Chapter 26

124 3 0
                                    

Chapter 26

PAPUNTA kami sa airport ngayon. Ngayon na kasi ang balik nina Lolo at Lola sa States.

Gusto sanang sumama ni Lalaine kaso maaga ang klase namin eh, hinayaan ko na lang na ako ang um-absent, para kung may ma-miss man akong topic, ituturo nya sakin.

Si Simon din sana, kaso kinontra ko rin sya. Dahil alam kong may activity sila sa school nila ngayon.

Hindi pa sana nya sasabihin sakin, buti na lang sinabi ni Kris. -___-

Nang makaalis na sil Lola, na-miss ko kaagad sila. Haayy .. : (

Inihatid na lang ako ni Mama sa bahay at dumiretso na sya sa company.

Sa 1:00 pm class na ako papasok. Wala naman akong gagawin dito sa bahay.

——

"TAPOS na kaya ang activity nila now? Gusto kong mapanood eh!" say ni Lalaine.

"Mang-gugulo ka lang don, eh!" pang-aasar ko sa kanya.

"Oy, hindi ah! Bakit, ayaw mo bang mapanood mag-luto-luto ang babe mo?" nakangising sagot nito sakin.

"May sinabi ba akong 'ayaw'? Alam mo bang yung talent nya na yon ang gustong-gusto kong pinapanood kapag ginagawa nya?" napangiti pa ko.

"At saka may kailangan pa tayong gawin ngayon. Tara na, baka nando'n na sila!"

May meeting na naman kasi sa Org.

Nagpunta na kami doon.

Since 1 week na lang at December na, pinag-usapan lang naman ang mga acivities na gagawin sa college namin.

Bakit ngayon .. parang nae-excite na ko for Christmas?

Pagkatapos ng meeting, napansin ko si Charmaine.

Nakakapanibago, ilang araw na yang di nagtataray sakin.

Naalala ko yung paghatid sa kanya ni Simon one night.

"Charmaine .." tawag ko sa kanya.

Nilingon naman nya ko.

Buti na lang, nauna kaming lumabas.

Bahagya ko syang nilapitan.

"Ahm, about Simon .. ganon mo ba talaga sya ka-gusto?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Oo" sagot naman nya kaagad. "Pero di ko gawaing sobrang ipagpilitan ang sarili ko sa iba. Siguro nga, marami kang advantages sakin na di ko rib pwedeng makuha .. pero, alam kong may makukuha din ako na di puro sayo"

Napangiti ako. "I know. Hindi naman talaga tayo magkakonpetensya, ayaw mo lang talagang magpatalo" I said.

Bahagya lang syang natawa. "Ayoko namang makuha mo ang lahat"

Nakangiting napapailing na lang ako.

"Si Simon. Alam mo ba na ako yung mukhang sira na ipinipilit sa kanya na maging isa sa mga flings nya? Pero ayaw nya kong patulan. Gusto ko sya, gustong-gusto ko sya at gusto ko rin na magustuhan nya ko, but I failed. Ikaw, ang dali mong nagawa yon. Sa academics dito sa college natin may pag-asa pa akong manalo over you. Pero kay Simon? Tsh. Wala" pag-amin naman nya.

"Dahil pinapahalagan nya ang kung anong meron kayo .. yung dating friendship nyo, yon ang iniisip nya" say ko.

"Yeah, yeah. He belongs to you, okay na siguro 'to?" sagot nya.

Nginitian ko sya.

Pilit naman syang ngumiti sakin at umalis na.

"Uy, anong pinag-usapan nyo nung babaeng yon?" tanong sakin ni Lalaine na nakalabas na pala sa room.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon