Chapter 27
NAKAKUNOT lang ang noo ko habang pinagmamasdan yung dalawa.
"Hey, hey! Let me go, ano ba?" react naman ni Simon habang inilalayo ito.
"Nami-miss na kita! Bakit di ka na pumupunta sa bahay para puntahan ako?" naka-pout pang sabi nung babae.
Napatingin sya sakin. Binigyan ko lang sya ng 'SINO-BA-YAN?-LOOK.
Napatingin naman sakin yung babae.
"Ay, may kasama ka?" tumodo pa ang pout nito at nag-cross arms na.
Pinitik naman ni Simon ang noo nito.
"Aray!" daing nito.
"Ang panget ng expression mo! Wag mo sabihing magka-mukha tayo?" nangingiting sabi ni Simon dito.
Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Oo nga, parang si Simon 'to na girl version.
"Tingnan mo, napakunot mo ang noo ng MAHAL kong girlfriend!" sita nya dito.
"H-Ha?" react ko naman.
"G-Girlfriend mo?" gulat na tanong ng babae.
Inakbayan ako ni Simon. "Oo"
Mula sa nagtataka na reaction nito, biglang naging masaya at di makapaniwala, yung todo ngiti.
"WAAHH!!" tili na naman nito.
At saka ako naman ang sinugod ng yakap. Ang higpit! >__<
"Tama na nga, Ysbeth!" saway naman dito ni Simon.
Bumitaw naman ito sakin.
"Babe, pagpasensyahan mo na yang isip bata na yan. Oo nga pala, ito si,Ysbeth .. half sister ko" say ni Simon.
"Kapatid mo?" naninigurong tanong ko.
"Yup, half sister ko yan. Anak sya ni daddy sa .. pangalawa nyang asawa ngayon" sagot nya.
Nakangiting nagpalipat-tingin ulit ako sa kanilang dalawa.
"Hindi naman maipagkakaila. Bukod sa magkamukha nga kayo .. parehas pa kayong makulit!" nangingising sabi ko sa kanila.
"And you are ..?" tanong naman ni Ysbeth.
"Her name is Lara" si Simon ang sumagot.
"Oh .. Since, ngayon ka lang nagpakilala sakin ng girlfriend mo, iti-treat mo ko!" excited na saad ni Ysbeth.
Marahan nyang ginulo ang buhok nito. "Pasalamat ka, good mood ako"
"Yes! Tara, Ate Lara!"
At ako na ang hinila ng kapatid nya.
Second year high school pa lang pala si Ysbeth. Kaya pala isip-bata pa. HAHA!
Kung saan-saan ito nagpalibre sa Kuya nya. Na-enjoy ko naman kasi parang nagkaron rin ako ng kapatid sa kanya.
"Alam mo, Ate Lara, ikaw pa lang ang ipinakilala sakin ni Kuya na girlfriend nya. Ah .. No, nahuli ko pala sya minsan with ibang babae. Ang gross nga nila eh .. halos magkainan sila ni Kuya ng mouth? Ew!" pagkukwento ni Ysbeth.
"Ysbeth!" saway dito ni Simon. Mukhang nahihiya ang loko!
"Why? Totoo naman di ba? Hindi ba alam ni Ate Lara na 'Casanova' ka?" panghahamon pa nito sa Kuya.
"Alam ko" sabi ko naman.
"Hindi ka ba nasasaktan na nambababae sya?" tanong ulit nya.
Simon hold my hand.
BINABASA MO ANG
Treasure You
RomanceIsa si Jedi Lara Gomez, also known as Jela, sa ilang mga tao sa mundo na nagtatawa na lang patungkol sa pagmamahal na sinasabi ng mga tao sa paligid. Pero masasabi ring ISA rin naman siya sa mga taong nagtatanong ng tunay na kahulugan no'n. ...