Chapter 17
WEEKENDS na naman. Kasama ko ngayon si Lalaine dito sa bahay namin. Pinapunta ko sya dito dahil gusto ko ng may kasama, buti naman pumayag sya.
"Lalaine .." pagtawag ko,sa kanya habang naglalaro sya sa cellphone nya.
"Bakit bes?"
Tama bang i-share ko pa sa kanya itong situation ko?
Pero baka may alam 'tong lokang 'to.
"Ahm .. Parang gusto kong magpa-check up sa puso. Samahan mo nga ako" anyaya ko sa kanya.
Napaayos sya ng upo at nanlalaki ang matang humarap sakin.
"Bakit? Anong problema bes?!" nag-aalalang tanong nya.
"E-ewan ko ba? Lately kasi .. Bigla ko na lang nararamdaman .. Napakabilis ng tibok ng puso ko, naa-abnormal na yata, pero hindi naman palagi .. Kapag .. Lalo na .." sabi ko.
Ayokong sabihin sa yung iba.
"Eh kapag kasama mo si Simon?" tanong nya.
"Ha? Ah .. Minsan? Parang .. Siguro .. Ewan ko ba?——Aray!"
Bigla na lang nya kong binatukan.
"Masakit yon ah! Bakit ba?" reklamo ko sa kanya.
"Gaga bes! Hindi na dapat idaan pa sa check-up yang mararamdaman mo!" halos tili nya.
"Eh bakit? Baka mamaya, may sakit na pala ko" react ko.
"Oo, may sakit ka nga!"
Nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya. "H-ha?"
"In love ka na 'te!" masayang sagot nya sakin.
"E-Eh?"
"Danas ko na yan eh! So, in love ka na kay Simon? KYAAHH!! Bes!" Tili pa rin niya.
Natahimik lang ako.
"Hindi naman nakakapagtaka kung ma-in love ka nga sa kanya, kasi iba naman ang turing nya sayo. Hindi ka nya inile-level sa mga girls na naka-fling nya!" dagdag nito.
Mahal ko na si Simon? In love na nga ba ko sa kanya? Handa ko na bang harapin ang sinasabi nilang 'pagmamahal'?
Pero ayoko munang magpakasigurado kaagad. Kung ganito na nga, ayoko munang i-broadcast na 'oo mahal ko na si Simon!'. Naguguluhan ako.
——
SIMON
BAKIT ba ganon? Gusto ko syang makita. Gusto ko syang laging nakakasama.
Bakit ba ganito na lang ang epekto sakin nung babaeng yon?
Ang galing nga eh, nag-iba ang mood ko sa mga babaeng bigla na lang lumalapit sakin, naiinis na ako kapag pini-flirt nila ko. Bigla na lang ayokong dumidikit sila sakin.
Lagi na rin yung babaeng yon sa isip ko, tapos may bigla akong mararamdaman na di ko maipaliwanag. Nararamdaman ko yon kapag kasama ko sya.
Aish! Nahahawa na yata ako kay Kris ah! HAHAHA!
By the way, papunta nga pala ko ngayon kina Lara, weekends kasi eh, di ko sya makasama.
Bago ko ihinto ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila, napansin ko ang isang sasakyang nakahinto din dun at saka bumaba ang isang lalaki.
Tsh. Sya na naman? Ano bang pinupunta nya dito?
"Hoy, Jerold!" tawag ko sa kanya pagkababa na pagkakaba ko ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Treasure You
RomanceIsa si Jedi Lara Gomez, also known as Jela, sa ilang mga tao sa mundo na nagtatawa na lang patungkol sa pagmamahal na sinasabi ng mga tao sa paligid. Pero masasabi ring ISA rin naman siya sa mga taong nagtatanong ng tunay na kahulugan no'n. ...