Chapter 32

111 3 0
                                    

Chapter 32

SIMON

HAAYY .. Yung feeling na ang sarap pa ng tulog mo na kasama mo yung mahal mo sa dreamland tapos may mambubulabog sayo? Haist! Bakit ba nagkaron ako ng dalawang makulit at abnormal na kapatid? Buti ako, medyo medyo lang. HAHA!

"Bakit ba ang aga nyo dito?" naiinis na tanong ko sa kanila.

Papikit-pikit pa akong naupo sa sofa. Kainis 'tong dalawang 'to--

*PAK!*

"Aray! Ano ba? Bakit ba ang brutal nyong lahat sakin?" daing ko ng bigla na lang akong tinampal ni Ate sa noo.

Ang sakit ah!

"Anong maaga pa? 9:00 am na po kaya! Open na ang mga malls 'no!" sagot ni Ate.

"Oo nga!" sabat naman dito ni Ysbeth.

"Tsh!" inirapan ko silang dalawa.

"Dali na! Gumayak ka na!" pamimilit nila sakin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Lilibot, magba-bonding! Sige na! Susulitin ko na 'tong last day ko dito sa Pinas!" -Ate.

Napatingin ako dito. "Bakit? Babalik ka na?"

Nakangiting tumango ito.

"Ilang araw na lang, New year na, di mo pa hintayin?"

"Sila Lola kasi eh, kahit New year man lang daw samahan ko sila. Oh, anong magagawa ko?" sabi nito.

Napaisip ako kung sasama nga ba ako sa mga 'to. Pero may magagawa ko bang tumanggi sa mga 'to? Alam kong di nila ako titigilan eh.

"Tsh." react ko na lang at tumayo na.

Natuwa naman yung dalawa. "Yan! Bilisan mo ah? Susunduin pa natin si Babe mo"

Napangiti ako. Haayy .. Nakaka-GV kapag sya yung unang pumapasok sa isip ko.

"Ay sus! Baliw na 'to kay Ate Lara!" kantyaw naman ni Ysbeth sakin.

"Paki mo?" sagot ko.

Nagtawanan lang yung dalawa. Natatawa ring dumiretso ako sa banyo.

--

LARA

*Ringggg!!!*

HMM?? Tumutunog na naman ang wall clock ko. Naalimpungatan tuloy ako. Inaantok pa ko eh!

Pinilit kong gumising at tinignan sa wall clock kung anong oras na.

Ha?! 10:00 am na pala? Ano ba yan, masyado pala akong napapasarap sa pagtulog? Haayy .. dahil sa bakasyon. HAHA!

Bumangon na ko. Masama daw yata kasing matulog ng masyado ng tanghali.

Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng tubig sa ref.

*DING DONG!*

May nag-door bell. Napatingin ako sa pinto. Si Lalaine na naman siguro.

Walang ganang lumapit ako sa pinto at pinagbuksan yon.

"Ano na namang kailangan mo, Lalaine ng--"

Natahimik ako ng makita ko kung sino yung napagbuksan ko ng pinto.

"Wow! Infairness, kahit bagong gising .. maganda ka pa rin" Ate Zandra said.

Napatakip ako ng bibig ko. Nakakahiya! Bakit ang aga nila Ate Zandra, Ysbeth at Simon dito?

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon