CHAPTER 1

523 8 0
                                    

Chapter 1

"HUHU! I made him happy naman with me eh. Pero, bakit n'ya ko hiniwalayan!! Huhu.."

Kanina pa ko nabibingi sa drama ng kaibigan kong yan. Actually, hindi ko First time na makita kong ganyan yan, maraming beses na. Siguro, nasanay na lang ako.

Teka nga muna, bago ko ikwento ang ka-dramahan ng 'eng-eng' kong kaibigan, pakilala ko muna ang sarili ko sa inyo ha?

I'm Jedi Lara Gomez. Tinatawag ako ng mas nakakakilala sakin ng 'Jela', dito naman sa school, Jedi. 18 years old. Actually, kade-debut ko lang last month. Hindi s'ya bongga and not memorable. Ayokong pagastusin mother ko eh, kahit kayang-kaya naman namin. Wala naman akong masyadong friends at hindi rin ako mahilig makipag-socialite.

3rd year college na ko now sa *toot* *toot* University. I am a Business Administration student, mommy ko nag-decide n'yan. Well, gusto ko rin naman, kasi gusto ko s'yang tulungan pagka-graduate ko. Oh diba? Ang bait ko anak :)

Then, heto nga, kasama ko ngayon ang long-time friend kong si Lalaine. Classmates din kami.

Like what i've said, eto s'ya sa harapan ko, nagda-drama na naman. Nagbabasa lang ako ng book habang nakikinig sa kanya.

"Huy, ano ba, Jela? Hindi mo naman ata ako pinapakinggan eh!" reklamo pa nya sakin.

"Nakikinig kaya ako," sagot ko habang sa libro pa rin ang pokus ko.

"Nakikinig ka pero nagbabasa ka naman ng libro!" nag-pout pa na parang bata. Tss ..

Sinara ko yung librong bibanasa ko at tinitigan sya.

"Alam mo, my dear best friend, no need na pakinggan ko pa yung drama mo. Kabisado ko na kaya ang lines mo .. 'I gave him evetytihng. Ginawa ko naman ang lahat. I love him. Blah, blah, blah .. " with matching facial expression and hand gesture pa nag ginawa kong panggaya sa kanya.

"Hmp! Palibhasa kasi, hindi ka pa na-iinlove kaya hindi ka relate sa nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gaano ako ka-hurt! "

Napa-cross arms na lang ako dahil sa kanya. "At never akong ma-iinlove ng ganyan ka-baliw sa'yo 'no! Grabe ka 'ma-inlove', agad-agad. Sa loob ng tatlong taong friendship natin, ilang beses ka na bang ganyan? Di ko na mabilang ah! Pinagsasabihan kita na 'tigilan' mo na ang maniwala sa 'Destiny', wala yon! hindi mo naman ako pinapakingggan" paalala ko sa kanya.

"Eh kase naman-- "

"Tigilan mo na ang ka-dramahan, Lalaine. Hayaan mo, sa susunod na mga araw, pustahan tayo, may iba ka na naman oh?" pangunguna ko sa kanya.

"Ay, ganun ba ko "

Tinitigan ko sya. "Di mo halata? Tsh. Hibang ka na talaga!"

Na-weirdan ako sa kanya ng ngitian pa nya ko.

"Ikaw, bes. Gusto kitang makita kung paano ka maapektuhan ng love. Kailan kaya yon 'no?"

Inayos ko na ang gamit ko at napatayo na. "Sira! Pati ako dadamay mo. Tara na nga, nagutom ako dahil sayo!"

At hinila ko na sya papuntang canteen.

Pagkatapos naming kumain, nag-stay na lang muna kami don at tinapos ang assignment namin for our next class.

"Oh, look who's here?" napatingin ako sa nagsalita. Ganun din si Lalaine. As I expected, sya na naman.

"Hi, Jedi! How are you? Tsk. Sayang, hindi na tayo classmates 'no? Pero saya mo siguro, wala ka ng kakompetensya eh " nakakasar. Ngumiti pa, plastik naman!

"Excuse me? May I correct you? Baka IKAW, Charmaine ang masaya kasi hindi tayo classmates. Actually nga, I'm sad kase, nawala ka eh as my kakompetensya" ganti ko sa kanya. Hahahaha :D

Yan si Chairmaine Cruz, ang #1 rival ko dito sa college namin. 1st year kami simula ng maging magkakompetensya kami. Ilang beses akong kinalaban nyan but .. hindi sya nanalo over me. Kaya ganyan kalaki ang galit nyan sa'kin.

"Talaga lang ha?" then she smirked at me.

"Yes. Hayaan mo, may mga next activities pa dito sa college natin. Practice ka, para manalo ka naman kahit minsan" I gave her a smirked too.

Halatang galit na galit sya base sa expression nya. Napa-'Oh' pa ang mga kasama nya. Bumungisngis pa si Lalaine.

"And excuse us, may next class pa kasi kami" at iniwanan na namin sila doon.

Oops .. akala nyo ba ako yung type ng isang babaeng bumibida sa mga novel stories na nagpapa-api sa mga konta-bida? No, no, no I'm not. Kahit kailan, hindi ako nagpa-api sa kahit sino. Turo sakin yan ng lola ko haha.

Akala na nga ng ibang guy na humamak na ligawan ako, baka daw 'tomboy' ako. Bago kasi nila ako tanungin ng 'Pwede bang manligaw?' pinapangunahan ko na sila at prangka din ako. Meron pa ngang nakatikim ng karate style ko eh, babastusin ba naman ako?

And haler! Me tomboy? Ganda kong 'to tomboy? Sabi nga nila, pang-Miss Universe na daw ako. Maganda na, matangkad, magaling magdala ng damit at matalino pa. Complete Package na nga daw ako eh. Hindi ako nagmamayabang ha?

At, pumunta na kami sa next class namin.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon