Chapter 18
PAGPASOK ko sa loob ng bahay nila Lalaine, nandun na sila. Pati sina tito at tita na nagpeprepare.
"Bes, nandito ka na pala!" todo ngiting bati ni Lalaine sakin.
Saka ko lang napansin na nandito pala si Kris. Kaya masaya ang loka.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagdala siya ng manliligaw LANG sa bahay nila.
Napatingin naman ako kay Jerold, nginitian lang nya ko.
"Hello, Jela!" bati sakin ng mother ni Lalaine.
"Good Evening po!" nakangiting bati ko rin.
"Tara na sa dining. Let's all eat!" anyaya na nito.
Nag-umpisa na kaming kumain lahat ng sabay-sabay.
Sinabayan namin ng masayang kwentuhan ang pagkain namin. Parang hiyang-hiya naman si Kris dahil sila ni Lalaine ang nasa hot seat.
Kinikilig lang naman ang loka kong best friend.
Pagkatapos namin kumain, kaming apat, tumambay kami sa garden nila Lalaine. Pinagpatuloy namin ang kwentuhan.
Napaka-sweet nina Lalaine at Kris, pero di pa DAW sila ah.
Ilang sandali lang nagpaalam naman na si Kris na uuwi na. Naiwan kami ni Jerold dun.
Napansin kong kanina pa sya tahimik. Well, ganyan naman talaga sya, serious and silent type pero kapag nagsalita yan, matatakot ka sa sobrang seryoso.
"Huy, sumobra naman yata ang pagkatahimik mo? Bakit ba?" pansin ko sa kanya.
Tinitigan naman nya ko. "I'm just thinking something" sagot nya.
"Sino o ano naman yon?"
"You" diretsahang sagot naman nya.
Napatingin ako sa kanya. "Ako? Bakit naman?"
"You look happy with him kasama sya kanina" seryoso sya.
Alam kong si Simon ang tinutukoy nya.
"Paano mo naman nalaman?" tanong ko pa rin sa kanya.
"I know you, Jela. Hindi ka naman ganyan di ba? You're different now than before .. Because now, I feel that there's someone occupied your heart. Nagawa nya kaagad yon ng panandaliang pahahon mo pa lang syang nakilala. Unlike sa .. Dati nung ako pa yung sumusubok na mahalin mo rin" pahayag nya.
Halos mapanganga ako sa sinabi nya. All that he said was right. Ang galing namang maramdam nitong si Jerold!
Napatingin sya sakin at nginitian ako ng pilit.
"Akala ko dati, ng maging magkaibigan tayo mas magiging mas madali na mahulog ka sakin. I think, ginawa ko ang lahat to show what I truly feels for you .. I know that you recognized it but alam kong hanggang kaibigan lang ako ..
Tinanggap ko yon .. pansamantala. Yung akala kong kapag nalayo ako sayo makakalimutan kita, mali pala kasi talaga sayo ko lang naramdaman 'to, Jela. That's why umuwi ako ngayon dahil wala rin namang nagbabago sa feelings ko for you ..
Lalo na ngayon na .. May nauna na pala sakin. At si Simon pa" pag-amin niya.
Para akong nagi-guilty ngayon. Nasaktan ko pala talaga sya. Mahalaga sakin si Jerold dahil dinadamayan din nya ko, nandyan lang din sya kapag kailangan ko.
"Jerold .. Sorry. I didn't mean to hurt your feelings. Alam mo kung gaano ka kaimportante sakin kasi lagi mo akong dinadamayan kapag may problema ako. Nagtataka nga rin ako kung bakit sa ganito kabilis na panahon eh minahal ko na sya, napaniwala ako na ..Maniniwala ako sa pagmamahal na dati ay tinatawanan ko lang" say ko.
BINABASA MO ANG
Treasure You
RomanceIsa si Jedi Lara Gomez, also known as Jela, sa ilang mga tao sa mundo na nagtatawa na lang patungkol sa pagmamahal na sinasabi ng mga tao sa paligid. Pero masasabi ring ISA rin naman siya sa mga taong nagtatanong ng tunay na kahulugan no'n. ...