Chapter 4

906 30 1
                                    

Hinatid ako ni Yuri ng magkamalay na ako. Dinala niya ako sa clinic ng school gusto pa sana niya ako dalin sa hospital pero nag matigas ako na iuwi nalang niya ako. Wala siya nagawa kundi sundin ang gusto ko kaya ang ending namin ay dito sa tapat ng bahay namin.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inilahad ang kamay.

'gentleman' tanging na sabi ko.

Malubag sa loob ko tinanggap ang kamay niya.

'Shit be ang lambot mas malambot pa sakin'

"Salamat pero hindi mo naman na kailangan pa gawin ito"ng mahatid na niya ako sa mismong pintuan namin.

"My insist."tipid na sagot niya.

"MY BABBY" humahangos na sinunggaban ako ng yakap ni Mommy ng makababa siya ng kotse niya.

Nasa likuran ng kotse ni mommy ng may huminto din na bagong-bago na Ferrari. Niluwa nun si Aiko na nakashade pa ang gago. Lihim ko siyang pinakyuhan kita ko naman ang pa angat ng labi niya. Siraulo talaga!

"Ayos kalang ba? May masakit ba sayo? Ano ba kase ang ginagawa mo bakit naman nagpapakalunod ka baby? You know how scared I am when my secretary called me earlier"halos mangiyak si mommy.

"Kalma mom. I'm fine okey"I gave my assurance smile nguni't hindi pa din na aalis ang pag aalala sa mata ni mom.

"Ikaw ba ang nagligtas sa baby Penniely ko?" baling niya kay Yuri na kalimutan ko ang existing dahil kay mommy.

"Opo"magalang na sagot nya.

Naningkit ang mata ko ng sinunggaban niya ng yakap si Yuri.Parang gusto ko hilahin ang buhok ni mommy papalayo kay Yuri. Sympre char lang!

"Salamat talaga hijo sa pagligtas mo sa baby ko"madamdamin na sabi ni mom ng lumayo na siya kay Yuri.

"Wala po yon"ani ni Yuri.

"PRINCESSS KOOOO" akmang yayakapin ako ni aiko ng hinampas ko ang tyan niya.

"Aray ko, You see that tita?Okey na siya"nakanguso na sumbong niya kay mommy habang hinihimas niya ang tyan niya.

Inirapan ko lang siya.

"Gusto mo ba pumasok muna Yuri?"aya ko.

Nagpaalam na si mommy na ipaghahanda niya kami ng meryenda at ang tukmol na Aiko sumama na kay mommy nakarinig lang ng pagkain. Patay gutom!

"Hindi na may kailangan din kase ako puntahan pa"Tanggi niya.

Medyo nalungkot ako. Gusto ko pa kase siya makasama e, namiss ko talaga siya.

Gusto ko din tanungin kung bakit ang tagal niya bago siya muli nag pakita sakin.Kung ano ginagawa niya sa school at kung saan siya pupunta.

Sa dami-dami ng tanung na nakapila na gusto ko tanungin sa kanya pero taliwas ang binuka ng bibig ko.

"Ah sige. Ingat ka at salamat ulit. I owe you twice now" nakangiti kong sabi.

"Yeah for the exchange give me your number" saka niya nilabas ang phone niya.

Pigil ngiti kong tinanggap ang phone niya at tinipa ang number ko.

"Oh ayan, isa nalang ang utang ko siya ah"pasungit ko.

Ginulo niya ang buhok ko while his chuckling. I want to freeze this moment. Kung kaya ko lang nguni't wala akong kakayahan. Nakatanaw nalang ako sa kotse niyang papalayo.

"Ayayayay ayayayay ang pag-ibig nakakabaliw" kanta ni Aiko habang ginagawa pa niyang mic ang bote ng vitamilk.

Hindi ako nag dalawang isip na binato sa kanya ang hawak kong bag.

My Undying love For Mr. Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon