Chapter 37

127 2 0
                                    

Chapter 37

"HUY, bes!" pabulong na pagtawag sakin ni Lalaine na katabi ko lang ang upuan. 

Nagulat tuloy ako at napatingin sa kanya. "O-Oh?" 

"Okay ka lang ba? Di ka nakikinig kay Sir ah. Saka, sino ba yung tinutulala mo sa bintana? Wala naman si Simon dyan ah" say nya. 

"Okay lang ako, makikinig na ko kay Sir. Ikaw rin!" ibinalik ko na lang ang tingin ko sa Prof. namin na nagdi-discuss sa harap.

Hanggang ngayon, ginugulo pa rin ang isip ng isiping yon. Nakakainis!

——

NGAYON lang ako nawalan ng gana. Ganito siguro kapag sinasakop ng kung anong isipin ang utak mo. 

Ayoko na sanang intindihin yung mga tungkol don pero may isipin sakin na may dapat nga akong alamin.

"Huy, hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang yang pagkain!" 

Natauhan ako ng magsalita si Lalaine. Nasa Cafeteria kami ngayon, di ko naman kasi makain yong binili nyang meryenda.

*Ring Ring*

Napatingin ako kay Lalaine ng mag-ring ang cellphone nya. Sinagot nya kaagad yung call.

"Uy, bakit sakin ka tumatawag? .. Ha? Eto kasama ko .. Oo, pumasok sya" inaabot sakin ni Lalaine yung cellphone nya. "Babe mo"

Kinuha ko na lang kaagad yon.

"Hello?"

(Babe, akala ko kung ano ng nangyari sayo. Kanina pa kita tinatawagan pero ayaw mong sagutin kaya si Lalaine na ang tinawagan ko)

Napakamot ako sa batok ko. Ngayon ko lang na-realize na naiwan ko pala ang cellphone ko sa bahay.

"Sorry, Babe .. naiwan ko yung cellphone ko sa bahay. Sorry talaga .."

(Okay na, nakausap na kita eh. Nag-alala lang ako. Paggising ko rin kasi eh wala ka na sa tabi ko)

"Hindi na kita ginising, ang sarap ng tulog mo eh" rason ko na lang.

(Ikaw talaga. Sige, mamaya na lang)

"Okay, sige"

Then I hanged up na. Ibinalik ko na kay Lalaine yung cellphone nya.

"Wala ka talaga sa sarili,mo ngayon. Tell me, may nangyari bang .." worried na tanong ni Lalaine.

Napangiti na lang ako. "Pareho kayong dalawa. I'm okay. Wala .. walang problema. So, stop worrying about me ha?"

"Loka 'to! Umayos ka, bes!"

Nginitian ko na lang sya at pinilit kumain. Magtatampo yan eh.

Bumalik na kaagad kami sa next class namin pagkatapos ng vacant time namin.

——

"BABE..."

Napangiti ako ng makita ko kaagad siya. Nilingon nya ko ng nakangiti rin.

Nilapitan niya ko at napakunot ang noo ko ng damhin niya 'yong noo at leeg ko, 'yong para bang inaalam niya kung may sakit ba ako?

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Wala ka namang sakit pero daig mo pa meron" nakangiting say niya.

Nginitian ko na lang siya at hinila na pasakay ng kotse niya.

Nagtaka ako ng hindi niya ko idineretso sa ibang lugar para makapagpalipas oras, sa bahay na niya ko idineretso.

Napatingin ako sa kaniya ng ihinto niya yung sasakyan sa harap ng bahay namin.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon