Chapter 1- Masanay rin

7.1K 136 2
                                    

ILANG araw na akong nandito sa kumbento kasama ang mga madre at ang mga katulad kong baguhan sa bukasyong ito. Aaminin kong naninibago talaga ako. Unang araw pa lang ay para na akong nababato sa sobrang tahimik. Sa totoo lang ay nabobored ako dahil malayong-malayo talaga ito sa kinagisnan kong buhay. Ang daming bawal. Bawal ang cellphone kaya hindi ko tuloy matawagan ang mga kaibigan ko para magkumustuhan naman kami. Bawal ang lumabas ng kumbento nang walang pahintulot sa nakakataas at higit sa lahat at bawal lumabas para gumimik sa bar o sa kahit saang lugar. Bawal din na mag-ingay dahil bawat kilos at gagawin mo ay sagrado at may pag-iingat at dapat ang paniniwala mo sa panginoon ay palaging nandiyan. Ngayon palang ay tinatanong ko na ang sarili ko kung tatagal ba ako sa napili kong bukasyon. Pero gusto kong ipakita kay Papang na ito ang gusto ko at hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko. Sinasanay ko na lang ang sarili ko because I don't want my family disappointed me. Disappointed na nga si Papang ko tapos hindi ko pa paninindigan.

"Sister Carmi..okay ka lang?" tanong sa akin ni Sister Victoria. Two years na siyang ganap na madre and she's six years older than me..Kaka-seventeen ko palang kasi nung isang araw. Nagbibirthday ako na wala ang pamilya ko. Aaminin ko na namimissed ko sila. Akala ko naman kasi ay okay lang maging madre. Ang tahimik lang kasi ng buhay ko dito. Sabi nga ni Mother Superior, our lives devoted in serving Jesus Christ. Napansin ko lang din that the day-to-day lives of nuns is a mystery, since we're often live, pray and work within the confines of a monastery. Meron ding mga madre ngayon na hindi nakatira sa monasteryo kundi sa mga bahay ampunan at nagseserbisyo sa mga batang ulila at may sakit o di kaya'y sa mga home for the aged o sa mga taong nangangailangan ng kalinga at pagmamahal. Ang ibang madre naman ay nagtuturo sa mga words of wisdom..mga words ni God. Sabi pa rin ni Mother Superior that the lives of all nuns are focused on two things: the continual remembrance of Jesus Christ, and achieving their congregation's stated mission. Paunti-untiin ko muna ang lahat. Ayoko namang biglain dahil baka mabaliw ako bigla..wala kasing ibang laman ang utak ko nung hindi pa ako pumasok dito sa St.Mary Monastery kundi kalokohan at gimik lang kasama ang mga kaibigan ko. Dumiritso na kami dito sa Monasteryo na malapit sa Sto.Domingo imbes na sa kumbento dun sa amin.

"Sa totoo lang talaga Sister Victoria ha, naninibago talaga ako..biruin mo eh ang layo-layo ng buhay natin dito kaysa sa buhay ko dun sa labas." walang prenong wika ko. She smiled and tapped my shoulder.

"Nagsisisi ka na ba sa naging desisyon mo?" Malumanay na wika nito. Ganito ba talaga pagmadre ka?dapat malumanay?

"Masyado pang maaga para magsisi Sister Victoria. Para sa akin ay paunti-unti lang yan hanggang sa makasanayan mo na ang isang bagay na gusto mo..kapag gusto mo ang isang bagay ay gagawa at gagawa ka ng paraan para makamit mo iyon and for me, this is it..kailangan ko lang siguro ng konting panahon para makapag-adjust sa buhay dito sa monasteryo." wika ko. Inayos ko ang suot kong cornette at saka inilagay ko sa ilalim ng scapular ang dalawa kong kamay at saka sinabayan ko ang paglalakad niya papunta sa harden ng Monasteryo.

"We are isolated from the WORLD so that we are not tempted by the things in this world, for our lives is dedicated in pleasing God...Alam mo bang ang buhay natin as a nun is based on Romans 12:2?" wika nito. Kumunot noo ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang nakasulat sa Romans 12:2..sa totoo lang ay isang verse lang naman ang na-memorized ko eh at iyon ay ang John 3:16. Napakagat-labi ako.

"Eh pasensiya ka na Sister Victoria pero isang verse lang ang namemorized ko eh at iyon po ay ang John 3:16..Bakit?ano po ba ang nakasulat sa Romans 12:2?" inosenteng wika ko. She giggled.

"Alam mo bang nakakatuwa ka?..but by the way, Romans 12:2 states: Do not conform any longer to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God's will is-his good, pleasing and perfect will..We live to please God and God alone Carmi at dapat maintindihan mo iyon. Hindi ka nandito dahil napipilitan ka lang o may tinatakasan kang problema sa labas kundi dahil iyon ang gusto ng puso mo. Sa una ay malungkot but then after all the time that you stayed here, marerealized mong masaya dito hindi nga lang katulad ng kasiyahan na nararanasan mo sa labas pero ibang kasiyahan diyan sa puso mo ang maidudulot nito. Tama ka, hindi ka naman dapat na magmadali. Bata ka pa and you have all the time to decide again. Marami pang magbago sa mga desisyon mo..Ang pagmamadre ay hindi pinipilit..it's your own will.." Wika nito.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon