Chapter 14- Shoulder to Lean on

5.3K 136 2
                                    

Katatapos ko lang magpaalam ng maayos kay mother superior na umalis na sa pagiging madre at saka malugod naman niyang tinanggap ang naging desisyon ko. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung umalis ako sa Orpahanage. Nagpahinga ako ng isang buwan at inintindi naman ako ng pamilya ko but I never told them what was really happening to me. Sa loob ng isang buwan na yan ay wala akong ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto..ang umiyak..ang kumain at mag-isip. Hindi naman ako pinilit ng pamilya ko na magsalita pero alam kong nag-alala na sila ng sobra sa akin lalo na si Mamang. Pero hindi naman tama na palagi na lang akong ganun. I need to stand up and cheer up for a new beginning of my life kahit na nahihirapan, nasasaktan at pagod na pagod na ako.

Masaya naman si Mother Superior sa naging desisyon ko..kung saan ako masaya ay masaya na rin sila para sa akin. Ang hindi nito alam na sobra akong nanghinayang sa nasimulan ko. Iyon talaga ang gusto ko--ang maging isang madre pero hindi ko na pipilitin ang sarili ko dahil tadhana na rin mismo ang humadlang sa pangarap ko.

"Janna, halikana, uuwi na tayo." wika ko sa kaibigan ko. Nagpasama ako kay Janna sa kumbento at wala naman itong magawa kaya sinamahan na lang niya ako. Hinawakan niya ako at saka kunot noo niya akong tinitigan.

"Carmi okay ka lang?..why are you so pale?masama ba ang pakiramdam mo?" nag-alalang tanong nito. Actually, kahapon pa talaga masama ang pakiramdam ko. Agad akong umiling kaya inalalayan niya ako para sumakay ng kotse at ilang sandali pa ay tinatahak na namin ang daan pauwi.

"Carmi okay ka lang?..simula nung dumating ka galing Orphanage ay palagi ka na lang tahimik at palaging malalim ang iniisip mo..nakatingin ka sa malayo at napapansin kong palaging namamaga yang mga mata mo and I'm pretty sure sa kaiiyak yan. May problema ka ba?may nangyari ba?..C'mon Carmi, I am your bestfriend. You can tell me your problems baka makatulong ako." rinig kong wika niya. Nakagat ko ang labi ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at saka umiling.

"W-wala...nanghinayang lang ako na talikuran ang nasimulan kong propesyon. Mahabang panahon na ang naigugol ko at nauwi lang sa wala." malungkot na wika ko.

"Nanghinayang ka pero umalis ka pa rin..so what makes you changed your mind Carmi?ano ang dahilan ng pag-alis mo?..alam mo? simula nung dumating ka galing Orphanage ay nagiging misteryosa ka na eh!..why don't you share it with us o sa pamilya mo?" wika nito. Huminga ako ng malalim.

"I just need space Janna..I want peace in my mind dahil mababaliw na ako sa kakaisip sa nangyari sa akin!" kuyom ang mga palad na wika ko. Nais ko na namang maiyak. Bigla nitong inihinto ang kotse sa daan kaya napatingin ako dito. Buti na lang malayo pa kami sa city kaya wala masyadong sasakyan na dumaan.

"My God!..ano ba talaga ang nangyayari sayo Carmi?!..bakit ka ba nagkakaganyan?! Hindi ka naman ganyan dati ah?!" may halong inis na wika nito. Bigla kong binuksan ang pinto ng sasakyan dahil pakiramdam ko ay naduduwal ako.

"Carmi?..Carmi?what's wrong?" nag-alalang tanong nito. Hindi na ako nakasagot dahil nagduduwal na ako. Agad akong dinaluhan ni Janna at hinagod ang likod ko.

"Are you okay?..gusto mo dalhin kita sa hospital?" sobrang nag-alalang wika nito. Hindi ako sumagot dahil patuloy pa rin ako sa pagduduwal. Pakiramdam ko ay nanlalambot iyong katawan ko at saka ang sama-sama nf sikmura ko at pakiramdam ko ay unti-unting dumidilim ang paningin ko.

"Oh my God! Carmi! kailangan na kitang dalhin sa Hospital..nanlalamig ka na at ang putla-putla mo!" natatarantang wika ni Janna. Pinaayos niya ako ng upo at saka tuluyan nang nawala ang ulirat ko.

*************************

Pagising ko ay puro puti ang nakikita ko sa paligid.

"Oh my! thanks God you're awake! kanina pa kami kinakabahan sayo Carmi!.tinawagan ako nitong si Janna dahil sa takot na mapano ka." bungad sa akin ni Tanya. Napakagat-labi ako.

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon