Chapter 34

107 3 0
                                    

Chapter 34

HMM… Balik pasok na naman pala ngayon. Tapos na ang masayang pasko at bagong taon ng buhay ko. Thanks because I'm with him that time. 

Last New year, sa bahay din ng Father ni Simon kami nag-celebrate. Masaya ang naging umpisa ng New year para sakin, sana .. until the end na din. 

At, kababalik na kababalik ng klase, nagbigay kaagad ng group project ang Prof. namin sa Accounting. Pero okay lang, matagal pa naman. 

Naiwan ako sa org room namin kasama yung iba kong ka-Orgmates. Nauna na kasi si Lalaine sakin, tinawagan ng Mommy nya.

"Sige guys, tomorrow na lang natin ituloy yung iba. Konti na lang naman 'tong aasikasuhin natin" say ko sa kanila. 

"Sige. Eh, mag-isa ka lang ba, Jedi? Sabay na tayong umuwi" yaya ni Lisa sakin.

"Ah——"

"Hindi mag-isa si Jedi. Ayan oh, may sundo!" nakangiting sabi ni Megy, kasama din namin. 

Napatingin ako sa itinuro nya. Ah, si Simon pala.

Napansin kong lahat sila nakangiti sakin.

Marahang siniko ako ni Megy. "Uy, totoo pa lang kayo pa rin? Nakakakilig! Ang tagal na ah!" kinikilig na bulong nito sakin. 

Napangiti rin ako. Kinuha ko na yung gamit ko at lumapit na kay Simon. "Mauna na ko, guys!" 

Hinila ko na palayo dun si Simon. Mang-aasar lang ang mga yun eh. 

Hindi muna ko nagpahatid sa kanya na pauwi, nagyaya muna ko sa kanya na maglibot kahit gabi na.

Sa park nya ko dinala. Naglakad-lakad lang kami at nag-food trip. At para kaming mga sira na nag-aasaran tapos magtatawanan na dalawa sa daan. Yung ibang nakakakita samin, napapangiti na lang. May times pa na naghahabulan na kami dun, para kaming mga bata ngayon. Pero ang saya!

Ilang sandali, iniwanan nya ko sandali dun sa isang bench, bibili daw sya ng drinks. 

Bigla ko namang napansin yung isang batang lalaki. Malungkot yata. Naupo yung bata sa bench na kinauupuan ko. Nakatingin lang ako sa kanya. 

"Psst. Bata" pukaw ko sa pansin nya.

Malungkot na lumingon sya sakin. Naka-pout sya. Ang cute! Nginitian ko sya.

"Bakit ka naman malungkot?" tanong ko.

"Wala po kasi yung best friend ko. Wala akong kasama" sagot nya.

Napatango-tango ako. "Eh nasaan ba sya?" 

"She's with her Mom now. May away kasi parents nya eh. Umalis sila" may kinuha sya sa bulsa nya. "Eto po sya oh!" 

Isa pa lang picture ng batang babae yun. Ipinakita nya sakin. Ito ang best friend nya?

"Sya ang best friend mo?"

I asked. 

Nakangiting tumango sya. "Future girlfriend ko rin po sya!" 

"Talaga?" nangingising react ko. Napaka-cute ng batang 'to! No. Gwapo pala sya talaga. 

Tinitigan ko yung picture. Maganda yung best friend nya. Napangiti ako out of the blue.

"Ang ganda po nya 'no? Kasing ganda nyo po" 

Napangiti na lang ulit ako at marahang ginulo yung buhok nya. "Ikaw ah!" 

Ngumisi sya. Ang cute nyang ngumisi. Kakagigil!

"Ilang minuto lang akong nawala, may kasama ka na kaagad na iba?"

Napalingon ako kay Simon ng magsalita sya. Tinabihan na nya ulit ako sa upuan. 

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon