Chapter 14

135 2 0
                                    

Chapter 14

KAHAPON pa siya wala.

Ano yon? Pumipirmis na sya sa ngayon sa condo unit nya? Tsh. Imposible!

Haayy .. Nako naman, Jela! Eh ano naman kung wala sya? Sya nga di ka inaalala, tapos todo isip ka sa kanya.

Waahh!! Simon, bakit mo ginugulo pati isip ko? Nakakaasar ka!

Nandito kami ngayon ni Lalaine sa bahay namin.

Since ayaw ko naman daw sumama sa kanya na gumala ngayon, sasamahan na lang daw nya ko dito sa bahay.

Maaga kasi ang uwian namin kapag ganitong araw.

*DING DONG*

Napatingin ako sa pinto ng tumunog ang door bell.

"May pinapunta ka dito, Lalaine?" tanong ko dito.

"Ah .. Yeah! Baka sya na yan!"

Dali-dali syang tumakbo papunta sa pinto para buksan yon.

"Hi!" todo ngiting bati nito sa pinagbuksan.

Nilapitan ko sya kung sino ba yon.

Tsh. Si Kris lang pala.

"Bes, may gala kami. Sama ka?" tanong sakin ni Lalaine.

Akala ko pa naman, sasamahan lang nya ko dito. -___-'

"Ha? At talagang isasama nyo pa ko sa moment nyong dalawa? Lumarga na nga kayo!" taboy ko sa kanila.

Nginitian lang nila ako.

"Sorry bes ha? Next time sasamahan kita. HAHAHA!" -Lalaine

"Hmp!"

"Oo nga pala, Jela. May sakit nga pala ngayon si Simon, kahapon pa, kaya walang nangungulit sayo" -Kris

"Ah .. Eh ano naman?" pakunwari kong walang pakialam.

"Go na, bes!" -Lalaine

"Ewan ko sa inyo! Umalis na nga kayo!" taboy ko ulit sa kanila.

Tinawanan lang nila ako at umalis na.

Sinarado ko na ang pinto ng bahay namin at na-upo na lang ako sa sala.

Ah .. Kaya naman pala wala ang mokong, may sakit naman pala. Hindi man lang nagsasabi.

'Eh bakit naman sya magsasabi sayo about sa kalagayan nya eh di ka naman nya totoong girlfriend?' bulong ng isip ko.

Oo nga 'no? Pero .. Mag-isa lang sya sa unit nya ngayon at may sakit, walang umaasikaso man lang.

Hindi ba ko pwedeng maging concern since friends naman kami?

Bigla na lang akong napatayo at pumunta sa kwarto ko para magbihis.

Pupuntahan ko sya.

——

NASA harap na ko ng pinto ng unit nya. Kakatok ba ko?

"Baka tulog?" tanong ko sa sarili ko.

Kinatok ko yung pinto. Nakakailang beses na ko sa pagkatok ng wala pa rin nagbubukas.

Pinihit ko yung door knob, baka sakaling bukas. And shoot .. Bukas pala.

Hindi ba sya nagla-lock ng pinto? Paano kung ibang tao?

Pagpasok ko, wala sya sa sala.

Malamang nasa kwarto yon nagpapahinga. Tsh.

"Simon ..?" tawag ko sa kanya.

Treasure YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon