Chapter 38
NANATILI na lang ako sa bahay pag-uwi ko. Tuluyan na kong di pumasok.
Ngayon ko lang na-check ang cellphone ko. Puro text ni Lalaine at Simon. Malamang, nagtaka yung mga yon .. pero hindi ko naman gustong sabihin pa sa kanila.
Naka-20+ text silang dalawa sakin at 12 missed calls. Halos ang lahat ng text, galing kay Lalaine.
[From: Bes' Laine
Asan ka na ba? Hindi ka ba papasok?]
—
[From: Bes' Laine
Bes! Anyare sayo? Asan ka na?]
Puro ganon ang text nya. At si Simon. Yung nakasanayan ko ng text nya sa umaga.
[From: BabeKulit
'Morning, Babe kong Mahal :)]
The simplest but sweetest text niya lagi sakin. Na lagi ko ng inaabangan sa cellphone ko sa umaga.
At yung ibang text nya, parang katulad lang ng kay Lalaine.
Ni-replyan ko na sila.
[To: Bes' Laine
BabeKulitDon't worry 'bout me. Di na talaga ko pumasok. May pinuntahan lang kami. Hanggang maya pa siguro :)]
Then I send it na.
I sighed.
Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at diretso-higa sa kama ko.
Inalala ko yung pag-uusap nami ni Mimi kanina.
"Yeah. I need your help, Mimi. Since ikaw naman ang makakatulong sakin eh. Help me to find out kung ano ba yung mga hindi ko alam sa sarili ko"
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Hindi ko alam kung anong nangyari at kung bakit wala kang matandaan sa past mo, but I'm willing to help you. Well, may kilalang investigator ang Daddy ng isang Friend ko. Papatulong tayo sa kanya para mahanap ang Papa mo" she said.
Para hanapin ang Papa ko. Magagawa ko kaya na makausap yon?
"Hindi ko maitatanong kay Daddy kung nasaan si Tito Ralph dahil simula din nung nawala kayo, wala na din balita si Daddy kay Tito Ralph"
"Tito .. Ralph?"
"Oo, yon ang pangalan ng Papa mo. Nung makita kita ulit at mabasa ko yung pangalan mo dun sa notebook, bakit 'Gomez' ang gamit mo? Bakit hindi 'Mendez'? Pero naisip ko, Gomez ang middle initial mo. Yun na siguro ang pinagamit sayo ng Mama mo" paliwanag nya.
Natahimik na lang ako.
Naitakip ko na lang ang hawak kong unan sa mukha ko.
——
CLYDE
TINIGNAN ko ang oras sa wristwatch na suot ko. Exact 6:00 pm na.
Tumayo na ko sa pagkakaupo sa bench sa park at isinukbit na yung dala kong gitara. May gig pa pala ko.
Pinaandar ko na kaagad yung dala kong motorbike. Mas sanay ako sa motorbike keysa sa kotse ko eh. Ayokong tumulad naman kay Simon, papalit-palit yon ng kotse eh.
Pero habang namamaneho ako, nahagip naman ng mata ko ang isang taong laging nakakaagaw ng pansin ko, na nung una ay di ko napansin.
Si Luisa.
BINABASA MO ANG
Treasure You
RomanceIsa si Jedi Lara Gomez, also known as Jela, sa ilang mga tao sa mundo na nagtatawa na lang patungkol sa pagmamahal na sinasabi ng mga tao sa paligid. Pero masasabi ring ISA rin naman siya sa mga taong nagtatanong ng tunay na kahulugan no'n. ...