Epilogue
SIMON
"TARA, punta na tayo r'on!"
Hinawakan ko na 'yong kamay niya para puntahan na namin si Lara.
Habang papalapit kami doon, marahan kaming naglakad. Ang peaceful talaga dito.
Inalala ko yung childhood days namin dito.
"Ay, may tao pala dito?"
Napatingin yung batang lalaking kanina pa naka-upo sa ilalim ng puno don sa nagsalita.
"Paupo ah," the little girl said.
Tumango lang yung batang lalaki at tumabi sa kanya yung batang babae. Tahimik lang.
"Isa kang orphan 'no?" the little girl asked.
Yumuko lang yung batang lalaki.
Kahit hindi sinagot ng batang lalaki yung tanong ng batang babae, napangiti pa rin ito.
"Ang tahimik mo naman" salita ulit nung batang babae.
Kaya tumayo ito at hinawakan yung isang kamay nung bata. Napatingin ito sa batamg babae. At bigla syang hinila.
"Ang sarap ng hangin dito, ang sarap tumakbo! Wiiieee!" sigaw ng batang babae habang hila-hila yung batang lalaki habang tumatakbo.
"Huy, ano ba?" react na ng batang lalaki at napahinto sila.
"Bakit? Kasi naman, ang lungkot-lungkot mo. Wait .." little girl said again.
Nakamasid lang sa kanya yung batang lalaki at nagulat sa ginawa nung batang babae.
The little girl hugged the boy.
"Sabi ng Papa ko, kapag may malungkot na tao, give them love or hug them, para hindi nila ma-feel ang sadness" she said.
"Ha ..?" naguguluhang react ng batang lalaki.
"Smile ka na!" mas hinigpitan nito ang pagkakayakap dito.
"Ahck--" daing ni little boy.
"HAHAHAHA!" tawa ng bata pagkabitaw nya sa pagkakayakap dito.
Napatitig lang dito yung batang lalaki.
'Ano bang nangyayari sa kanya?' naisip-isip ng batang lalaki.
Pero sa tawa nito, nahawa na sya. Kaya napangiti na sya.
"Oh, yan! Dapat lagi kang naka-smile ah! Lagi ko na yang titignan sayo" she said.
Napangiti na itong lalo. Ibang klaseng babae 'to.
Hinila na ulit sya nito at nakitakbo na rito.
Nakita na namin siya kaagad. Nakatalikod at nakatingin sa malayo.
Dahan-dahan kaming lumapit sa kanya at mula sa likod nya, tinakpan ko yung mata nya.
"Ay, sus! May patakip-takip ka pa sa mata ko eh, kilala na kita" sabi nya.
"Gan'on?" then, tinanggal ko yung mga kamay ko sa pagkakatakip sa mata nya at hinalikan ang pisngi nya pagharap nya sakin.
"Mommy!"
"Oh, kasama pala ni Daddy ang baby prince ko?" at hinalikan niya 'to sa pisngi.
"Tsh. Ako yung humalik sayo sa pisngi, pero sya yung hinalikan mo? Daya!" kunwaring tampo ko.
BINABASA MO ANG
Treasure You
RomanceIsa si Jedi Lara Gomez, also known as Jela, sa ilang mga tao sa mundo na nagtatawa na lang patungkol sa pagmamahal na sinasabi ng mga tao sa paligid. Pero masasabi ring ISA rin naman siya sa mga taong nagtatanong ng tunay na kahulugan no'n. ...