Chapter 44

127 4 0
                                    

Chapter 44

LARA

ANG aliwalas ng sikat ng araw ngayon. Tsh. Napapansin ko pa yon ah? Ang weird ko na nga talaga 'no? -___-

Nakamasid lang ako sa nadadaanan namin habang sakay na sa sasakyan.

Kasama ko na si Papa ngayon, kami lang dalawa ngayon. Ngayon nya ko sasamahan sa mga lugar daw na siguradong nakatatak na daw sakin.

Ilang sandali lang, inihinto na ni Papa yung sasakyan. Hindi naman,pala malayo .. akala ko sa ibang lugar pa.

Nauna ng bumaba si Papa. Ako? Nanatili lang nakatitig don sa bahay na hinintuan namin. Mukhang walang nakatira.

"Lara, bumaba ka na rin dyan"

Bumaba na nga rin ako. Pero hindi naaalis sa tingin ko yung bahay. Ano bang meron dito?

"Nakakaramdam ka ba ng familiarity sa bahay na 'to?" tanong ni Papa.

Actually .. parang may sumisingit nga sa isip at pakiramdam ko na parang alam ko nga ito.

Napatingin ako kay Papa. "Kanino po ba 'to?" I asked.

"Lara!" naagaw naman ang pansin ko nung tumawag sa pangalan ko bago pa makasagot si Papa.

Napangiti ako.

"Mimi!" balik-tawag ko.

Nilapitan nya kami. "Buti naman nadalaw kayo dito ... Tito Ralph" she said.

Naguluhan ako. Nadalaw?

Isinama kami ni Mimi sa bahay nila na malapit lang din pala dito.

Iniwanan na namin si Papa at Papa nya sa loob ng bahay nila. Nagpasama naman ako kay Mimi don sa bahay kanina.

"Wala ng tumirang iba dyan sinula nung umalis kayo, ayaw kasing ibenta ng Papa mo" she said.

Simula nung umalis kami? So, it means ..

"Ito ang bahay namin dati? Dito kami nakatira dati?"

Ngumiti at tinanguan nya ko. "Ang hirap nga pala ng may amnesia, sa halip na matutuwa ka na alalahanin at balikan yung masasayang memories mo dati, wala na lang dahil wala kang maalala"

"Pero kahit di ko naman naaalala yung mga bagay na yon .. nararamdaman ko naman ang isang bagay na ipinapakita nyo sakin ngayon na naging masaya nga ako sa mga memories kong yon, hindi lang talaga maalala ng isip ang mga yon" sabi ko at naglakad na ulit kami.

"Actually, madalang tayong magkalaro noon nung mga bata pa tayo kasi lagi kang isinasama ni Tito Ralph sa isang lugar, hindi ko nga lang alam kung saan .." she said.

"Talaga?"

Tumango sya.

——

NANGGALING na kami sa dati naming bahay. Doon pala sa luagr na yon ako lumaki.

Now, hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta ni Papa.

Pero napansin ko .. sa park lang 'to ah?

Inihinto na doon ni Papa ang sasakyan.

Naglakad-lakad kami doon.

"Alam mo ba kung anong meron dito?" nakangiting tanong sakin ni Papa.

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko yung buong park. Bigla ko namang naalala nung unang libot ko dito noon kasama si Simon .. at yung sa panaginip ko na may kasama yung batang babae na tinawag nitong Papa .. ako na yon?

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon