Chapter 29

135 2 0
                                    

Chapter 29

"AY, bes, ano'ng mukha yan?" pansin sakin ni Lalaine.

Magkasama na naman kami ngayon sa isang coffee shop. Galing sa libot. Past few days, yun ang gawain naming dalawa. Kami lang ang magkasama ngayon.

Parang hindi nga maipinta yung mukha ko ngayon. Nakakainis na eh!

Ilang araw na kasi kaagad ang lumipas mula nung huling nakasama ko si Simon. Simula non, madalang ng magparamdam ang loko!

Tinanong ko na yung mha kaibigan nya pero di naman daw nila alam.

Actually, two days lang naman syang wala at Christmas Eve na nga pala ngayon. Kaya nalulungkot po ako :(

"Hayaan mo na nga muna sya! Tinawagan mo naman di ba? Medyo busy lang naman daw sya, intindihin mo na" say ni Lalaine.

"I know, pero ayaw naman nyang sabihin kung ano" malungkot na sagot ko.

Nginitian naman nya ko.

Itong si Lalaine ang kasa-kasama ko. Nakapagtataka nga eh, di sya sumasama kay Kris.

Naglibot-libot na lang ulit kami.

——

NANG mag-gabi, nag-stay na lang ako sa bahay.

Ang lungkot, ang tahimik .. alone talaga ako pagdating dito sa bahay.

Nanood na lang ako ng TV pantanggal inip. Pero naiinip pa rin ako.

Ayoko namang matulog ng maaga at alam kong papapuntahin ako ni Lalaine sa bahay nila para don na ko mag-celebrate ng Christmas.

Si Simon? Tsh. Wala! Ewan ko kung nasan yon, ayaw magsabi!

*Ring Ring*

Napatingin ako sa cellphone ko na biglang nag-ring. May tumatawag.

Kaagad kong kinuha yon sa gilid yon at tiningnan ang tumatawag.

Akala ko sya na .. si Lalaine lang pala ulit. Sinagot ko na.

(Hi, bes! Mahigit isang oras na lang, magki-Christmas na! Magbihis ka na para makapunta ka na dito! Kaso .. pwede ikaw na lang pumunta dito?) she said.

"Okay" sagot ko na lang.

(Sige. Bye!)

Then, she hanged up the call na.

Ang bilis ng oras, isang oras mahigit na lang pala .. Christmas na naman.

Walang gana akong tumayo at nagtungo sa banyo para mabilisang maligo at makapagbihis na.

Pagkatapos lumabas na ko agad ng bahay. Ilang minuto na lang ..

Tsaka naman ako may na-realize. May masasakyan pa ba ko nitong 11:15 ng gabi? Haayyy .. ano ba yan?!

Naglakad-lakad na lang ako at nagbabakasali na baka don sa may kanto, may masakyan ako.

Hindi naman madilim sa daan dahil maliwanag ang mga kabahayan. Syempre, pasko eh, mganag-aabang din sila. Buti pa ang bahy nila, masaya.

Huminto ako sa may kanto at nagbakasakalung ngang may masakyan pa ko. Kahit na nasa kabilang phase lang yung kina Lalaine, ayoko namang maglakad 'no? Mamaya, may nag-iinuman pa dyan sa dadaanan ko.

May napansin naman akong sasakyan na dadaan dito. Akala ko pa naman taxi na, van pala.

Pero nagtaka ko ng biglang huminto yung van sa harap ko.

Bumukas yung pinto nung van at bigla na lang natakpan yung mata ko nung taong bumaba don. Kaya di ko nakilala kung sino yon.

"Sino ba kayo?! Pakawalan nyo nga ko!" pagwawala ko ng maramdaman kong isang isinakay nila ko sa van.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon