Chapter 19

139 2 0
                                    

 Chapter 19

JELA

"OY, nakangiting mag-isa oh!"

Napukaw ni Lalaine ang pansin ko nang magsalita sya. May kasama pala ako.

"Wala lang, maganda lang mood ko ngayon"

Di pa rin matanggal ang ngiti ko. Ang sarap kasing isip-isipin ni Simon.

Ay, baliw na ko!

"Sarap maging in love hano?" -Lalaine

Nginitian ko lang sya.

In love. I, Jedi Lara Gomez ay in love na ngang talaga sa mokong na si Simon Andrew Villega.

Pero si Simon kaya .. May feelings na din kaya sya sakin?

"Pa'no kaya kung umamin ka na sa kanya at totohanin nyo na yung fake relationship nyo? Malay mo, kapag nagpahuli ka pa .. Makuha sya ng iba!" advice ni Lalaine.

"Hindi naman ako ganon kadesperada! Si Simon, ma-in love sa flings nya? Sakin nga malabo yata eh. Hindi mangyayari yon!" kontra ko sa kanya.

Si Simon? May pag-asa kayang ako naman ang magpatibok ng puso nya?

——

UMALIS na naman si Lalaine kasama si Kris. Meaning, mag-isa na naman ako. Pero okay lang, doon masaya ang best friend ko,  eh.

Nakalabas na ako ngayon sa school at naglalakad-lakad .. Papunta sa park.

Ayokong yayain si Simon, malay mo may klase.

Pero yon, nagseseryoso ba sa pag-aaral yon?

Habang naglalakad ako at di napapalayo sa school namin, halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may humawak sa kanang kamay ko.

Napatingin ako sa gumawa n'on. And I saw him smiling at me, ang smile nyang nakapagpapabilis agad ng tibok ng puso ko.

"Naglalakad ka mag-isa, saan ka pupunta?" he asked.

"Ahm .. s-sa park sana, magpapahangin bago umuwi" sagot ko.

"Hindi mo man lang ako yayayain talaga ha?"

Napansin ko, naka-uniform pa sya. Galing lang siguro sya sa school nila.

"E-eh naisip ko kasi baka may klase ka pa at .. Busy ka" I said.

Busy sa babae. -___-

"Oo, busy ako .. Kakaisip sayo" bulong naman nya.

Hindi ko naman naintindihan yung sinabi nya.

"Ano?"

Napatingin ako sa kanya at pinauulit yung sinabi nya.

Pinitik nya yung noo ko.

"Aray naman!" daing ko.

Nginisihan nya lang ako.

Napangiti naman ako. Sabay ng pagkakilig ko ngayon ang malakas na pagkabog ng puso ko ngayon. Noon, naiinis ako sa pakiramdam na ganito. Pero ngayon .. Parang ang sarap na sa pakiramdaman.

HHWW. Holding Hands While Walking kami ngayon. Actually, di pa kami nakakalayo masyado sa school namin, kaya yung mga ka-schoolmates kong nakakasalubong namin .. Pinagtitinginan kami.

Ako na naman ang laman ng 'chika' nila ngayon, for sure.

Nanatili lang kaming ganon hanggang sa makarating na kami sa park.

Hindi pa rin nawala ang asaran naming dalawa. Ang lakas kasing mang-asar ng mokong na 'to!

Pero ang saya ko.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon