Chapter 33

118 2 0
                                    

Chapter 33

LARA

"HOY! Kayong apat!" 

Napatingin naman sina Mervin, Shon, Clyde at Kris sa biglang sumigaw. Si Ate Zandra yon.

"Oy, Zandra!" sabay-sabay na bati nila dito. 

Pagkatapos kasi ng mag-hapong Malling naming apat, nung mag-gabi, dito naman nagyaya si Ate Zandra. Hindi na nakasama si Ysbeth. Hindi pa rin naman sya pwede dito. 

Lumapit si Ate Zandra dun sa apat at naki-join. 

Nakiupo na rin kami ni Simon sa kanila. Nandito na rin pala si Bes.

"Let's have some toast, guys! Para sakin na babalik na bukas sa LA" yaya naman ni Ate Zandra saming lahat. Nakipag-toast naman kami.

"Ang bilis naman yata?" tanong naman ni Shon. "Ni ngayon nga lang namin alam na nandito ka pala?"

"Wala eh. Pinababalik na ko ng Grandparents namin eh" sagot naman nito. 

"Wala na namang exact date ang pagbabalik mo dito. Paano kapag sa kasal nila Mervin at Ericka?" Clyde said.

Napansin kong natahimik sila saglit. Nakita ko namang nagkatinginan sina Ate Zandra at Mervin. Kaso saglit lang.

Ate Zandra smiled. "Syempre, uuwi ako that day! Kasal yun ni Mervin at ng kaibigan ko"

Pero napansin ko rin ang awkwardness between Ate Zandra and Mervin? May issue ba silang dalawa?

Pero ilang sandali lang, game na ulit si Ate Zandra na makipag-asaran sa kanila. Syempre, nakisali na rin ako. 

Isang oras lang yata ang nakalipas, may dumating. Si Ericka. At dun ko mas natuklasan na parang may issue nga silang tatlo. 

"Hi .. Zandra" bati nito ni Ericka. 

Ate Zandra gave her a smile. "Hello, Ericka!" tumayo pa si Ate Zandra at bumeso dito. 

"Hoy, ikaw ha! Hindi ka ba informed na nakauwi na ko dito? Tuloy, uuwi na ko ulit tomorrow, wala tayong bonding, friend!" Ate Zandra said. 

"Sorry, busy kasi eh" - Ericka

"Okay na nga lang. I understand .. busy ang bride to be!" -Ate Zandra

Tumayo na rin si Mervin. "Okay, mga bro .. mauna na kami"

"Aga aga naman! Ganyan ba talaga ang ikakasal na?" pang-aasar ni Clyde. 

Natawa naman kami. 

"Baliw!" react ni Mervin na natatawa na lang.

"Zandra .."

Napatingin ulit si Ate Zandra kay Ericka.

"Wag kang mawawala sa kasal namin ha? Sasabunutan kita!" Ericka said. 

Nagkatawanan na lang sila.

"Oo 'no! Hindi ako mawawala sa wedding day ng Best Friend ko!" 

Nag-hug pa sila. 

"Sige, see you again sa kasal?" Ericka asked. 

Nakangiting tumango si Ate Zandra. 

Umalis na rin sina Mervin at Ericka. 

"Oh, anong mga mukha yan?" kunot-noong tanong ni Ate Zandra ng mapaharap samin. 

Nagkibit-balikat lang sina Shon at Clyde, napa-inom naman si Kris at napangiti na lang si Simon. 

Hmm ..?

——

MAS naunang umuwi samin si Ate Zandra, maaga pa daw ang flight nya bukas. 

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon