Chapter 6- Waiting for Miss Right

5.7K 126 1
                                    

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah!..pwede kong pawiin yan.." puna ng secretary kong si Janice sa akin. Nilalandi niya ako. Napailing ako. I know Janice has a feelings for me pero hindi ko siya pinapansin. Wala sa kanya ang hinahanap ko sa isang babae. Noon pa man ay pinangako ko na sa sarili ko at kay Mama na ang babaeng ihaharap ko sa altar ay yung kaugali ni Mama--iyong katulad ni Mama na mabait at mapag-alaga. Pero umabot na ako ng thirty one ay hindi ko pa rin natagpuan ang babaeng pinangarap ko. Sa panahon ngayon ay bihira na lang ang mapagkatiwalaan lalo na sa estado ng buhay na meron ako. Alam kong maraming humahabol sa akin na babae dahil sa yaman na meron ako and of course dahil na rin sa kagwapuhang taglay ko but I don't want my woman love me that way. Gusto ko na mahalin nila ako dahil iyon ang gusto ng puso nila.

"Just leave me alone Janice!" muntik ng mapataas ang boses ko dahil sa pagka-irita sa babae. Kung pwede lang na palitan ang secretary ko ay matagal ko ng ginawa yun kaya lang ay mas mapagkakatiwalaan ko kasi si Janice when it comes to paper works and schedules. Wala naman akong reklamo sa performance niya sa trabaho maliban sa pagpapakita niya ng interes sa akin. Nagmamadaling lumabas si Janice sa office ko at bumalik sa table niya sa labas ng office ko. Biglang sumagi sa isip ko si Miss delos Reyes. I hate her guts..the way she talks to me..but at the same time ay natutuwa ako sa kanya dahil ang bilis-bilis niyang mapikon. Para siyang bata..parang siya pa rin iyong teenager na nakita ko sa bar five years ago kasama ang mga barkada niya. Masama ang tabas ng dila niya at niloloko pa niya ako na isa siyang madre. Ako pa talaga ang niloloko niya. Noon pa man ay hindi ako naniniwala na isa siyang madre dahil sino ba naman ang sira-ulo na madre na nagpupunta sa bar kasama ang mga kaibigan niya at nagsasayaw with some random guys? at sinong matinong madre naman ang pumayag na mahalikan?..tsss..Napapailing ako. I don't know pero kahit five years na ang nakaraan ay tila ba kahapon lang nangyari ang lahat..na tila ba nakaukit na yun sa pagkatao ko. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Pagkatapos ng limang taon ay nagkita ulit kami dun sa Orphanage na inisponsoran namin ng pamilya ko. Pero kahit limang taon na ay hindi pa rin ito nagbago. Natuwa ako sa naging reaction niya nang sabihin ko sa kanya na siya ang gusto ko at wag siyang maging kampante na magiging ganap na madre dahil hindi bagay sa kanya. Nakita ko kung gaano siya kainis at natutuwa ako. Ang totoo ay binibiro ko lang siya. I just want her to know na ang pinasukan niyang bukasyon ay hindi biro at hindi isang laro. Sagrado ang bukasyon na iyon at dapat magiging karapat-dapat siya sa napili niyang bukasyon. Napangisi ako. Meron akong naisip na kalokohan. Paano kaya kung gagawa ako ng challenges sa pagiging trainee niya?..and what if I'm going to be her challenge?.. Nagbalik ang diwa ko nang mag-ring ang phone ko--it was my mother kaya agad ko iyong sinagot.

"Hi Ma!.." Wika ko.

"Alonzo, can you come home anak?" lambing na wika ni Mama. My heart melted. Kapag si Mama na talaga ang humihingi sa akin ng pabor ay hindi ako makatanggi. She's my queen and I should do whatever she wants me to do.

"Sure Ma..I'll cancel all my appointments just to be there for you." wika ko. Huminga ito ng malalim. Alam kong may problema si Mama. Natagpuan na kasi ang bunso sa aming pamilya--si Ceres Hestia na inakala naming patay na sa loob ng dalawampu't limang taon na nawala siya sa amin and only to find out na ninakaw pala siya sa amin ng kaaway ni Papa na si Percus. Ginamit nito si Hestia para makapaghiganti kay Papa at ngayon nabawi nga namin si Hestia at namatay na ang Percus na iyon pero naging mailap ito sa amin. Binuo kasi ni Percus si Hestia na walang ibang mararamdaman sa puso kundi galit at paghihiganti lamang kaya nahirapan siyang tanggapin kami bilang tunay niyang pamilya. Humingi ito ng pabor sa amin na magbakasyon sa London para hanapin at mahalin ang sarili dahil gusto niyang sa pagbalik niya ay magiging handa mabago niya ang kanyang sarili bago siya bumalik sa amin. Ayun na nga, pinigilan siya ni Eros na anak ni Percus at naging kapatid niya noong nandun pa ito sa pamamahay ni Percus but that's another story. Ngayon ay alam kong nangungulila ng husto ang mga magulang ko lalong-lalo na si Mama. Matagal kasi naming hindi nakita ang kapatid ko at ngayon ay wala ito sa tabi namin dahil nagpapagaling muna sa sarili.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon