Chapter 2

305 7 0
                                    

Chapter 2

*Ring~Ring~Ring*

NAKAKAINIS naman, eh! Ang sarap ng tulog eh, istorbo 'tong cellphone ko!

Pupungas-pungas akong bumangon ng bed at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Lalaine lang pala. Sinagot ko na yung tawag n'ya.

" Hello .. " bungad ko.

(Hey, Bes! Samahan mo ko now ha? May pupuntahan tayo)

"Pupuntahan? At saan na naman ha?"

(Basta. Dadaanan kita d'yan sa inyo now ha? See you later friend!)

"Lalaine---"

(doo doo doo ..)

Di na ko naka kontra dahil in-end na n'ya yung call.

Tsh. Punpuntahan na naman. Bakit kasi di ko matanggihan yung bruhang yon eh.

Weekends kasi ngayon at nandito lang ako ngayon sa bahay. Actually, heto nga, kagigising ko lang kahit 5:30 pm na. Nakatulog pala ako ng hapon.

Tumayo na ko at nagtungo na ng CR para makaligo na.

Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ko, lumabas na ko ng room ko at bumaba na sa salas. Hindi naman excited 'tong si Lalaine 'no? Nandito na pala kaagad.

"Let's go na, bes!" Excited nga s'ya -_____-

"Sa'n ba kasi ang punta natin. Gagala ka 'no? Idadamay mo pa ko. Gabi na oh!" kontra ko.

"Sus, 6:30 pm pa lang oh! Actually, gusto ko kasing magpasama sa'yo, alam mo naman ako!"

Alam ko na kung bakit. "Ayokong sumama sa'yo. Makikipag-meet ka na naman eh. Sabi ko na nga ba eh!"

"Bes, mabait eh. Sige na, imi-meet ko lang 'yon. Please? Samahan mo ko" nag-puppy eyes pa.

Di ko naman matiis 'to.

"Okay, fine! Basta, until 9:00 pm lang tayo!" pagpayag ko.

"Yey!" parang batang nasunod ang layaw 'tong si Lalaine ngayon. Niyakap pa ko. -___-

"Oh, enough na!" tinulak ko nga.

Bumukas yung pinto. Napatingin kami sa dumating. Si Mama

"Hi, Tita! Ipagpapaalam ko po sana 'tong si Jela sa inyo, magpapasama lang ako" pagpapaalam ni Lalaine para sakin dito.

"Sige," sabi lang nya. At dumiretso na sa loob.

"Ma, alis na kami!"

Nagkatinginan na lang kami ni Lalaine.

Lumabas na kami ng bahay at lumarga na.

*****

"Hey, Lalaine, what are we doing here?" nagtatakang tanong ko kay Lalaine.

"Dito kasi yung meeting place namin eh"

"Here? In a noisy bar?" pinagmasdan ko ang paligid. Mula dito sa labas, rinig namin ang ingay ng tunog mula sa loob.

Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar. Hindi ako party goer. Mayaman ang pamilya namin pero hindi ako tinuruan ng mother ko na maging parang 'pawala' like others did.

"Uh-huh. Why?" tanong pa nya sakin.

"Natuto ka ng pumunta sa mga ganito?"

"Bes, third time ko palang pupunta dito. Tara nasa loob!"

Wala na kong nagawa dahil hinila na ako ng crazy best friend ko. -____-

Nakakairita 'tong lugar na 'to! Ang ingay! Ang gulo ng mga nagsasayaw sa dance floor, ang iba mga lasing na, may nakikipaghalikan pa na parang walang mga nakakakita. Yuck!

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon