Chapter 13

136 2 0
                                    

Chapter 13

"HMM .."

Naalimpungtan ako dahil sa sinag ng araw. Ang sarap ng tulog ko.

Nag-inat ako at idinilat ang mga mata ko.

Ay, oo nga pala. Wala ako sa bahay ngayon. Nasa unit ako ni Simon.

Napansin kong sakop ko pala yung buong kama at wala na si Simon.

Naglikot ba ko sa pagtulog? Nakatulog din kaya sya ng maayos?

Bumangon na ako at lumabas na ng kwarto nya.

Wala sya.

Pumunta ako sa kusina pero wala din sya. Nasa'n yon?

Hmm .. Naamoy at nakita ko yung nakahain sa mesa ngayon ..

Waahh!! Nakatatakam ako sa breakfast!

Hindi na ko nakatiis, dumukot ako ng isang sliced bacon doon at pinapak yon.

"Tsh. Ang takaw mo talaga"

Halos mapalundag ako sa pagkagulat ng magsalita sya.

Nilingon ko sya, nakangisi sya. Nilapitan nya ko.

"Nagutom ako eh" tanging sagot ko. "Sa'n ka galing?"

"Sa labas, bumili ng coffee" sagot nya.

Lumapit sya malapit sa tiles nyang lababo at naglagay ng dalawang mugs don, magtitimpla yata sya ng coffee.

"Pwede na ba kong kumain?" di makatiis na tanong ko.

Ngumiti sya. "Sige lang"

Kumuha na ko ng plato para saming dalawa.

Nauuna na kong kumain sa kanya.

Ibinigay nya sakin yung isang mug ng coffee at naupo na rin sya para kumain.

"Hindi ka ba nababagot mag-isa dito araw-araw?" curious na tanong ko sa kanya habang kumakain.

"No, sanay na ko" sagot naman nya.

"Eh, may family ka ba? Bakit nagsosolo ka?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi nya ko sinagot. Tumahimik na lang ako, baka ayaw nyang pag-usapan yon.

Pero ilang sandali, nagsalita sya.

"Namatay na ang Mommy ko. I have a father, but he already have a new family now. Tulad ng sabi ko sayo, may Ate ako .. Nasa LA" sagot nya.

Ah .. Broken family din pala sya.

"Eh bakit .. Pinili mong mag-isa eh may father ka pa naman pala?"

Ang daldal ko naman!

"Ayoko lang na makasama sya" sagot naman ulit nya.

"Ah .. So——"

Di ko na natuloy yung itatanong ko ulit ng bigla nya na lang basalan ng bread yung bibig ko.

"Chismosa ka, ha" react na lang nya at ipinagpatuloy na nya ang pagkain nya.

"Hindi naman" tanggi ko.

Nanahimik na sya ulit. Pinagpatuloy ko na rin ulit ang pagkain ko.

Nakakacurious talaga 'tong si Simon.

Pagkatapos naming makakain, inihatid na nya ko pauwi sa bahay namin.

Buti na lang 10:00 am pa ang klase namin.

——

"BES!"

Napatingin ako sa sumigaw. Si Lalaine pala.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon