Chapter 46

147 5 0
                                    

NANATILING nakapikit lang ako. Pero ayos pa naman ang huwisyo ko. Wala akong nararamdaman sa sarili ko ngayon. Parang .. wala akong nararamdamang sakit sa katawan dulot ng pagkakabangga pero ramdam ko na bumagsak talaga ako.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.

O___- ---> Dilat ng left eye.

-___O ---> Dilat ng right eye.

At ng parehong idinilat ko ang mga mata ko. Oh .. natameme na lang ako. Tinitigan ko lang sya.

"A-Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Tumama ba yung ulo mo?" sunod-sunod na worried na tanong nya.

Ang galing naman ni tadhana.

Akala ko, tapos na ko eh. But no .. dumating sya eh. Nahila pala nya ko para maka-iwas don sa makakahagip na van sakin kanina. He accidentally found me here habang hindi ko alam kung saan sya makikita sa buong airport na 'to.

Nanatiling nakahiga kami dito sa sahig. Nasa ibabaw ko sya, nasa likod ng ulo ko yung isang kamay nya at nakayakap ang isa sakin to protect me.

"Hey, Lara .. tell me, are you okay?" worried pa rin na tanong nya sakin at inalalayan na kong tumayo.

Hindi ko sinagot yung tanong nya. I don't know what to say.

Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang yakapin sya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Hindi ko na napigilan yung mga luha ko sa sobrang saya ba o ano. Mix emotions?

"Akala ko .. Akala ko, hindi na kita makikita eh. Akala ko, malalayo ka na naman sakin" I said.

"Lara .." tanging sabi nya.

"Those years .. hindi kita naalala pero ramdam ko na may hinahanap ako. Then, nagkita ulit tayo. Kaya pala .. kaya pala ganito 'tong nararamdaman ko sayo simula pa lang .. na ayoko ng mawala ka. And now, ayoko na .. ayoko na talagang mawala ka at malayo ka ulit ngayong naaalala na kita .. Mon-mon .." amin ko.

Bumitaw sya ng pagkakayakap sakin at tinitigan ako. Mukhang naguguluhan sya sa sinabi ko.

"A-Anong .. tinawag mo sakin?" tanong nya.

"Ikaw si Mon-mon .. yung taong mula noon, bumuo sa buhay ko. Si Mon-mon na kababata ko .. ngayon, sya din palang si Simon na mahal ko ngayon .. nagpatuloy lang pala tayo" then I smiled.

"L-Lara .. isa lang ang tumatawag sakin ng ganyan .." he said.

"Oo, alam ko. Ako lang naman yon. Ako lang naman ang 'Lara' na may kilala kay Mon-mon .. yung 'Lara' na hinahanap mo, nasa harap mo na, Simon .. ako lang pala yon .." sagot ko.

Mukhang di nya akalain ang sinabi ko. Hinawakan nya yung mga kamay ko at tinignan ako na parang kinikilala.

"T-Totoo ba yan? Kasi kung oo .. tama lang pala yung ganitong gaan ng pakiramdam ko sayo simula pa lang .." paninigurado nya.

Napatingin sya ng ituro ko yung Bunny hair clip sa buhok ko. "Ito .. ako lang naman ang binigyan mo nito di ba? Ito yung ipinalit mo sa keychain na may nakatatak na pangalan ko na ibinigay ko sayo noon. Tapos, tinanong mo ko kung pwede ako na lang ang girlfriend mo paglaki natin, ang sabi ko .. oo" pakangiting pinaalala ko sa kanya ang naaalala ko.

Napangiti na rin sya. "Oo .. Oo, naaalala ko yon, Lara"

"Totoo ang mga sinasabi ko, Mon-mon .." hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nya. "Wala akong naaalala sa past ko simula nung bumalik kami dito ni Mama mula sa LA, dahil nung inilayo nya ko kay Papa, nagkaroon ng car accident samin at dahil doon .. nagka-amnesia ako.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon