Chapter 4

201 5 0
                                    

Chapter 4

ANONG problema ng mga taong 'to sakin? Kung makatingin ah. Nakakainis ah!

Kakapasok ko lang ng school at ganito kaagad ang bungad sakin ng mga ka-schoolmates ko ng mga babae. Kapag nakakasalubong ko yung mga babae, tinititigan ako ng masama na parang naiinis sakin. Problema nila?

Pinuntahan ko na lang si Lalaine. At nandoon nga sya.

"Hoy, maupo ka nga dito!" tawag sakin nito.

Naupo ako sa tabi nya at naglabas ng libro.

"Ikaw ha? Nakakatampo ka! Best friend mo ko pero pinaglilihiman mo na ko?!" sermon sakin nito.

"Anong drama mo ha?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Ininom ko yung dala kong bottled water.

"Best friend mo ko pero hindi mo ko sinasabihan na may boyfriend ka na pala at si Simon pa ha!" nakangiting sabi nito.

Halos masamid na ko dahil doon.

"A-ano? Anong sinasabi mo?"

"Sus, sige deny pa! Kalat na kaya! simon claimed you as his GIRLFRIEND. Wow! sinampal mo na nga, naging boyfriend mo pa!"

Tumingin-tingin ako sa paligid.

"I am not his girlfriend, never!" kontra ko sa sinabi nya.

"Ha?" naguguluhang react nya.

"He just said that because yung mga babaeng humarang sakin kahapon sa tapat ng school nila" paliwanag ko.

"Oh .. ang galing naman bes, ikaw na nga 'tong nanakit, pero tinulungan ka pa rin nya sa mga sluts nyang handa kang kalbuhin. At .. boyfriend mo pa sya!" na-aamaze na react ni Lalaine.

Napakunot ulit ang noo ko sa sinabi nya. "Hindi ako natutuwa, Lalaine. I don't want to be his girlfriend, never! Never talaga!"

"Achuchu .. ang best friend ko talaga. Nakadungwit ka ng gwapo! Kilala pa!"

Napakamot ako sa batok ko. Bakit ba nagkaroon ako ng ganyan kakulit na best friend?

"Lalaine, just shup your mouth ha? Ang kulit mo! Kung ang isang tulad lang naman nya, eh wag na lang!" naiinis na sabi ko.

"Oops bes, wag ka munang magsalita ng tapos, malay mo .." nakangising sabi nya.

"O ano?"

"Wala pala" At nginitian nya na lang ako.

"Tsh. Tara na nga, magi-start na class natin"

At pumasok na kami sa class.

--

4:00 pm ang naging uwian namin. Ganitong araw kasi na full load ang schedule namin.

"Bes, sama ka?" yaya sakin ni Lalaine.

Nilingon ko sya. "Saan naman?"

"Dun sa dati nating pinuntahan. Magkikita kami ni Kris eh"

Kapag sumama ako, baka makita ko na naman yung bastos na Simon na yun don. Pero, ayoko pang umuwi eh. Nahahawa na ko dito kay Lalaine.

"Sige, dun muna ako sa bahay mo bago tayo pumunta don" sagot ko sa kanya.

Napansin kong nakamasid lang sya sakin. Problema nito?

"Bes, talaga?"
"Oo, bakit, ayaw mo?"

Bigla na lang syang tumawa. Daig pa kulang-kulang -__-

"Hahaha! Grabe, first time 'to, dahil ba sa kanya? OMG, sabi ko na nga ba----Aray!"

Napahinto sya ng bigla ko syang batukan.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon