa sarili na hindi umaasa sa yaman ng angkan nila. Pagdating sa mga babae ay masyado siyang pihikan dahil gusto niya na ang babaeng dadalhin niya sa altar ay...