Chapter 20

147 3 0
                                    

Chapter 20

SIMON

"OH, bakit nakatulala?"

Napukaw nila yung pansin ko sa pagkakatulala ng bulabugin nila ko.

Nandito na naman kami ulit sa bar ni Shon. Kumpleto kami ngayon.

"Nakangiti pa nga yan bro, eh!"

Ako na naman ang trip nila.

"Aba, dahil ba yan sa kasama mo kanina ha?" tanong ni Clyde.

Napaayos ako ng upo. "Ewan ko ba, siguro nga"

May lumapit sakin na isang babae.

"Hey, dear .. " bati nito.

Hindi ko pinansin. Nainis pa nga ko eh. Kaya umalis na yung babae.

Napansin ko naman yung apat na bugok, nagkatinginan.

"Himala 'to ah! Nang-snob si Simon ng babae?" react naman ni Shon.

Ininom ko na lang yung beer ko.

"Baka naman iba na yang nararamdaman mo para sa kanya?" serious na tanong sakin ni Kris.

"Basta alam ko lang .. Masaya na ko kapag nakikita at nakakasama ko sya. Para na nga akong mababaliw na sa kakaisip sa kanya at sa nararamdaman kong kakaiba" pahayag ko.

Natahimik silang apat at sabay-sabay na nagkatinginan na naman.

Nagulat na lang ako ng magtawanan yung tatlo habang si Kris napapangiti lang naman.

"G*go pare, tinamaan ka na!" biglang kantyaw sakin ni Clyde.

"Aba, natulad ka na kay Mervin ah! Lalagay ka na rin ba sa tahimik?" -Shon

"Ngayon ko lang narinig sayo yung mga salitang yon ah! Ayan, kakasama mo kay Kris, nahawa ka na!" -Clyde ulit.

Haist! Ayaw na naman nila akong tantanan. -___-"

"Mga baliw! Anong nahawa si Simon sakin? Hindi naman naihahawa ang pagmamahal ng totoo eh, talagang kapag nahanap na nya ang katapat mo, di mo na mapipigilan na tumibok yan para sa taong yon!" paliwanag sa kanila ni Kris.

Ang lalim non ah! HAHA! Intindihin nyo na lang, yan si Kris eh.

"Tama naman si Kris eh, kayo talagang dalawa!" kibo naman ni Mervin.

Nagkibit balikat na lang yung dalawa.

"Eh kung mahal mo na sya, bakit di mo pa aminin sa kanya? Baka maunahan ka pa ng iba lalo na at merong isang gusto yatang umaligid sa kanya?" -Kris

"Si Simon maunahan? Imposible!" -Shon

"Not this time, pang-serious na 'to!" kontra ni Kris.

"Oo na, ikaw na ang expert dyan, Kris-___-" -Shon

"Hindi ko alam kung paano eh. Pero gusto ko nang malaman nya" I said.

"Well, diskarte mo na yan kung magpapakatorpe ka ngayon. Mas masarap sa pakiramdam kapag talagang sayo na sya" -Mervin

"Pero ang tanong .. Gusto ka rin ba nya?" -Clyde

Napansin kong medyo napangiti si Kris.

Paano nga kaya?

——

JELA

ANG tagal namang matapos nitong meeting namin sa Org. Educational Org 'to mga beh ah!

HAHA! .. Ngayon lang ako naboringan sa meeting namin, minsanan na nga lang eh.

Kasi naman, gusto ko ng umuwi! .. Umuwi sa puso ni Simon! HAHAHA!

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon