Chapter 10

183 1 0
                                    

 Chapter 10

JELA

Sunday

MAAGA akong gumising. Gusto kong magsimba eh.

Dapat kasama ko si Lalaine eh. Kaso, kasama naman nya si Kris .. May date daw sila.

Haayy Nako! Wala tuloy akong kasama ngayon.

Dapat na ba akong magselos kay Kris dahil sa kanya na nababaling ang atensyon ng best friend ko? HAHA! Joke lang!

Dapat nga matuwa pa ko kasi iba na ang trato ni Kris sa best friend ko.

Sa second mass ako um-attend dahil yon na ang naabutan ko.

Magi-start pa lang ang mass ng maabutan ko.

Kauupo ko lang dahil katatapos lang nung awit pambungad ng may tumabi sakin sa upuan. Bakante kasi yon.

Napatingin ako sa tumabi sakin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko sya.

Napatitig din sya sakin. Saka ngumiti.

Sa pari sa harapan namin ko na lang ibinaling ang tingin ko.

"Sinusundan mo ba ko?" mahinang tanong ko sa kanya.

Sino pa ba? Eh di ang Mokong ng si Simon!

"Hindi" mabilis na sagot nya.

"Eh bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi ba pwedeng magsimba din ako? Nagkataon lang naman na nagkasabay tayo" sagot nya.

Hindi na ko nagtanong pa sa kanya. Nanahimik na lang ako at nakinig sa pari.

Siguro nga nagkataon lang talaga talaga kami ni Simon na magsimba ngayon.

Ang seryoso nyang nakikinig sa pari.

Wow, ang bait ah!

Hanggang sa matapos ang misa.

Sinabayan nya na kong lumabas ng simbahan.

"Wala kang kasama?" tanong nya sakin.

"Obuse ba? Di ba mag-isa lang ako ng makita mo kanina?" pambabara ko sa kanya.

"Katatapos lang ng misa, nagtataray ka na?" sita nya sakin.

Nanahimik na lang ako.

"Nasa'n si Lalaine?" tanong na naman nya.

"Kasama si Kris. Ang aga nilang magkasama, nagkakamabutihan na talaga yung dalawa" sagot ko.

"Gusto mo tayo magkamabutihan na rin?" nakangising tanong nya sakin.

"He-he. Di bale na lang!" kontra ko.

Natawa naman sya.

Napansin kong tinititigan naman nya ko.

"Oh bakit ganyan ka makatitig sakin?" naiiritang tanong ko sa kanya.

"Tara!" yaya nya sakin.

"Saan naman?"

Pero bago pa ko makatanggi sa kanya, hinila na nya ko pasakay sa kotse nya.

"Saan mo naman ako dadalhin ha?" taning ko sa kanya.

Pero di nya ko pinansin.

Ilang sandali lang, bigla nyang inihinto yung sasakyan.

"Bakery Shop? Anong gagawin natin dito?" patuloy na tanong ko sa kanya.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon