"Good evening everybody!" bati ni Alonzo sa mga tao sa hapag habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at karga niya si Thaddeus aa kabilang side. Pumayag na ako sa gusto niya kaya dinala na niya ako rito sa mansion nila sa Villa para ipakilala sa buong pamilya niya kasama ang anak naming si Thaddeus. Wala na akong magagawa. I have no choice. Kung aangal ako ay hindi ko na makikita ang anak ko at pwede pang maglaho ang lahat na meron kami ng pamilya ko at isa pa ay nakikita ko naman kung gaano kasaya si Thaddeus na makapiling si Alonzo lalo na nang malaman nito na totoong Tatay niya ito.
Kinakabahan ako lalo na nang mapadako ang paningin ng buong pamilya ni Alonzo sa amin. Napalunok ako pero pinisil ni Alonzo ang kamay ko na para bang sinasabi niyang magiging okay lang ang lahat. Tumayo sina Donya Luisa at Don Franko para salubungin kami.
"Oh Hi hija..Nice meeting you again." masayang bati ni Donya Luisa sa akin at saka bineso ako. Alanganin akong napangiti. Hindi ko naman kasi akalain na pagkatapos ng tatlong taon ay magkikita kami ulit at magiging parte pa ako ng pamilya nila.
"N-nice meeting you po." wika ko.
"Hindi mo man lang sinabi na darating kayo Alonzo..ito na ba ang apo ko?" wika ni Don Franko. Napamaang ako. So alam na pala ng buong pamilya ni Alonzo na may anak na siya?..Alam din kaya nila ang kagaguhang ginawa ng anak nila sa akin?
Ngumiti si Alonzo."Yes Papa..si Thaddeus Nixon pala..Thaddeus, this is your grandma and grandpa, my parents..and that people around the table is your titos and titas at mga cousins mo." wika pa ni Alonzo. Namilog naman ang mga mata ng anak ko.
"Lily Tatay?!..I have a big family?..this is my Lolo and Lola just like Mima and Dida?" wika ng anak ko. Hindi talaga alam ng musmos kong anak ang nangyari sa akin ngayon.
"Yes anak..we're going to have a big family together with your Nanay." wika ni Alonzo sabay kindat sa akin. Alanganin na lang akong ngumiti kahit na sa kaloob-looban ko ay kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan. Hinalikan nina Don Franko at Donya Luisa ang anak ko at saka pinaupo kami sa malaking hapag kasama ang mga kapatid, in-laws at pamangkins ni Alonzo.
"Mga kapatid, this is Carmina delos Reyes soon to be Carmina delos Reyes-del Rio. My soon to be wife at ito naman ang anak kong si Thaddeus Nixon." Pagpapakilala ni Alonzo sa amin ng anak ko.
"Yeah! I remembered you Carmi..diba, ikaw yung Nun trainee na nagtuturo at nag-alalaga ng mga bata dun sa one way Orphanage?" namilog ang mga matang wika ni Hestia na ngayon habang hawak ang isang anak niya. Katabi nito ang asawang si Eros na karga naman ang isang anak nila. Puro lalaki ang anak nila. Kilala ko ang mga del Rio dahil kilala ang pamilya nila sa buong bansa kumbaga kung sa ibang bansa sila iyong royal family. Napalunok ako.
"Tama ka bunso..siya iyong nun trainee nina sister Felly at Sister Dhalia. It's good to see you again hija." wika ni Don Franko. Napahagikhik si Hestia.
"So your destiny wins over your calling Sis..welcome to the family..Iba talaga ang power ng love, diba My Love?" wika ni Hestia at saka tinitigan ang asawa. Napalunok ulit ako. Tumango naman ang asawa nitong si Eros at saka ninakawan ng halik ang asawa na ikinamula naman ng mukha ng huli. They looked good together. Halata ang nag-uumapaw na pagmamahal nila sa isa't-isa. Nagtawanan ang lahat.
"Hi, Carmi..long time no see ah..hindi tayo nagkita simula nung nag-tsismisan tayo sa party ni Hestia three years ago. Hindi ko akalain na magkikita pala tayong muli at magiging magkapamilya pa tayo. Hindi ka ba sinaktan ni Alonzo? kasi alam mo yang magkakapatid na yan ay mga loko-loko yan at saka ginagawa nilang lahat makuha lang gusto nila. Hindi ka naman ginaganun ni Alonzo?" natahimik ang lahat nang magsalita si Trinity. Katabi nito ang asawang si Mateo at ngayon ay naging may isa na silang anak. Hindi ko alam kung kailan sila ikinasal at hindi ko alam kung ano ang buong istorya ng pagmamahalan nilang dalawa. Basta masaya ako na makitang masaya na si Trinity kapiling ang lalaking mahal niya. Nagtawanan ang mga lahat except sa magkakapatid. Gusto ko sanang sabihin kung paano ako binaboy at binlackmail ni Alonzo pero para ano pa?wala namang saysay kung sasabihin ko sa kanila ang totoo.
BINABASA MO ANG
Just Once
RomanceAlonzo Angelo-panglima o bunsong kapatid ng mga del Rio. Isa itong negosyante at nagsisikap sa sarili na hindi umaasa sa yaman ng angkan nila. Pagdating sa mga babae ay masyado siyang pihikan dahil gusto niya na ang babaeng dadalhin niya sa altar ay...