Chapter 18- 'Be Mine'

6K 156 2
                                    

Matagal akong hindi nakaimik na para bang pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi niya. Anong anak niya si Thaddeus?! nahihibang na ba siya?..Nanginginig yung katawan ko at kunot na kunot ang noo kong nakatitig sa kanya and is he really serious about he was talking about? Out of nowhere ay napatawa ako.

"Anong anak mo si Thaddeus?! nakakatawa ka Mr.del Rio..at talagang kina-rier mo na ang pagiging Tatay ng anak ko, ano?..okay, hindi ko kilala ang Tatay ni Thaddeus pero sigurado ako na hindi ikaw yun." habang tumatagal na tumitig ako sa kanya ay bumabalik ang gabi na kinamumuhian ko sa tanang buhay ko. I can't forget that night..the darkest night of my life at sa tuwing naaalala ko yun ay hindi ko mapigilan ang hinanakit ko sa taong iyon. I loathe him! isinusumpa ko siya!..wala siyang awa! hayup siya!..Hirap na hirap ako noon na tanggapin ang nangyari sa akin..walang araw na hindi ako umiiyak noon..para akong mababaliw sa nangyari sa akin noon dahil sa lalaking iyon!

Napakuyom ako ng palad.
Nagbawi siya ng tingin at saka nagbuntong-hininga pero hindi nakaligtas sa akin ang malungkot na mga mata and I saw guilt in it.

"I'm sorry.." sambit nito. Kunot noo pa rin ako. Bakit hindi na lang niya ako diritsuhin at ng matapos na to?..bigla-bigla na lang siyang magpapakita sa akin tapos ginagawa niya ang mga bagay na nakakapagtaka at nakakagulat?..Para bang ang dami niyang tinatago! he's mysterious now to me!

"Sorry for what?!" kinakabahang wika ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Sorry for putting you in this trouble..Carmi, intindihin mo naman ang anak mo. Kahit naman sinong bata ay maghahanap talaga ng Tatay and I'm willing to do it." wika nito. Napahinga ako ng maluwag dahil akala ko iba na ang sasabihin niya sa paghingi niya ng sorry sa akin. But still I don't like what he want. A father to my child? Baliw ba siya?

"No! tinatawag ka lang na Tatay ni Thaddeus pero hindi ibig sabihin nun na totohanin mo na ang pagiging ama niya!..Alonzo, hindi kita binibigyan ng responsibilidad! ano ba ang nakain mo?!" tumaas na ang boses ko. Hindi nakaimik si Alonzo..it's like meron siyang sasabihin na hindi niya masabi-masabi. Umiyak si Thaddeus.

"Nanay, I'm scared..galit ka Nanay?.." wika nito. Huminahon ako. Napakagat-labi na labi ako at hindi mapakali.

"No baby..Nanay is not angry..she's just talking to me..Mabait si Nanay." wika ni Alonzo at saka pinahid nito ang luha ng anak ko. Napahilamos ako ng mukha. This is ridiculous!..napaluha ako dahil sa matinding inis kay Alonzo pero agad ko iyong pinahid. Ayokong pagtawanan niya ako at higit sa lahat ay ayokong makita ng anak ko na umiyak ako.

"Tatay, can we go to our room?..I'm so tired.." pagod na wika ni Thaddeus na pasigok-sigok pa. Tumango na lang si Alonzo. Tiningnan niya ako but I never look at him.

"Ihahatid ko siya sa suit niyo Carmi.." wika nito. Hindi ako umimik. Yumakap lang sa kanya si Thaddeus na halatang sobrang pagod marahil sa kalalaro nila kanina. Ilang sandali pa ay iniwan na nila ako. Napaiyak ako. Ano ba to?..hindi ko maintindihan si Alonzo..bakit niya to ginagawa sa amin ng anak ko?bakit niya ginugulo ang buhay namin?..ito ba ang dahilan kung bakit kami nagtagpo ulit?

Naiiling na pumasok ako sa bar ng resort. I need to get drink. Naguguluhan ako at sumasakit ang ulo ko sa nangyayari sa akin ngayon. Bahala na muna si Alonzo sa anak ko tutal kampante naman ako na hindi niya pababayaan at ipapahamak ang anak ko..

Pagdating dun ay agad akong umorder ng maiinom.

"Miss, give me hard drinks.." wika ko at agad namang tumalima ang babae. Napatingin ako sa nakasabit na orasan. It's five thirty in the afternoon at napatingin ako sa labas..malapit na palang dumilim ang paligid.

"Ma'am, here's your order." wika ng waiter at sa.ka ibinigay sa akin ang drinks na inorder ko at saka iniwan ako. Kinuha ko ang drinks at saka nagsimula na akong uminom. Napaigik ako nang maramdaman ko sa aking lalamunan ang lasa ng drinks. Idagdag pang hindi ako sanay na uminom. I cried..sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina..okay na ako eh..I have moved on from the past..pinipilit ko naman pero bakit ba pinapaalala sa akin ni Alonzo ang mga bagay na yun?..

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon