FINAL CHAPTER

189 3 0
                                    

FINAL CHAPTER

After a month ..

"BES... Jela, gising! Huy!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ng marinig ko si Lalaine. Nakatulog pala ko.

Na-bored kasi ako kanina kaya pumasok na lang ako dito sa room suite namin dito sa beach resort.

Yeah, nagyaya sila ng outing eh. Sina Shon, Kris, Lalaine, Clyde, Luisa, Mervin, Ericka, Ysbeth at Ate Zanda at kami ni Simon ang magkakasama dito ngayon.

3rd day na namin dito. Pero yung Simon na yan, parang wala akong kasama. Lalo na ngayon. Kanina pa sya wala! Ayaw naman magsabi nung apat na kaibigan niya kung nasan yon. Kapag ganon yon, parang may kakaba-kabang gagawin o ginagawa eh.

Kaya natulog na lang ako kaysa ma-OP sa kanila, sa ka-sweetan nila. Si Ate Zandra naman kasi, madalas ding may kausap sa phone eh.

"Bakit, Lalaine?" tanong ko sa kanya.

"Sorry sa paggising ko sayo, bes pero .. pwede bang bumangon ka na?" she said.

Nagtatakang tinitigan ko lang sya.

"Bumangon ka na! Bilis!" excited na utos nya sakin.

"Eh bakit ba?" tanong ko.

"Dami namang tanong ni Bes eh! May game kasi kami .. eh ikaw yung iniutos sa dare nila sakin. Ipiring mo 'to ah?" sabi nya.

"Ha? Eh bakit may piring pa?"

"Kasama sa dare. Dali na!"

"Ha? Ah——"

Pero wala na kong nagawa. Piniringan na nya ko eh. -___-

Inilalayan nya kong tumayo at maglakad palabas.

"Nasaan ba sila? Bakit ang tahimik?" pangungulit ko.

"Nandon pa sila eh" Lalaine said.

Kahit may iba akong nararamdaman sa trip nilang 'to sakin ngayon, tumahimik na lang ako.

Naramdaman kong may bumukas na pinto at pumasok kami doon. Nawala naman na yata si Lalaine sa tabi ko. Ang tahimik talaga.

"Lalaine .. nasan ka?" tanong ko.

"Don't worry, bes, nandito lang ako" sagot nya.

"Nasan ba sila? Hindi mo pa ba tatanggalin 'tong piring ko ha?" tanong ko naman.

"Wait .. Pagkabilang ko ng tatlo. Isa .. Dalawa .." then naramdaman kong tinanghal na nya ang pagkakabuhol sa piring ko. "Tatlo!" at inalis na nya.

Pagkadilat ko, si Simon ang bumungad sa harap ko at bigla akong hinalikan. "Surprise .." he said at ipinakita sakin yung paligid.

Napangiti at namangha ako. Nasa isang hall pala kami ngayon dito sa beach resort. I love the decorations. May mga heart balloons and red roses sa paligid, yung Mini Stage may design ding ganon at .. may konting shade na mukha ni Perry sa Mini Stage. Ang cute!

Todo ngiti na ko. Nasa paligid lang sina Shon, Kris, Lalaine, Mervin, Ericka, Ysbeth and Ate Zandra. Nakangiti silang lahat sakin. Si Clyde at Luisa yung kumakanta sa Mini Stage. Yung First Song na narinig namin ng maging kami ang kinakanta nila .. Terrified.

Nilapitan nya ulit ako at may hawak na syang bouquet of roses. Nasa gitna kami ng hall ngayon.

"Happy Anniversary, Babe .. One year na tayo!"

Na-touched ako at napangiti. Oo nga 'no? Di ko akalain.

"Happy Anniversary din .." bati ko rin sa kanya.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon