My hopes didn't fail me.
Nagkasundo kami ni Yuri to become friends again kahit masakit para sakin tinanggap ko na ito mas maigi ng ganito kesa naman sinasaktan niya ako at binabato ng masasakit na salita.
"Parang tanga naman ito." iritang ani ni Trinity habang nakatingin sa kanyang phone.
"ano na naman ba yan?" usisa ko, sa halos araw-araw na magkasama kami ni Trinity mas lalo ko nakikita ang pagiging childish niya.
"Tignan mo ito, Ate." Hinarap niya sakin ang kanyang phone.
It was a quote from her Facebook.
'KAPAG ANG ASAWA MO BUNSO, NASA TAMANG TAO KA.'
Bahagya ako na pangiti sa nabasa ko, at bumaling kay trinity.
"Ano naman nakakainis dyan?" tanong ko sa kanya.
Inismiran niya ako,
"Kase ate bakit sa bunso lang? how about sa only child at sa panganay diba, hindi ba't nagiging unfair naman sila. Ang mga utak ng taong ito, may utot talaga." natawa nalang ako sa pinag-sasabi ni Trinity, ang batang ito talaga kakaiba.
"Bitiwan mo muna yan tulungan si Kuya Yuri mo mag-haing, para hindi kung ano-ano nakikita mo." Suway ko sa kanya at Itinuro si Yuring busy sa kitchen.
"Ate naman eh!" May pagtutol niyang sabi pero inirapan ko lang sya at lihim na ngumiti.
Sa totoo lang malaking tulong na nasa tabi ko si Trinity, naging maginhawa ang buhay ko. Nakakatuwa kase talaga siya kasama may mga bagay na hindi ko inaakala na may ganun pala siyang katangian. Isa pa, yong maayos na pagkakaibigan na bubuo muli samin ni Yuri ay talagang nakaka-gaan ng paraan.
'See baby, you're daddy cook for us.' Mumbling while caressing my belly.
"tara na chie,"aya ni Yuri sakin.
Lumapit pa siya para alalayan ako makatayo kahit naman na kaya ko naman at hindi na kailangan ng alalay ay ginawa niya pa din. Nakahawak siya sa kamay ko habang ang isang kamay niya nakahawak sa bewang ko. Nakakataba ng puso at may kilig saking dibdib ang mga simpleng bagay na ginagawa niya para sakin.
"Ayiee, namumula si ate kuya oh!" Trinity teased us.
I glared at her but she ignored me.
"Tama na yan, nahihiya ang ate mo." Gatong naman ni Yuri.
Isa pa ito...
Sabay ko silang inirapan saka naglagay ng kanin sa plato ko.
"Mag gulay ka, sabi sakin ng obgyne mo na mas makakabuti sayo ito at para sa bata."Aniya habang nilalagyan ng pagkain ang plato.
Gulay? Gusto ko sana kiligin pero gulay? Gulay ang pagkakasabi niya diba? Parang gusto bumaliktad ng sikmura ko at sunod-sunod na paglunok ang aking ginawa ng hindi inaalis ang titig sa plato kung puno nang gulay, ohmygad!
"Namumutla ka ate okay ka lang?" Nag aalalang puna ni Trinity sakin.
Hindi ko siya pinansin.
"Don't mind her kumain kalang dyan, ang ate pechie mo kase nag hahanap pa yan ng lakas kung paano niya kakainin ang gulay." Nang-aasar na ani ni Yuri.
Matalim ko siyang nilingon. He knows very much how I hate eating vegetables.
"Ikaw, sinadya mo ito." May diin kong akusa sa kanya.
Inosente niya ako binigyan ng tingin, yung tingin niya akala mong hindi kaya gumawa ng kalokohan at walang muwang sa mundo.
"Ako?"turo niya sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
My Undying love For Mr. Billionaire
Aktuelle LiteraturI love him since I saw him. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero ng makita ko siya binali niya ang paniniwala ko. Alam ko sa sarili ko mahal ko siya, kaya ganun nalang ang tuwa ko ng inapproach niya ako pero nawasak ang puso ko "Hindi ba...